Allergy
Alexis"Ate, ano po ito?" turo ko sa tindera nung kulay orange na something.
Nandito ako ngayon sa plaza ng Genesis Academy. Nag-ikot na ako kanina sa buong school kaya nang mapagod, napagdesisyonan kong tumikim ng mga street foods dito at iba't ibang drinks na ino-offer nila sa plaza.
"Ay ayan ateng! Masarap yan! Best seller po namin yan. Ang tawag namin jan, Kwek-kwek! Try mo teh! Bente-lima lang." masiglang pang-e-engganyo nung tindera. Hindi naman siya masyadong hyper sa pagtitinda ano?
"Ah, anong bente-lima?" Tanong ko habang nakatingin sa maganda niyang mukha.
"Php 20.00 for 5 kwek-kweks po." maikling paliwanag niya. Aah.
Tinuruan niya ako kung paano kumain ng kwek-kwek since it's my first time eating such food.
Kumuha na ako ng stick at tumusok ng lima. Isinawsaw ko siya dun sa maanghang na suka atsaka isinubo ang isa.
Ansarap!
Naubos ko na iyong isang stick kaya kumuha pa uli ako ng isang order. Yum! Ansarap nung parang kulay orange. Tapos yung filling na parang meat? Ansarap rin. Ano kayang sikreto nila—
Filling?
"Ate, ano nga palang filling ng kwek-kwek na'to?" kinakabahan kong tanong.
Mayroon kasing pagkain na hinding-hindi ko pwedeng kainin. Malala ang nangyayari sakin kapag nakakakain ako ng pagkain na iyon.
"Itlog po ate. Teka! Okay ka lang teh?! Hala!—"
Hindi ko na narinig ang mga sinabi nung Tindera dahil nagsimula na akong mag-hyperventilate. Shit! Bakit hindi ko nalasahan ang itlog sa kwek-kwek na iyon?!
Bumagsak ako sa lupa. Habang nahihirapang huminga, nagiging visible na ang mga rashes sa buong katawan ko.
F*ck! F*ck! F*ck!
Halos tanggalin ko na ang kwelyo ng suot kong polo. Pero ayaw! Kaya ang ginawa ko ay pwersahan kong sinira ang unang dalawang butones ng polo ko. Ugh! Hindi ako makahinga!
"Ate anong nangyayari?! May allergy ka ba sa itlog? Naku anong gagawin ko?—"
"P-phone. Pocket. Tr-*inhales deeply- troy!" Pilit kong parating sa kanya. Kailangan niyang tawagan si Troy. Hindi ko dala ang Epinephrine Shot ko ngayon! Nasa dorm pa at si Troy lang ang may alam tungkol dito.
Pero mukhang hindi niya narinig dahil sa pagpapanic niya. No choice kundi ang piliting kumalma ang sarili.
Bago pa ako mawalan ng malay, nakaaninag ako ng mga apat na mukha.
Mga mukha ng anghel.
***********
Shawn
"Brad, nagugutom na akoooo!" nagmamaktol na tugon ni Oliver.
"Para kang bakla, Oli! Tumigil ka nga kaka-pout jan! Upakan kita eh!" Iritableng baling ni Paul kay Oli. Mas lalo tuloy ngumuso ang ugok.
"Tara kwek-kwek! Libre ko." pagiiba ng topic ni Scott. Naks, savior talaga ni Oli si Scott tuwing nagagalit si Paul. Tsk!
Lumabas na kami sa dorm at naglakad patungong plaza. Maaga na kaming nag-enroll dito sa Genesis para hindi na hassle makipag-unahan para sa slots ng school. Tamad kami eh.
"Brad, may chicks oh!" – Oli.
At dahil likas kaming babaero, mas mabilis pa sa mabilis kaming napalingon sa direksiyon nung 'chicks daw' na tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Dethroned Gangster [ SLOW-UPDATES ]
AksiThe reigning gangster queen is dethroning herself due to tiredness, mentally & physically. She's tired being strong. She's tired being feared. She's tired being worshipped. And so, she decided to change her life as a normal student. But being famous...