Chapter 7: Blue

9 0 0
                                    

Chapter 7: Blue

Selene's POV

Lutang pa rin ang isip ko hanggang makarating kami sa classroom. Anong ibig sabihin ng mga salitang binitawan ng uwak?

Kung sino ang bumuo sa iyo, siya rin ang makasisira sa iyo.

Bahala na nga. I'll just cross the bridge when I get there.

"Selene!" Tawag sa akin ni Nathaniel na ikinagulat ko.

"Ay sisira sa iyo!" Nagulantang wika ko.

"Anong sisira sa akin?" Tanong ni Nath.

"Wala iyon. Bakit ka ba kasi nanggugulat, Nath?" Tanong ko sa kanya.

"May announcement kasi na may meeting ang mga faculty members kaya wala tayong klase hanggang lunch." Wika niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Para saan naman yung meeting?" Nagtatakang tanong ko.

"Para sa Royale Ball. Every year ipinagdidiwang ang Royale Ball sa Royale Kingdom. Ipinagdidiwang ito sa mismong kaarawan ng hari. Binigyang karangalan ang hari para sa pag-aalay niya ng buhay niya para sa Royale Kingdom at iba pang kaharian laban sa Dark Kingdom." Pagpapaliwanag ni Nathan.

Napatango na lang ako ulit.

"Baka hindi na lang ako pupunta mamaya. Wala naman akong susuotin para sa Royale Ball." Wika ko kay Nath.

"Lahat tayo may susuotin na, Selene. Lahat ng charmers sa Royale Academy ay binibigyan ng damit para sa mga ganitong event." Singit ni Kia sa usapan namin.

Sa bagay, walang imposible sa mundong ito.

Napatango na lang ako. Wala naman din akong choice. Nakakaboring sa dorm namin.

"Guys, punta tayo sa garden." Yaya ni Fiona sa mga kaklase namin.

"Tara." Wika ni Xion.

----

Nang makarating na kami sa garden, umupo kami sa damuhan.

"Oo nga pala, sino ang date mo mamaya, Selene?" Excited na tanong ni Raillie.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Raillie.

"Date? Required ba ng date sa Royale Ball mamaya?" Tanong ko.

Napaisip naman siya.

"Well, not really. Pero this is once a year only, dapat mag-enjoy ka." Wika niya in a matter-of-fact-tone.

"I can enjoy the ball by myself." Wika ko sa kanya.

----

Mabilis lang na lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na oras na pala para sa Royale Ball.

And I won't lie, the girls look dazzling in their own unique dresses.

"Tara na, baka ma-late pa tayo." Excited na wika ni Fiona.

Naglakad na kami papasok sa carriage na magdadala sa amin papunta sa Royale Palace. 

Nang makababa na kami sa carriage, agad na nakaramdam ako ng hampas ng malamig na hangin sa aking balat. Hindi ko iyon pinansin at nagtuloy lang kami sa paglalakad.

Pero maya-maya, sumigaw si Xion.

"Selene!" sigaw niya habang papatakbo sa akin.

Napatingin ako sa isang kabayo na papunta sa akin. Agad akong nakaiwas bago pa ako mabangga nito.

"I'm sorry miss, are you okay?" tanong ng isang lalaki.

"What do you think? You almost got me killed there!" Naiiritang wika ko.

"That's why I said sorry. There's no point in getting mad about it." Naiiritang wika niya.

Wow, siya pa talaga ang may karapatang mainis.

"Hey, you're bleeding." wika ni Red na nasa tabi ko na pala.

Napansin ko rin na ang sama ng tingin niya sa lalaki.

"Hey Red, long time no see." wika niya habang nakaway.

"And we better not see each other again." kunot-noong sambit ni Red.

"Why? Is it wrong to see my cousin once in a while?"

Pinsan niya si Red? Bakit ganoon na lang ituring ni Red yung pinsan niya?

"Shut it, Blue." Naiiritang wika ni Red. 

Red and Blue, what's with them and their names? Hindi naman halata na hilig ng pamilya nila sa kulay.

"Okay,fine. Sorry again okay?" wika niya sa akin.

Tumango na lang ako. Nang papasok na ako sa palasyo, may humila sa akin.

"What--"

"May nakalimutan pala akong sabihin sa iyo. Can you be my date tonight?" wika ni Blue.

Kahit na nagulat ako sa tanong niya, sumagot ako ng mabilis.

"No. I don't need a date." madiing wika ko.

"Why? Dahil ba muntik na kitang mabangga kanina? Hindi ko alam na nagtatanim ka pala ng sama ng loob."

"Hindi ganoon yun. Ayaw---"

"She's my date." Wika ni Red.

Bakit ba lagi nilang pinuputol yung pagsasalita ko? What's with men and their manners? At ano? Date ko si Red?

"Hey! At kailan pa kita naging date? As far as I remember, I went here alone, without a date." pagsasabi ko sa kaniya.

"You have one now." Red said stubbornly.

"Whatever." mataray na wika ko.

"Enjoy the night then." mapang-asar na sabi ni Blue.

Red offered his hand.

"No thank you, I can walk alone, and I will go alone." wika ko.

Nakapasok na kaming lahat sa hall kung saan gaganapin yung Royale Ball.

I have seen and attended many parties and balls in the Mortal Realm pero dito kakaiba. It seems different, it seems magical.

Kaming mga Royale Charmers ay nasa isang mahabang table sa pinakaharap.

Matapos maghintay ng ilang minuto, dumating na rin ang reyna. Lahat ng tao sa Hall ay tumayo at nagbigay galang sa reyna. Kahit mukha siyang mahinhin, ramdam ko pa rin ang awtoridad sa kanyang titig at tindig. Malalaman mo talaga na malakas siya kahit may edad na.

Sumenyas siya na umupo kami kaya umupo na ang lahat. Di nagtagal nagsimula na ang seremonya.

Nang maramdaman kong may nakatingin sa akin agad na sumulyap ako kung saan ko naramdaman ang presensya. Nagmula sa harapan kung saan nakaupo ang reyna. Tumingin ako sa kanyang gawi at nakita ko siyang nakatitig sa akin at tila malalim ang iniisip. 

This is awkward. Bakit ako tinititigan ng reyna?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Royale Academy: Finding the Kingdom's Lost Princess [Royale Series #1]Where stories live. Discover now