Rank Game

32 3 0
                                    

"Ano ba itong girlfriend ko gabing-gabi na text ng text, alam namang nag lalaro ako nakaka banas na ahh ang hirap mag MVP kapag ganito may istorbo"

Patuloy ako sa pag lalaro ng MOBILE LEGEND habang itong istorbong girlfriend ko ay text parin ng text.

"Brad ano ba! ang pangit ng laro mo"

"Uy Jai ano ba tangina naman"

"Cancer amputa"

"Bobohan mo pa jai"
Komento ng mga ka team ko sa pag laro ko kaya naman nainis ako.

Tinuloy namin yung laro nakakabawi na ako dahil tumigil na sa pag text yung girlfriend ko.

"One hit ka ngayon taena ka ahh" Gagamitin ko na yung SS ng biglang tumawag yung girlfriend ko kaya naman sinagot ko ito.

"Tangina naman Sam Rank game ito tangina talaga, ano bang kailangan mo text ka nang text? nakaka banas ka na ako tuloy napag didiskitahan kasi ampangit na ng laro ko"
Di ko na hinintay pa na makapag salita siya at agad ko nang pinatay yung tawag.

(Double kill, triple kill, killing spree,
Unstoppable, maniac, savage
You have slain your enemy,
An ally has been slain)

"O tangina sinong weak mga chong kainin niyo mga sinabi niyo saakin mga ulol" Sabay tawa ko ng malakas.

"Uy paul cancer ka wag kana mag laro, mga cancer pala itong mga kakampi ko puta"
Sunod-sunod kong sambit sa mga kalaro ko.

(V I C T O R Y)

"Wuhoooo taena panalo paano ba yan naka MVP pa ako taena sinong weak huh? Mga ulol!"

Pagkatapos ng laro ay natulog na ako.
Pag kagising ko ay pumunta ako sa bahay nila Sam para humingi ng pasensya sa nangyari kagabi,
Habang nag lalakad ako naka kita ako ng mga taong nag tutumpukan sa isang bakanteng lote.
Tinanong ko yung isang lalaki kung Anong meron doon.

"Brad anong meron diyan?" Tanong ko rito

"May babae daw na nakita brad patay na. Madami daw ang saksak sabi ng iba ihh"
Tugon nang lalaki sa tanong ko.

Agad naman akong nakipag siksikan para naman makita ko yung itsura ng babae.

"excuse me po makikiraan, excuse padaan"

"PUTANG**A!" Nanlambot ang aking tuhod at agad akong napaluhod dahil sa aking nakita.

"Sam! Babe!" Sigaw ko dito habang inaalog ang kaniyang katawan.
Bumuhos na nang napakabilis ang aking mga luha dahil sa sakit na nararamdaman.
"Kasalanan ko ito, kasalanan ko lahat nang ito." pangsisisi ko sa aking sarili.

Umuwi ako nang bahay para mag palit nang damit at para makabalik agad sa kanilang bahay para mabantayan ang kaniyang bangkay.
Habang nag bibihis nakita ko yung cellphone ko Hindi ko pa pala nabasa yung mga messages niya saakin ng gabing iyon kaya naman agad kong binasa yung mga messages niya.

9 unread messages from BABE❤

Babe pa uwi na ako

Babe may sumusunod saakin

Babe natatakot ako baka pwede mo kong sunduin dito.

Jai uyy natatakot na ko dito

Jai yung tatlong lalaki Panay parin yung sunod saakin.

Babe asan kana?

Tatawagan na kita.

...

Sorry sa itorbo babe nag lalaro ka pala.

Sorry talaga babe di ko sinasadya.

Natawa ako sa sarili ko dahil napaka walang kwenta Kong boyfriend inuna ko pang mag laro kaysa iligtas yung buhay nang girlfriend ko.
Tumungo na ako sa kanilang bahay at doon binantayan ko ang kaniyang walang buhay na katawan.
Lumapit saakin ang isang pulis at iniabot ang cellphone na nakita nila doon sa pinangyarihan nang pag patay sa girlfriend ko,
Binuksan ko ito di ko alam kung bakit tinungo ko yung messages naluha nanaman ako dahil sa message na nabasa ko.

Message sending failed,

Babe lagi mong tatandaan mahal na mahal kita kahit na adik ka sa ML,
Nakakainis lang kasi wala kanang time saakin yung dating hatid sundo mo ako na mimiss ko na yun, yung kulitan nating dalawa yung mga date natin every monthsarry natin na mimiss ko na yun promise.
BABE ILOVEYOU SOBRA-SOBRA.

After reading that message,
My heart broke into pieces and my tears starts to fall.

"I'M SORRY SAM I'M SO-SORRY"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°


Thank you for reading.

I hope you like it.

Don't forget to hit the ⭐ button and leave a comment.

@AhBastaAuthor

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now