One

19 4 0
                                    

Tahimik akong nakikinig sa aming guro. Well, i can hear her but I'm definitely not listening.

I let out a sigh. Nagugutom na ako, gusto ko nang kumain sa canteen at sure akong gagastusin ko lang lahat ng inipon ko last week. Ba't ba kasi mahirap mag ipon?

Nag drawing lang ako ng kung ano ano sa likod ng notebook ko. Wala akong magawang iba kaya nag flames nalang ako sa pangalan ko at kay Daniel Padilla.

Naka ngiti kong sinulat ang pangalan ko; Blaire Aurora Gatchalian, at ang buong pangalan ni Daniel Padilla. Marriage ang result!

Upang mapigilang sumigaw, hinampas hampas ko ang braso ng seatmate kong si Liam.

"Aray!" Sigaw nito kaya naman napunta saamin ang atensyon ng marami, kabilang na ang aming guro.

"What's the problem? " tanong nito at umiling naman si Liam.

Buti nalang at pinalampas lang ito ni Ma'am Sarah. Bumalik ito sa dicussion at tiningnan ako ng masama ni Liam kaya nginitian ko lang siya.

"Okay as for your assignment, you'll have to choose a legend, folklore or a myth that you love ever since you were a child. You'll have to write a 500 words essay on this, submit this on Monday." Lahat nabulabog nung narinig yung 500 words.

Tiningnan ako ni Liam.

"Ano?" tanong ko.

"Sigurado akong Sol at Luna nanaman ang pipiliin mo." bored nitong sabi.

Ngumiti ako, " Syempre! Samahan mo ako sa library saatin ha, hihiramin ko yung libro. "

Magkapit bahay kami ni Liam ever since nag karoon na ako ng pakealam sa mundo.

May library kasi kami sa may saamin, well, children's library siya, at doon kami palaging tumatambay ni Liam noong bata pa kami at doon ko rin unang nabasa yung Sol at Luna.

Tumunog na yung bell at sinyales ito na, recess na! Umalis na si ma'am at nag silabasan na yung mga kaklase ko.

Excited na akong kumain ng overpriced na burger na sa unang kagat tinapay lahat.

-

Galing school ay umuwi na kami kaagad para dumiretchong library. Sarado kasi ito kapag saturday at sunday kaya ngayong friday na kami pupunta.

"Anong story ang kukunin mo?" Tanong ko.

"Siguro ang alamat ng santol. Teka ikwento ko sayo" humarap ito saakin.

" May dalawang mag kaibigan tapos nakakita sila ng puno na may bunga ng prutas na hindi sila pamilyar. Tanong nung isa; ' tol, ano kayang prutas yun?' sumagot naman yung isa; ' San, tol?' , The end, ang alamat ng santol." Naka ngiti itong tumingin saakin para tingnan kung natawa ba ako.

"Gago ang korni mo, nakita ko na yan sa facebook." Inirapan ko lang siya at tumuloy na sa pag lalakad.

"Grabe ka naman tumawa ka nga kahit konti, ito." Pinantayan niya na ako sa pag lalakad.

Kahit kelan talaga. Ano akala niya saakin, hello 24/7 akong nag si-share ng memes sa facebook.

Nakaabot na kami sa library at buti naman hindi pa nag sasara. Naabutan naman namin na nag aayos si aling Lua na kilalang kilala na kami dahil sobrang dalas namin dito noon.

"Magandang hapon po aling Lua!"Bati namin ni Liam.

Maliit lamang itong library niya, at matagal narin ito rito. Si aling Lua mismo ang namamahala nito kaya naman kilala talaga siya ng mga taga rito bilang isang Librarian.

"Oh Blaire, Liam, napa rito kayo? nako ang tangkad mo na Liam." Masayang sabi nito

"Nako kayo nga po aling Lua lalong gumanda. Blooming po kayo, siguro may nobyo na kayo?" Puri ni Liam.

Kahit may edad na si aling Lua ay wala siyang asawa o anak. Wala rin alam yung mga tao rito kundi isa lang siyang matandang dalaga. Pero tama si Liam, napakaganda parin ni aling Lua.

"Nako tigil tigilan niyo nga ako mga bata kayo."

"Manghihiram po sana kami ng libro aling Lua. Yung Sol-"

"Sol at Luna para kay Blaire. Sayo Liam?" Pagputol saakin ni aling Lua dahil ilang beses ko na rin itong nahiram rito.

"Yung alamat ng Daragang Magayon po"

Mabilis lang ito nahanap ni aling Lua. Sobrang kabisado niya lahat ng libro rito sa sobrang tagal niya ng nag tatrabaho rito.

Kinuha niya ang Sol at Luna sa drawer ng kanyang lamesa.

"Bakit po nakatago ito?" Tanong ko.

"Simula bata ka pa, ikaw lang naman ang nagbabasa at humihiram nito. Kaya naisipan kong itabi ito para hindi masira ng ibang mga bata para kapag lumaki ka na at balikan mo ito, maayos parin ang librong ito."

Grabe nakakatouch naman yung sinabi ni aling Lua.

Ibinigay na namin ang library card namin at nagpasalamat.

-

Narito ako ngayon sa rooftop namin a.k.a sampayan.

Binabasa ko itong libro sa ilalim ng makikinang na mga tala sa langit. Grabe, napakaganda nila. Sabayan mo pa ang liwanag ng buwan.

Binitawan ko muna yung libro at humiga upang mas maganda ang pag stargaze ko nang may isang bituin ang kumuha ng atensyon ko. Grabe ang pag kinang nito parang anytime babagsak ito.

Naghalo ang takot at excitement ko kaya tumayo ako.

"Teka, parang babagsak nga!" Sigaw ko at may kung anong tumama saakin kaya naman napahiga ako.

Ansakit ha! Hinimas himas ko ang ulo ko at umupo. May kung anong liwanag ang papalapit saakin.

Isang pigura ng tao, pero ito ay kumikislap na parang bituin. Unti unti itong lumalapit saakin at umupo siya para pantayan ang mukha kong gulat na gulat.

"Ikaw ba si Blaire?" Para akong mahihimatay sa tanong nito.


Sol at LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon