Matapos maligo ay dali dali akong nag bihis habang nag eempake ng ibang damit. Kailangan kong mag over time sa pinapasukan ko. Kapagka ganitong nag oovertime ako, minsan alas dose na ako nakakauwi. Kapag madaling araw na ako, hindi na ako umuuwi dito sa bahay. Nakikitulog nalang ako sa kaibigan kong si Riva.

Minsan pa nga di na ako umuuwi dito dahil sobrang hectic ng mga sched ko, wala na akong oras para umuwi pa. Sa condo ni Riva, malapit sa school, malapit rin sa pinagtratrabahuan ko.

Malaki narin naman si Sol, kaya naman na ang sarili niya. Although minsan nagtatampo parin siya saakin.

"Di ka nanaman uuwi?" bungad ni Sol pagkapasok niya sa kwarto ko.


Di ko siya tinignan,"Tumawag ang mama saakin, hindi daw siya makakapag padala ng pera dahil nag uumpisa na siyang bumili ng mga gamit sa bagong bahay nila. Kaya hindi muna ako dito matutulog, baka maistorbo kita kapag umalis alis ako. Staka malalate naman ako sa school kung dito ako uuwi." sagot ko sa kalagitnaan ng pag eempake.


Laging ganito yung nangyayari sa bahay, kung minsan ay di na kami nagkikita. Sinusubukan ko lang naman punan yung mga pangangailangan namin, lalo na yung pagkukulang ng mga magulang namin.



Ang mama ay bumubuo na ng ibang pamilya. Yung isa naman, hindi ko alam kung ano ng nangyayari doon. Hindi rin siya nagbibigay ng sustento. Para saming magkapatid, wala na talaga siyang kwenta.


Pinagmamasdan lang ako ng kapatid kong mag ayos ng mga gamit.



"Ate... Yung due ng bahay..." mahina niyang sinabi. Umangat ang ulo ko para tignan siya.


"Bakit ngayon mo lang sinabi?" kalmado kong tugon. Kalmado ako pero pumipitik pitik na yung sakit ng ulo ko. Problema nanaman. Walang araw na di ako dinalaw ng problema, ah.

Pumikit ako ng mariin bago hinarap ang kapatid na nakayuko at pinaglalaruan ang daliri.

Bigla kong naalala na nung nakaraan lang humingi siya saakin ng limang libo, pinabayaan ko lang pero ngayong naalala ko, hindi pala tama yung ginagawa niyang hindi pag sabi saakin.

"Sol, niloloko mo ba ako? Hindi pa tapos ang 1st semester nyo ah? Nung nakaraang linggo din humingi ka din saakin ng limang libo, asan na yun?"



Hindi siya makasagot saakin. Dahan dahan akong tumayo, Sapo sapo na ngayon ang ulo. Huminga ako ng malalim bago binitbit ang mga dala kong bag.

"Mag usap tayo bukas, magsalita ka, sabihin mo yung mga kailangan mo para alam ko kung saan napupunta yung mga pinaghihirapan ko." malamig kong sinabi. Lumunok sya at huminga ng malalim.



I licked my lips before clicking my tongue. Napapaisip na agad ako kung anong pwedeng pasukan na trabaho. Kung papasok pa ako sa isa pang raket, baka hindi ko naman na magawa mga plates ko, bagsak naman ako sa school niyan.


"Sinusumbatan mo na ba ako?" may hinanakit sa tono ng boses na sinabi saakin. I scoffed, hindi makapaniwala sa sinabi.


Gusto kong magalit, gusto kong maiyak, gusto kong tumakbo nalang sa buhay na meron ako, pero hindi pwede. Pinipilit ko nalang na intindihin na baka kailanga muna naming maranasan yung sobrang pagpapahirap ng buhay bago namin maranasan yung inaasam namin.


"Mag usap nalang tayo sa susunod, Sol. Napapagod na ako agad kakaisip. Tirik na tirik palang yung araw pagod na pagod na ako, kailangan ko pang magtrabaho, oh" pakiusap ko sakanya.

Nauna na akong pumunta sa may pinto para umalis na samantalang siya ay hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan niya.


Yung perang pinapadala ng mama na para saakin, hindi ko masyadong ginagastos. Kung maari, maitabi ko lahat yon. Alam kong kailangan ni Sol ng pera paminsan minsan kaya kailangan may ipon din ako. Yung dapat na baon ko, tinatabi ko kaya pinapalitan ko nalang ng sweldo ko sa mga pinapasukan ko.

Lost PieceWhere stories live. Discover now