Hinawakan nya ang aking kamay na nasa ibabaw ng lamesa. Tahimik akong tumingin ako doon.


"Selyn," Umiwas ako ng tingin sa kanya sapagkat hindi ko maaitim na titigan siya.

"Please, wag naman ganito oh." Tinangal ko sa hawak nya ang aking kamay para tignan ang oras sa relo ko. Kailangan ko ng umalis at baka pa malate ako sa pinagtratrabahuan ko.

"Excuse me, kailangan ko na talagang umalis." inayos ko ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi naman ako nakatakas sa mga mata niya saakin.


Agad akong tumayo upang makaalis na habang inaayos ang laman ng bag ko  dahil hindi na ako makahinga na makasama pa siya. Hindi ko alam kung tama pa ba yung kami o nagiging unreasonable na ako.


"May iba na ba, Selyn?" napatigil ako ng muli siyang mag salita. Puno ng sakit ang boses nya. Umangat ang tingin ko mula sa bag ko papunta sakanya. Ngumiti ako ng mapait.

Umupo ako sa upuan kaharap sya. Sa unang pagkakataon, tinignan ko ang mga mata nyang halos nagmamakaawa na.

"Ikaw ba, Kalc, masaya ka pa ba saakin?" diretso kong tanong sakanya. Bumaba ang tingin nya sa kape sa harapan nya.

Sa pangalawang pagkakataon, namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Mukha syang konting pitik na lamang ay luluhod na para magmakaawa. Iniwas ko ang tingin sakanya dahil hindi ko makayanang titigan siya sa ganyang itsura.

Pinagmasdan ko ang loob ng coffee shop. Funny how I found comfort sa ambiance ng coffee shop na ito. Bilang  lamang ang tao kaya ito ang pinili ko. Walang tugtog na bumubuhay sa mga umiinom ng kape. Tanging ang sigaw ng barista ang naririnig na tumatawag pansin ng mga customer nito.


"Dalawang taon, Selyn." lumingon ako sa kanya. Seryoso naman siyang tumingin saakin. "Dalawang taon yung sasayangin mo." tinikom ko ang bibig ko. Nag simula namang pumula ang mata nya. Kung kanina ay kayang itago sakin ang sakit na naramdaman nya, ngayon nama'y hindi nya na ito magawa.


Ipinatong nya ang mga kamay nya sa ibabaw ng lamesa at pinagsalikop ito habang hindi parin inaalis ang tingin sakin.


"Nahihirapan na kasi-"


"At sa tingin mo hindi ako nahihirapan?" putol nya sa sasabihin ko.



Umiwas ako ng tingin at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na gusto ko lamang ang makahinga. Gusto ko lamang magkaroon ng oras, mag muni muni kumabaga, para sa sarili ko. Gusto ko lamang magkaroon ng espasyo.

"Hindi naman ako makikipag hiwalay saiyo," malumay kong sambit.

Ibinaba ko ang bag ko sa tabi ko saka hinawakan ang mga kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Tinignan ko iyon ng mabuti. Kung dati ay kasyang kasya ang mga kamay ko sa kamay nya tuwing pinagsasalikop nya ang mga ito, ngayon naman ay di halos mag kasya ang kamay ko sa kamao nya.


"Space lang naman, Kalc. Hindi naman ako mawawala, gusto ko lang ng space. Hindi kasi ako makahinga." pilit na pagpapaintindi ko sakanya.



Bawat taon, sa tabi ng salamin na kaharap ang sasakyan nya, sa parehong pwesto, masaya naming pinagdiriwang ang anibersaryo. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na pareho kaming hindi na magkaintindihan. Pareho naming kailangan ng espasyo upang makahinga saglit. 



Pareho rin kaming nagulat sa ring ng cellphone ko. Pagod niyang tinapunan ng tingin ang bag kong nasa tabi. Agad kong binawi ang kamay ko habang natatarantang tumayo.



Lost PieceWhere stories live. Discover now