Chapter 5: Training
Selene
Ang bilis ng mga pangyayari at hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Thursday na ngayon at kailangan na namin pumunta sa training room. Nakalagay sa schedule namin na buong araw kami may training.
Naglalakad na kami ngayon sa hallway. As usual, pinagtitinginan ng mga tao, nasanay na din naman ako dahil araw-araw nila ginagawa yan.
Kinakabahan ako na nae-excite kasi ngayon ko na malalaman ang charm ko. Pinauna kaming apat ni headmistress dito dahil tutulungan niya akong alamin kung ano ang charm ko. Sa mga binabasa kong libro sa library, kapag nalaman mo na daw ang charm mo, may guardian ka din daw na makukuha ayon sa charm mo. Royale Charmers lang din ang nakakakuha ng guardians kaya naman mas lalo akong excited.
Nabanggit na din sa akin nila Venus yung mga guardians ng Royale Charmers.
Red--Dragon
Venus--Tiger
Athena--Lion
Demeter--Eagle
Gabriel--Fox
Nathaniel--Fox
Zaden--Jaguar
Kent--Wolf
Damien--Jaguar
Xion--WolfNapansin ko ding magkakaparehas ng guardian ang magkakapatid. Magkaiba lang sa kulay.
Ano kaya yung sa akin?
Nang makapasok na kami sa training room, ngumiti si Headmistress sa akin.
"Ready to know your charm, Selene?" Tanong ni Headmistress.
"Yes." I was born ready.
"Ngayon gusto ko mag-focus ka. Kapag may nararamdaman kang enerhiya sa palad mo, pakawalan mo." Wika ni headmistress.
Tumango ako at tiningnan sila Fiona. Nag-thumbs up lang silang tatlo sa akin.
Pumikit ako para makatulong sa pagfo-focus ko. Nang maramdaman kong may enerhiya sa palad ko, pinakawalan ko ito katulad ng sinabi ni headmistress.
Pumalakpak siya sa akin.
"Well done, Selene. Tutulungan ka nila Kia para sa iba pa. Atleast alam na natin na may charm ka." Wika niya habang nakangiti.
Ngumiti ako at tumango.
Nang makaalis na si headmistress ay agad na nagsimula kami.
"So may isang oras tayo bago magsimula ang totoong training natin." Wika ni Raillie.
"Ngayon magrelease ka nang sunud-sunod na charm. Kapag narelease mo na ang charm mo, doon na din lalabas ang guardian mo." Makahulugang wika ni Fiona.
Tumango ako at pumikit ulit. Nang maramdaman ko ang enerhiya sa palad ko, nagpakawala ako ng sunud-sunod na charm.
"Good, you can open your eyes now." Wika ni Fiona.
Agad na binuksan ko ang mga mata ko, excited na makita ang guardian ko.
Tumingin ako sa tinurong direksyon ni Raillie at nakita ang phoenix na guardian ko.
YOU ARE READING
Royale Academy: Finding the Kingdom's Lost Princess [Royale Series #1]
FantasyRoyale Kingdom was once a peaceful kingdom until anger and resentment took over it. The disciples of the queen and king decided to let the princess live a normal life in the mortal realm until her 17th birthday. There's only one princess to find; i...