Out of the door
Alexis"Hindi ka na ba talaga mapipigilan, Axis?" Muling pangungumbinsi sakin ni Troy–a.k.a EXTERMINATOR, my right hand Underground–para hindi ako umalis.
Ewan ko ba dito. Sa kanya ko na nga pinapamana ang posisyon ko bilang pinuno ng UG, pero mukhang ayaw niya dahil kapalit nito ang pag-alis ko. Anlabo ng lalaking toh, Tsk!
"Nah. Nagkapag-desisyon na ako. Iiwan ko na ang buhay na ito, ang pagiging gangster queen." buong-buo na ang desisyon ko. Mababagong buhay na ako, pagod na kasi ako eh.
"Hays. Ikaw bahala. But remember, the ring is always open if ever you change your mind, Axis."
"I will." huli kong sabi bago binitbit ang huling kahon na naglalaman ng mga gamit ko dito sa UG. Lumabas na ako ng office ko, dating office ko.
Sumunod lang siya sa likod ko habang binabaybay namin ang madidilim na hallways ng UG. Hays. Mami-miss ko talaga ang lugar na ito. Marami narin pala akong naging karanasan sa mundong ito, masasaya at madudugo.
Literal na madugo dahil dito kami halos magpatayan ng mga nakalaban ko.
Tinatanguan lang ako ng mga nakakasalubong ko. Himala ata at ang tahimik nila. Namalayan ko nalang na nasa labas na ako at nasa tapat ng kotse ko.
"Paano ba iyan? Ito na ba ang huling tapak mo dito sa UG?" nakapamulsang ngisi sakin ni Troy.
"Ewan. Hindi naman ako totally tumatalikod sa UG world eh. Remember, I'm still the Axis of Omegas. Hindi ko naman masasabing hindi na ako babalik dito, diba? Ipagdasal mo nalang na hindi na. Dahil pag ako bumalik, aagawin ko ulit sa iyo ang trono. You better watch out!" sabay kaming napatawa sa naging reply ko.
"Pero, Troy. Seryoso. Mami-miss kita at ng buong grupo. Ikaw nalang bahala sa kanila. Buksan niyo ko ng pinto pag kailangan ko kayo ah?" malungkot kong biro. Napangiti lang siya at ipinatong ang kamay sa balikat ko.
"Oo ba. We'll always welcome you, open arms."
Matapos ang maikling pagpapaalam ko, agad na akong sumakay sa kotse ko at humarurot palayo.
Eto na! Wala nang atrasan toh. Simula ngayon, tinatalikuran ko na ang pagiging Gangster Queen ng UG world! Kasama na ang lahat ng responsibilities at connections ko dito bilang pinuno ng mundong iyon. Sa paglabas ko ng pinto ng UG, ay siya ring paglabas ko sa buhay ng gulo.
Handa na akong magbagong buhay...
Bat parang bagong laya ang dating ko?
***********
"Genesis Academy" basa ko sa pangalan ng school na papasukan ko.
Napagdesisyonan kong pumasok sa school at mag-aral ulit tulad ng mga ka-edaran ko. First step na iyon dahil kung gusto ko talagang talikuran ang pagiging brutal, kailangan kong umaktong normal na mag-aaral. Diba?
Matapos ma-check na naka-lock na ang kotse ko, pumasok na ako sa gate at dumiretso sa Dean's office.
"Good morning! Have a seat." masiglang bati sa akin ng babaeng dean. Dalaga pa siya kung titignan dahil sa suot nitong fitted office attire na 'sexy' sa paningin ko. Nakapagtataka lang na dean na kaagad siya. Eh ang bata-bata niya pang tingnan para sa pang matandang trabahong iyan eh!
"Good A.M. But no thanks. May I have my class sched and dorm keys, please." diretsahang tanong ko. Medyo nagulat ata si Ms. Dean sa naging approach ko kaya walang ano-ano niyang ibinigay sa akin ang mga kailangan ko.
BINABASA MO ANG
Dethroned Gangster [ SLOW-UPDATES ]
AzioneThe reigning gangster queen is dethroning herself due to tiredness, mentally & physically. She's tired being strong. She's tired being feared. She's tired being worshipped. And so, she decided to change her life as a normal student. But being famous...