"Ate, kailangan ko ng pera," bungad saakin ng kapatid ko. Pambihira naman, umagang umaga pera agad. Kinunutan ko lamang siya ng noo habang ninanamnam ang hotdog sa tinidor ko.
"Wow! Good morning din! Almusal na almusal, Sol. Tigilan mo nga ako," pagsusungit ko sakanya.
Inirapan niya lamang ako habang papunta naman sya sa maliit naming ref. Para kumuha ng tubig niya.
My sister is beautiful and talented. Kung ako ang tatanungin, kung kapatid ko ba talaga siya, ang sagot ko gaya ng iba, hindi. Pano ba naman kasi, parang nung pinag bubuntis ako ng ina, sumama ang loob niya kaya hindi ako kasing ganda ng kapatid.
"Ate, bigay mo nalan kasi." kumuha siya ng kutsara at tinidor para saluhan ako. Di ko naman tinanggal ang titig ko sa kanya.
Kumuha pa ako ng isa pang hotdog sa pinggan at agad na nilantakan ito. Habang iniisip kung para saan ang perang hinihingi niya.
Sumimangot siya at inirapan ako. Nagpatuloy naman ako sa pagkain at di na lamang pinansin ang kapatid.
Ang sabi ng iba, 'maganda', 'matalino', 'mabait', nasa kanya na raw lahat. Agree naman ako pero sa mabait? Hindi! Isang malaking hindi.
"Mukha kang tanga, alam mo yun?" pambabara ko sa kanya. Hindi niya iyon pinansin at kumain na lamang na para bang walang narinig.
Tumigil siya sa pagkain at saglit na binalingan ako ng tingin.
"Kuha nalang ako sa wallet, hmmm?" paalam niya at saka dali daling iniligpit ang pinag kainan. Nangunot ang noo ko. I look at her with my piercing eyes
"Hoy! Solisa!" sigaw ko ngunit hindi na ata nakaabot dahil bago pa ako makasigaw ay nagtatatakbo na siya. Ang batang iyon, halos hindi pa nakakain ng isang sandok, tapos na agad!
Umiling na lamang ako at wala ng nagawa kundi bumalik sa pagkain.
Matapos kumain, iniligpit ko ang mga hugasin at dumiretso na sa kwarto ko. Ang aming apartment ay may dalawang kwarto, isa para sa kapatid ko, isa rin para saakin. Pero hindi ako madalas dito dahil lagi akong nasa labas nag hahanap ng pera.
Kinuha ko ang towel ko at bago pa maisipang maligo, kakausapin ko muna ang kapatid ko magtatanong kung para saan ang perang hinihingi niya saaakin.
Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Sol," katok ko sa kwarto niya. Tinuktok ko pa ito ng ilang beses bago pumasok.
Ayaw na ayaw kong pumasok sa kwarto niya sapagkat napakaraming girly stuff ang nakikita ko. Nakakairita.
"Magkano kinuha mo?" Bungad ko sakanya. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama, nag aayos ng gamit pang eskwela.
"five lang naman," ani niya habang hindi parin ako tinitignan. Patuloy parin siya sa pag aayos ng gamit niya kahit na nakatayo na ako sa harapan niya, naka krus ang braso.
"Po ate," dugtong ko sakanya. Saka lamang niya ako pinansin ng saglit at bumalik sa ginagawa niya.
Umupo ako sa tabi niya saka nangealam ng mga gamit niya. May nakita naman akong papel na may markang napakataas. Siguro ay midterms nila ito.
Kinuha niya agad saakin ang papel kahit hindi pa ako tapos basahin ang nilalalaman. Lumukot ang mukha niya saakin na parang inis na inis siya sa presensya ko.
"Wag mong ginaganyan ate mo ah. Di kita bigyan ng baon diyan eh" banta ko sakanya.
"Ate wag na kasi... Balik kana nga sa kwarto mo"
Hindi niya parin ako matignan sa mata. Iniiwasan ata ako ng kapatid kong ito. Baka nahihiya nanaman at may kailangan.
"Ilan kinuha mo? Five? Five pesos?" pag iiba ko ng usapan.
"thousand ate." masungit niya paring sagot saakin. Nanlaki ang mga mata ko.
"Thousand!? Pinagloloko mo ba akong bata ka!?" Napatayo ako handa na sanang kunin ang wallet para mag bilang. Pero nakarinig pa ako ng malalim na buntong hininga kaya tumigil muna ako sa harapan niya.
Kapagka may gustong sabihin ang kapatid ko, hindi niya agad ito sinasabi. Nagpapaligoy ligoy pa ito. Sa ganitong estilo nya, alam kong nahihiya ito.
"Ano? Sabihin mo na," kalmado kong sinabi.
"Ate, kailangan ko kasi sa school yung pera. May kailangan pa akong bayaran eh" malungkot niyang ani. Yumuko pa ito na parang hindi alam kung pano ipapaliwanag saakin.
"Kanina lang ang taray mo ah," tinignan niya ako ng nakasimangot. Ngumiti ako ng maliit sakanya. "Hmmmmm. Lika nga dito" iginaya ko siya na tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Tulad ko, yumakap din ito.
"Sabihin mo lang kung anong kailangan mo ha. Nagtratrabaho naman si ate. Nagpapadala din naman ang mama. May binibigay din naman si Noel saatin. Gagawa at gagawa ako ng paraan, okay ba?" lumayo ako para tignan siya, ganon din ito saakin. "Alam ko naman yang mga pasungit sungit mo kunwari kapa eh." ngumiti ako sakanya.
Bumalik sya sa yakap ko at nagsalita ng siya lang ang nakakaintindi.
"Ano sinasabi mo?"
"Sabi ko ate, bat di nalang tayo mag patulong kay kuya Kal, may pera naman siya."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"oh, bakit ate?" humiwalay siya sa yakap at pinagmasdan ang reaksyon ko, "Nag away nanaman ba kayo ni Kuya?"
Hindi ako umimik at kinuha na lamang ang towel ko na naiwan sa kama niya. Tahimik naman akong umalis doon, hindi parin sinasagot ang tanong.
Nag away kasi kami ni Kalc kagabi. Panibagong di nanaman pagkakaintindihan. Busy lang naman ako dahil kailangan kong magtrabaho kasabay ang pag aaral ko kaya hindi ko na nabibigyan ng pansin yung 'kami'.
Iwinaksi ko na lamang ang mga iniisip. Tinignan ko ang oras sa wall clock. Shet, seven o'clock na, kailangan ko ng maligo.
Dali dali akong pumasok sa banyo para makapag handa na.
Architect student ako na scholar sa isang tanyag na unibersidad. Hindi kakayanin ang tuition kaya nang sinibukan ko mag apply sa scholarship, pasado naman ako. Ang kapalit lang ay yung pag assist ko.
Gising, pasok, trabaho sa loob ng school, trabaho sa labas ng school. Araw araw ganito ang routine ko. Minsan pa nga hindi na ako kumakain, lalo na kapag kailangan kong gumawa ng plates. Hassle pero kinakaya ko naman. Kakayanin ko naman lahat.
Minsan pakiramdam ko, wala ng bago sa mga araw araw na ginagawa ko. Nakakasawa pero wala akong magagawa. Eto yung pinili kong buhay, papanindigan ko.
~~~~~~~~~~~~~~
^ω^