𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 11: The Girl

10.5K 202 9
                                    

CHAPTER 11
THE GIRL


NYLANYER POINT OF VIEW

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pero saan ba nanggaling ang sinag ng araw, makapal kaya ang kurtina dito, natawa nalang ako dahil ang ilaw pala ay nanggaling sa isang poste. Napapailing na lang ko habang umiinat, kahit nakapikit pa ako. Kaya ng makapag-adjust na ako, o gising na ang diwa ko ay unti-unti ko ng binuksan ang mga mata ko.

Pagkamulat ko ay napangiti ako dahil sa lalaking yumayakap sa akin at payapang natutulog sa tabi ko. Pero bago ko siya titigan ay tinignan ko ang bintana. Pero wala naman araw na tumatama doon. Hayst nababaliw na siguro ako.

Kaya tinitigan ko nalang ang asawa ko, kasi lalo akong mababaliw kung iisipin ko ang bagay na ‘yun. Hinahaplos ko pa ang malambot niyang bbuhok, pero habang tumatagal na tinitigan ko siya ay naiinlove ako sa perfect niyang mukha, ang matangos niyang ilong, ang makikinis niyang balat, ang manipis at mapula niyang labi at mahahaba niyang pilikmata.

Ganito ba talaga siya ke perpekto sa aking paningin. Gwapo din ang mga kaibigan niya pero sa kanya ako na in love, malay ko ba na baka siguro noong nagpaulan ng kagwapuhan ay sinalo na nila lahat.

“Bakit kaya ang gwapo-gwapo mo?” Nanggigigil na bulong ko sa kanya habang titig na titig pa rin sa maamo at gwapo niyang mukha, saka ko hinahaplos ito.

Ang lambot at kinis talaga ng mukha ng mahal ko. Kaya habulin siya ng mga babae at bakla. Teka muna, tama mo na ang kalandian ko dahil may pasok pa pala ako.

Anyway ito na kasi ang huli kung pagpasok sa University dahil mag home study na daw ako for my safety, kahit marami ang nagtataka kung bakit ay wala na silang magagawa. Hindi na dapat nila kwene-question ang biglang routine ko bilang estudyante dito sa University namin.

“Akin ka lang kahit maraming nagkakandarapa sayo ayaw kitang ipamigay, ano sila sinuswerte, over my sexy body,” bulong ko ulit at hinalik-halikan ang kaniyang mukha pero napabalikwas ako ng magsalita siya.

“Yeah I know wife, and your mine too,” nagulat pa ako ng magsalita siya ng bagong gising, gosh parang inaakit niya ako.

“Kanina ka pa gising ‘no?” tanong ko sa kanya sabay pout dahil nakangisi lang siya sa akin, na para bang naka jackpot.

“Good morning my beautiful wife,” husky na sabi niya sa akin sabay halik sa naka pout kong bibig. Saka hindi pa niya sinagot ang tanong ko. Ang sama naman ng mokong na ito.

“Walang maganda sa umaga,” sumpladang sabi ko na lang sa kanya dahil nagtatampo ako. Hindi man lang niya ako sinagot.

“Mayron kaya, ‘yun ay ang misis kong kay agaaga ay napakamasungit,” sagot niya sa akin. Tapos niyakap niya ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga sa higpit nito.

“Ewan ko sayo, by the way hubby, papasok pa pala ako sa University saka last day ko na din para makikita si Alliana.” Hirap na sabi ko sa kanya dahil sa higpit ng yakap niya sa akin. Tumango naman siya habang hinahaplos ang buhok ko.

Shhh, makikita mo naman siya araw-araw because she’s Henry’s girl hahaha,” napapailing na sabi niya sa akin habang tumatawa pa.

“Hayst, oo nga pala, bakit ko pa iyon prinoproblema? Saka para silang aso’t pusa kung magbangayan.” Nakangiwng sabi ko sa kanya dahil kapag nakikita ko si Alliana at Henry ay talagang parang aso’t pusa kung magbangayan, yung tipong walang magpapatalo, ma pride kumbaga.

DO #1: My Professor Mafia Boss Is My Husband(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon