Chapter 3: Meeting

10 4 0
                                    

Chapter 3: Meeting

Selene

Nang matapos na ang klase, biglang lumapit sa akin ang mga kaklase ko sa akin maliban sa tatlong kaibigan ko at  lalaking natutulog kanina. Kaunti lang naman din kaming magkakaklase dito, 11 lang kami. Apat na babae, pitong lalaki. Bale anim silang lalaki sa harapan ko.  In fairness, lahat sila gwapo.

"Gabriel Prescott."
"Nathaniel Prescott."
"Zaden Smith."
"Kent Brooks."
"Damien Smith."
"Xion Lee."

Pagpapakilala nilang lahat at nakipagkamay sila sa akin.

"Gusto mo sumama sa cafeteria Selene?" tanong sa akin ni Xion.

"Mauna na kayo. May babasahin lang ako sa library." Wika ko.

Umalis na sila at iniligpit ko na ang gamit ko. Bago ako lumabas ng room, tiningnan ko yung lalaking kanina pa tulog. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit papunta sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya.

"Red Harrison Moore." Pagpapakilala niya atsaka inilahad ang kanyang kamay para makipagkamay.

Okay?

Nakipagkamay ako sa kanya. Matapos niyang makipagkamay ay umalis na agad siya.

Nagtatakang lumabas ako sa room at dumiretso na sa library.

__
Agad na hinanap ko ang librong tungkol sa buong Magical Realm at sa mga Charms para mapag-aralan ko ito.

Una kong binasa ang libro tungkol sa Magic Realm. Binasa ko ang mga pinuno ng bawat Kingdom.

Royale Kingdom:
King: Francis Parker
Queen: Aria Wilson-Parker
Princess Aeris Parker

Dark Kingdom:
King: John Evans
Queen: Alannah Wilson-Evans

Fotiá Kingdom:
King: Sean Moore
Queen: Alliah Moore
Prince Red Harrison Moore

Lux Kingdom:
King: Jake Prescott
Queen: Victoria Prescott
Prince Gabriel Prescott
Prince Nathaniel Prescott

Aarde Kingdom:
King: Augustine Lee
Queen: Elenore Brooks-Lee
Prince Kent Brooks
Prince Xion Lee

Aqua Kingdom:
King: Zayn Smith
Queen: Madelaine Smith
Prince Damien Smith
Prince Zaden Smith

Princess Aeris Parker

-Ipinanganak ang prinsesa matapos ang ilang araw pagkatapos ng libing ni haring John ng Dark Kingdom. Sa araw ng kapanganakan ng prinsesa ay nagdiwang ang lahat dahil sa kakaibang lakas na tinataglay niya. Kaya niyang kontrolin lahat ng element ng bawat Kingdom maliban sa Dark Magic. Nang malaman ito ni Alannah, agad na naghanda ang Dark Kingdom sa pagsugod sa Royale Kingdom. Sa digmaang ito, namatay ang hari ng Royale Kingdom at marami pang tagapaglingkod ng apat na kaharian. Sa pagkakaalam ng iba, itinago ng mga tagapaglingkod ng hari ang prinsesa sa lugar na hindi mahahanap ng Dark Kingdom.

Nang matapos ko nang basahin ang libro tungkol sa Magical World, binasa ko naman ang libro tungkol sa iba't-ibang charms.

Charms are divided into four types.
The first one is the elemental type. The charmers that are possessing the elemental charms like fire, water, earth and light are considered to be the most dangerous charmers in the Magical Realm.

The second one is the sub-element type. These charms have connections to the elemental types of charms like ice.

The third one is the common type. These charms refer to enhanced skills like creating illusions, creating spells, etc. The charmers that possess these charms have the easiest trainings.

The fourth one is known as the dark charm. The dark charm or dark magic is used by the people in the Dark Kingdom like Queen Alannah.

Then there are charmers who possesses all the first three types. They are called the Royale Charmers. The Royale Charmers are known to be the prince and princesses of each Kingdom in the Magical World except the Dark Kingdom. They get advance and special trainings for their missions and to enhance their skills and charms .

__

Matapos kong magbasa ay dumiretso na ako sa cafeteria. Mahirap na baka malate sa klase.
Nang makuha ko na ang order ko, tumingin ako para sa bakanteng table, pero wala talaga akong mahanap. Lumingon na lang ako para hanapin sila Venus. Nang makita nila ako ay kinawayan nila ako at sinenyasan na sumabay sa kanila.

"Nasasanay ka na ba dito Selene?" masiglang tanong ni Nathaniel.

"Hindi pa masyado." Wika ko sabay kagat sa sandwich ko.

"Ano nga pala ang binasa mo kanina?" tanong naman ni Raillie.

"Nagbasa ako ng tungkol sa Magical World at mga charms para maging pamilyar ako sa mga bagay-bagay." Wika ko.

Tumango naman sila at nagpatuloy na sa pagkain.Napakasuwerte ko namang nilalang dahil  kasama ko ang mga prinsipe ng bawat kingdom. Napansin kong nakatingin si Red sa akin kaya naman tiningnan ko rin siya, pero ng mapansin niyang tiningnan ko siya, umiwas siya ng tingin.

Weird. May dumi ba ako sa mukha?

"Anong sunod na class?" tanong ko sa kanila.

"Mag-aaral tayo tungkol sa potions." Sabi ni Kia.

Tumango na lang ako. Nang matapos na kaming kumain, bumalik na kami agad sa classroom.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na din ang prof at nag-discuss na tungkol sa potions.

"Potions can help you during missions. Maraming potions katulad ng Healing Potion. Ang Healing Potion ang pinakamadaling gawin dahil ito ang pinaka-common dito. Ang pinakamahirap naman na gawin na potion ay Death Potion."  Wika ng aming prof at ipinaliwanag niya sa amin kung paano ito gagawin at kung anu-ano ang mga kailangan sa paggawa nito.

Nang matapos na ang klase ay pumunta na din kami sa dorm dahil iyon na ang last class namin. 

Nang makarating na kami sa dorm tinanong ko sila.

" Ganun ba talaga si Red? Siya lang yung tahimik kanina habang nag-uusap tayo sa cafeteria." 

"He's like that to someone he's not close with. Huwag mong masamain, sadyang introvert lang siya." Pagpapaliwanag ni Fiona. 

Napatango na lang ako at pumunta sa table ko at nagbasa ng mga notes galing sa classes kanina. I know that this is a different world but I still want to do my best even if it's temporary.

_________

Royale Academy: Finding the Kingdom's Lost Princess [Royale Series #1]Where stories live. Discover now