Chapter 2: Royale Charmers

12 4 0
                                    

Chapter 2: Royale Charmers

Selene

Punyeta! May nakita akong naglalampungan sa hallway! PDA! Tinakpan ko ang mata ko at dali-daling tumakbo papuntang dorm namin.

Hinihingal akong dumating sa dorm. Pati ba naman dito may PDA pa din? Bakit ba naman kasi ako lumabas pa? Nakakita tuloy ako nang hindi kanais-nais na pangyayari. Akalain mo yun? Meron din palang mga taong ganon dito akala ko naman iba sila. 

____

Nagising ako nang may maramdamang presensiya sa paligid ko.
 
Agad na iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko silang tatlo.

"Buti naman nagising ka agad. Kailangan mo pang maghanda. Nasa closet mo na yung uniform mo." Wika ni Kia.

"By the way, regular classes tayo mula Monday hanggang Tuesday lang which means puro lecture lang. Kapag Wednesday to Friday naman, training day natin, ibig sabihin, hahasain natin ang ating mga sarili upang mas mapalakas pa natin ang ating mga charms." Makahulugang wika ni Raillie.

"Maghahanda na ako ah. Paki-hintay na lang ako sa labas." Sabi ko at pumasok na sa banyo.

Mabilis na ginawa ko ang mga morning rituals ko at isinuot ang uniform ko. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit kasyang kasya ito sa akin dahil lahat naman posible sa mundong ito.

Lumabas na ako sa dorm naming at napansin kong tinititigan nila ako.

"Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? Bakit kayo nakatitig?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang ganda mo Selene! Para kang model ng uniform natin!" Masiglang wika ni Fiona.

"Sus, mga mambobola. Tara na nga." Wika ko habang pailing-iling.

Habang naglalakad kami sa hallway, napapansin kong tinititigan nila kami, no scratch that, tinititigan nila ako. Bakit na naman? Nakakairita na ang pagtitig nila ah. Hindi ko na lang sila pinansin ngunit nakarinig ako ng mga bulungan.

"Bakit kasama niya ang mga Royale Charmers? Sino iyan?"

"Bihira lang na may makasali ng agad-agad sa Royale Charmers lalo na kapag baguhan."

"Malakas kaya ang charm niya?"

Nang tumingin ako sa kanila ay agad silang tumigil sa pagbubulungan. Tsk. Mga marites!

Agad naman akong tumingin sa kanilang tatlo.

"Ano ba yung Royale Charmers na sinasabi nila? Diba kasali din daw ako doon?"

"Well, the Royale Charmers are kinda like the special sections in the Mortal World. Marami ang pagkakaiba namin sa mga normal na charmers. For example, yung mga charm namin, ang mga Royale Charmers kasi ay maaaring  may dalawa o mas marami pang pinaghalong charms. Kami din ang ipinadadala sa iba't-ibang misyon sa labas ng school dahil laging advance ang training namin." Pagpapaliwanag ni Raillie sa akin.

"Kaya naman pala parang gulat na gulat yung iba na kasama ko kayo. Malalakas pala ang charms niyo." Wika ko.

"Hayaan mo na lang sila Selene, masasanay ka din." Wika ni Kia.

Saktong nakarating na kami sa tapat ng classroom kaya hindi na ako nakapagsalita.

Pumasok na silang tatlo at nagsalita na ang teacher para ipakilala ako.

"Okay class, may bago kayong charmer na makikilala at makakasama." Wika ng teacher at inaya ako paloob.

Pumasok naman ako sa loob at nginitian silang lahat. Nagpakilala na ako sa kanila.

"Selene Villanueva, 17 years of age. I hope to be friends with you all." Wika ko at nagpalakpakan naman silang lahat maliban sa isang lalaki na nakatungo.

Pinaupo na ako ng prof sa tabi ng lalaking natutulog. Umupo na ako sa tabi niya at nakinig sa lecture ng aming teacher.

"17 years ago, tahimik pang namumuhay ang mga tao sa Mortal Realm. Hindi pa magkahiwalay ang Dark Kingdom at ang limang kaharian; Royale Kingdom, Aarde Kingdom(Earth Kingdom), Aqua Kingdom(Water Kingdom), Fotiá Kingdom(Fire Kingdom), at ang Lux Kingdom(Light Kingdom). Ngunit nang namatay ang asawa ng Reyna ng Dark Kingdom, sumiklab ang labanan. Nagalit ang reyna ng Dark Kingdom dahil napatay ng hari ng Royale Kingdom ang hari ng Dark Kingdom. Kaya naman nang kapanganakan ng kaisa-isang prinsesa at tagapagmana ng trono ng hari, sumugod ang mga taga-Dark Kingdom sa buong Royale Kingdom habang nagsasaya sila sa kapanganakan ng prinsesa. Nagalit ang kapatid ng Reyna ng Royale Kingdom na si Aria sa kanyang kapatid na Reyna naman ng Dark Kingdom na si Alannah dahil sa pagtataksil nito sa mismong kapatid. Noong araw na iyon ay biglang nawala ang prinsesa at napatay naman sa digmaan ang hari ng Royale Kingdom na si Francis. Simula nang araw na iyon, hindi na mahanap ang prinsesa na makapagliligtas sa buong Magical World."   Pagkukuwento ng prof namin.

Grabe naman pala ang pinagdaan ng Hari at Reyna. Nasaan na kaya yung prinsesa ngayon? Sana naman mahanap na siya para mawakasan na ang digmaang ito at magkaroon na ng kapayapaan sa buong Magical World. At makabalik na rin ako sa Mortal Realm. 
__

Royale Academy: Finding the Kingdom's Lost Princess [Royale Series #1]Where stories live. Discover now