"Kumain na, kailangan mong kumain ng marami. Masyado ka ng pumapayat this days." ani Kalc


Pinilit kong kumain kahit na wala talaga akong gana. Pakiramdam ko naaksaya ko ang oras ko imbis na maghanap na ako ng pagkakakitaan ng pera.


I frowned. Mali yung ganyang iniisip, Selyn, maling mali. Umiiling na pinagpatuloy ko nalang ang kinakain.






"What are you doing?" Napaangat ang tingin ko mula sa pagkain papunta kay Kalc na nasa harapan ko.




Umiling ako at binaba uli ang paningin sa pagkain. Tinusok ko ang karne at sinubo.




"Oo nga pala, binigay ko na yung kulang sa tuition ni Zella," Umawang ang bibig ko sa gulat, "Inuunti unti niya lang pala yung paghingi sayo para mabuo niyang mabayaran yung tuition niya."




Binitiwan ko ang kubyertos at sinapo ang ulo. Tuition? Tuition nya yung hinihingi hingi niya saakin?




"Hindi mo na dapat binigyan si Sol, Babe. Napakalaking pera naman na noon," Ipinatong ko ang siko sa lamesa, sapo sapo parin ang noo "Kaya ko naman eh, kumikita naman ako para saaming dalawa, sadyang wala lang talagang maipadala ang mama ngayong buwan."




Problemado na ako ngayon kung paano ko maibabalik sakanya yung pera niya dahil panigurado sa tigas ng ulo ni Sol, hindi siya papayag na ibalik kay Kalc iyon.




"Tumutulong lang naman ako, Selyn. Kailangan mo na nga ng tulong, itinatanggi mo pa."




Ikinagat ko ang labi at problemadong tumingin sakanya, "Hindi mo naiintindihan, e. Kaya lumalaki lalo ang ulo ni Sol kasi lagi mo binibigyan. Kaya ko nga." giit ko.



He look away trying to calm his self. Huminga ako ng malalim, pinapakalma rin ang sarili.



"If this is about your pride--"





"This is not about my pride, Kalc" giit ko.




"E ano pala, Selyn? Pwede bang i-set aside mo muna yung pride mo? Ikaw na nga itong tinutulungan e," may galit na at taas na boses niyang sinabi



"Para saan nanaman ba ito, Kalc? Hmm? Para ba sa bakasyon na gusto mo? Sinabi ko na sayo--"




"Paano naman ako? Puro nalang ba trabaho? Hindi mo na ako binibigyan ng oras, Selyn. Parati ka nalang sa trabaho. May dalawang taon na tayo, o. Hindi ka naman ganyan dati, ah. Pinipili mo akong unahin noon, anong nangyari na ngayon?" He cut me off.




Huminga ako ng malalim at yumuko, iniiwasan na siya.




"Kumain na muna tayo, Kal. Nasa harap tayo ng pagkain. Ayaw ko ding makipag away sayo," pag iiba ko.



Tinignan niya ako na para bang hindi makapaniwala na ayaw kong harapin yung mga prinoproblema namin. Noong kapag may problema kami, inaayos ko agad ito. Hindi ko kasi kayang magkagalit kami. Parang may mabigat.





Ngayon lang to Kal, ngayon lang.





Umiling  siya at bumalik sa pagkain. Namayani ang katahimikan saamin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang nakapaligid saamin na mga tao.



Tumayo siya, "Tapos na ako. Mauuna na ako," Tinignan ko siya pero hindi ito tumitingin saakin, tinignan ko din ang plato niyang may kaunti pang pagkain.



Lost PieceWhere stories live. Discover now