A/N: please don't forget to VOTE!
-
"Ikaw ba si Blaire? " Para akong mahihimatay sa tanong nito.
Paano niya nalaman pangalan ko? Teka, Paano siya nakapunta dito?
Shuta siguro stalker to o mag nanakaw!
"H-hindi, hehe, sinong Blaire?" Unti unti akong umatras sa pag kakaupo ko.
Mahirap na, baka kung anong gawin nito sakin, baka patayin pa ako. Jusko, ang bata bata ko pa marami pa akong pangarap parang awa mo na!
Nakita ko yung Ariana Grande T-shirt ng kapatid kong naka sampay.
"Ah eh, A-Ariana pangalan ko hehe nice meeting you po." Mamatay na ako ang galang ko pa.
"Ariana?" Parang hindi siya na niniwala ha.
"Ha? Oo-"
"Ate Blaire kakain na, bumaba ka na daw sabi ni mama!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko.
Tiningnan ako nung lalaki na para bang sinasabing 'Aha! ikaw pala si Blaire ha, makikita mo'.
Ang galing ng kapatid ko, napaka galing.
"Ah..hehe sige kakain na daw kami hehe i-ingat!" Mabilis akong nakatakbo pababa at saka nilock ko yung pinto ng para bang wala ng bukas.
Pag baba ko nag sisisigaw ako
"Mama, mama, may tao sa taas ma! " taranta kong sabi.
"Anong tao? "
"Hindi ko alam baka mag nanakaw tingnan mo na po dali! "
tinulak ko siya papuntang hagdan at tumaas naman siya upang tingnan yung sinasbabi ko.
Matapos ang ilang segundo ay bumaba na ito.
"Anong taong pinagsasabi mo? baka pusa lang yung nakita mo. "
May pusa bang nag sasalita? Baka si doraemon na yung nakita ko.
"Ay ewan ko sayo Blaire. Tara na kain na tayo. "
-
Nag hahanda ako ngayon dahil lalabas kami ni Liam at ni Alana. Every saturday kami nag kikita-kita para mag jamming kasi ibang school na si Alana. Kaming tatlo kasi ang palaging nag lalaro noong bata pa kami kaya hangang ngayon magkakaibigan parin kami.
Kinuha ko na ang badminton racket ko at nag paalam na kay mama.
Dito lang naman kami sa park saamin.Pagkarating na pagkarating ko, andoon na silang dalawa.
"Hey y'all" bati ko pag ka upo ko sa kumot ni Alana at may dala dala pa itong kung ano anong pag kain."Anong hey y'all, sabihin mo saakin, Behave ba ang Nathan ko sa school?" tanong ni Alana.
Nakilala niya si Nathan noong nag foundation day sa school namin, syempre isinama namin siya, at doon na nag simula lovestory nila.
"Oo, sayo lang patay na patay yun." Masungit na sabi ni Liam.
"Ikaw Liam, kanino ka patay na pat-" isinubo ni Liam yung sandwich na dala ni Alana.
"Grabe Alana ang sarap talaga ng gawa mong sandwich!" Tinawanan ko lang ang mga pinag gagagawa netong mga to.
Bigla ko nalang naalala yung nakita ko kagabi. Nanaginip ba ako?
"Kagabi, may nakita ba kayong kakaiba sa bituin? " tanong ko sa kanila.
"Bakit, nandoon ba si Sarah G at sumayaw siya ng tala?" Dapat pala hindi na ako nag tanong. Nangdidilim ang paningin ko.
Inirapan ko lang yung walang kwentang Liam.
"Tara na." yaya ko at nag laro na kami ng badminton.
-
mag aalas-syete na nung napagpasyahan naming umuwi na.
"Samgyup tayo next week ha!" excited na sabi ni Alana."Oo na, sige na. Ingat ha! " Paalam ko sakanya.
Kabilang daan kasi yung bahay nila Alana tas kami naman ni Liam literal na mag kapitbahay, oo, as in mag katabi lang.
Naglalakad na kami nang tumunog yung selpon ni Liam.
"Ay shit, nakalimutan kong kunin yung tupperware ni Mama kay Tita Alice! " tarantang sabi niya.
Nako kalimutan na lahat wag lang tupperware ni mama.
"Samahan na kita?" tanong ko.
"Wag na mauna ka ng umuwi. Baka matagalan pa ako dun eh. Sige, Ingat ka ha. " paalam nito kaya kumaway nalang ako.
Sinaksak ko na ang earphones sa tenga ko at tumuloy sa pag lalakad. Naramdaman ko ang malamig na simoy hangin sa balat ko, grabe ang sarap.
Tumingala ako upang makita ang magandang mga bituin na kumikislap sa langit. Napakaganda talaga. Ano kaya yung nakita ko kagabi? baka nga siguro na naginip lang ako.
Inilipat ko na ang tingin ko sa daan nang nagulat ako sa lalaking nasa harap ko.
Napasigaw ako sa gulat. Adik ba to?
"Ariana pala ha." Anong Arian- teka.
"S-sino ka ba ha? kilala ba kita? " nanginginig kong tanong.
"Hindi mo ako kilala, pero kilala kita." humakbang siya papalapit saakit at umatras naman ako.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid, bakit walang tao? Bakit ngayon pa?
Ngayon na ba ako mamamatay?Umupo ako at nag makaawa.
"K-kunin mo na ang bag ko, may cellphone at wallet dyan please ayoko pang mamatay! " maiiyak kong sabi.
Ilang segundo siya tumahimik. Tiningnan ko ang mukha niya, pinipigilan niyang tumawa?
"Hello? sabi ko kunin mo na bag ko?" He then burst out laughing. Ano to joke time?
"Hindi naman ako magnanakaw eh!" At patuloy siyang tumawa. Aba, nakahawak pa sa tiyan!
"Anong problema mo? makaalis na nga! " Aalis na sana ako ng hinawakan niya braso ko.
"Okay eto na. Ako si Sirius. "
"Serious? Seryoso din akong tigilan mo na ako, wala ako sa mood makipag tawanan sayo!"
"Hindi, S-i-r-i-u-s! pangalan ko yan."
Ah Sirius. Sirius black ka ghorl?
"Eh ano naman ngayon? tska bakit ka ba nasa bahay kagabi? gusto mo tumawag ako ng pulis! " pag banta ko sakanya.
"Wag kang tumawag ng pulis! malinis ang intensiyon ko. Hindi ba kilala mo si Madam Lua?"
"Oh ano kay aling Lua? " mataray kong tanong.
"Hindi ba alam mo ang kwento ng Sol at Luna, siya si Luna. " Tiningnan niya ako.
"At kailangan mo akong tulungan" seryoso nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna
FantasyIsa sa pinakapaboritong istoya ni Blaire ay ang Sol at Luna. Ngunit isang araw, nalaman niya na totoo pala si Sol at Luna.