Mayayabang ang mga tingin para bang pinapatay nila ang batang babaeng nag lalakad sa kanilang harapan. Wala naman pake ang babaeng kanilang tinitignan dahil once na lumingon ito sa kanilang direksyon siguradong lilihis ang kanilang tingin at sa ibang direksyon sila titingin. Alam ni Zyrill ang mga galawan ng mga taong patagong nagagalit sakanya at 'Wala syang pake' dahil galit din sya sakanila. Habang nag lalakad sa iskinita patungo sa bahay ng kanyang tiyahin iba't ibang tingin ang nararamdaman nya sa bawat hakbang ng kanyang paa gusto nyang pag babarilin ang mga matang nakasunod sakanya. Ngunit wala syang baril kaya pasalamat sila at wala sya sa mood para bigyan ng pansin ang mga tingin na ibinibigay ng mga to sankanya.
Malapit na sya sa kanto ng bahay ng kanyang tiyahin ng makita nyang nasa labas ang mga ito at di na sya mag tataka kung ano ang ginagawa ng mga ito. Nag kakagulo sila at may kanya kanyang pinag kakaabalahan.
'Wala paring nag bago.' Dahil malakas ang mga sapak at pakiramdam ng mga kamag anak nya nag silingunan ang mga ito sa direksyon nya at parang may kung anong nakapag patigil sa mga ginagawa nila.'Nako ayan na ang pamangkin mo'
'Pre si Zyrill!'
'Oh ayan na pala yung pamangkin mo'
'Tsk. Ano nanaman ang ginagawa nya dito'
'Ang mayabang na babaeng yan'
'Nakow awatin nyo na yan at nandyan na ang impakta'
Kanya kanyang direksyon ang mga kaninang mag kakasama. Yung iba ay nag si upo lang sa tapat ng gate at hinintay syang makalapit yung iba naman ay naka tayo lang habang naka tingin sa kanya.
"Zyrill ma cousin buti nakarating ka ng walang bangas." Maangas na bati ng pinsan nyang nag lalakad palapit sakanya.
Walang reaksyon na tinignan nya ang pinsan nyang hudlom isa lamang ito sa mga taong malapit sakanya ngunit di nya ito pinakikisaman ng ayos dahil 'Wala na syang pake sa kadugo nya'.
"Anong kailangan mo at napadpad ka dito Zy?" Tanong muli ng pinsan nya.
Umakbay ito sakanya kaya't napalingon sya dito para ipaalam na di nya nagugustuhan ang ginawa nito. Ngisi lamang ang isinagot nya dito at hinampas nya ang kamay nito.
"Arayy! Napaka mo talaga Zy tara na nga." Nauna na ito mag lakad sumunod naman si Zyrill.
Nang nasa harap na sya ng mga hudlom di nya maiwasang makaramdam ng inis dahil sa mga tingin na ibinigay ng mga ito sakanya.
"Nag punta ko dito dahil sabi ni Papa at kung titignan nyoko na parang hinihiling na umalis na sorry pero diko gagawin yun." Nag lakad nasi Zyrill patungo sa loob at kahit alam nyang mali yung ginawa nya di nya pinansin ito.
"Hoy! Bastos bumati ka naman para kang boss ah." Saad ng kung sinong nasa likod nya.
Huminto sya sa pag lalakad at pinilit pakalmahin ang kanyang sarili.
"Para san di naman ako pumunta dito para makipag plastikan." Walang prenong saad ni Zyrill. 'Tsk tsk' yan lang ang narinig nya.
It's been a long time ng umalis sya sa lugar ng mga kadugo nya dahil sa di nakakatuwang pang yayari. Ngunit nag babalik sya dahil din sa di nakakatuwang dahilan.
"Wala ka paring pinag bago bastos kaparin Cris Zyrill Diamante ia
bang klase ka talaga." Sarkastikong saad ng mayabang na nasa likod nya.Napangisi na lamang si Zyrill at mabilis na humarap sa hudlom na nasa likod nya. Di rin sya nag taka kung bakit nasa harap nya ang hudlom na matagal na nyang kinaiinisan.
YOU ARE READING
Default Title - Write Your Own
FanfictionMayabang at bastos kung ituring ang isang batang hindi iniisip ang sinasabi. Palagi nyang sinasabing 'Wala akong pake bakit sino ba sila?' yan ang palagi nyang sinasabi pag may nababastos sya at may napupuna na di nya nagustuhan. Lalo na pag tungkol...