"Alright, gather round class! Make sure everything's back in their rightful places. Montajes, paki-balik ng mga walis sa cabinet.."
"Yes miss!"
Isa-isa nang nagsibalikan ang mga classmates ko sa main room ng Science Laboratory matapos sabihin ni Ma'am yun. Isang linggo na ang lumipas mula nang nagsimula ang klase namin. Sa panahong 'to ay general cleaning palang ang gagawin ng lahat dahil sa susunod pa na mga linggo ang start ng formal classes.
"Guazon, tawagin mo mga classmates mo, malapit na mag recess. Pakibilisan ang pag-igib ng tubig"
Abala ang lahat sa pagsunod ng mga gawaing ibinigay sa amin ng aming adviser. Ang iba ay seryoso sa paglilinis. Ang iba naman...
"Eleiraaaaa~~ samahan mo 'ko mamaya ah. Gutom na gutom na talaga ako kakafloor-wax"
"Alam mo Kizi, ang takaw-takaw mo tapos hindi ka naman tumataba"
"James! dungisan mo nga nang bongga ang mga kamay at suot ko. May paprempyo pa naman si Ma'am sa kung sinong may pinakamaduming kamay pagkatapos ng general cleaning!"
"Gaga, ang daya mo talaga Jay!"
Naatasan naman akong maglinis sa bandang stock room ng Sci-Lab kasama ang iilan lang sa mga kaklase ko. Mas tahimik dito. Nang makuntento na ako sa area ko ay tinahak ko ang daan patungo sa likod kung saan nakadugtong ang stock room sa main room ng lab.
"Gotcha"
Tangina.
"Pinapabalik na tayo ni Ma'am"
Pansin kong unti-unti nang tumatahimik ang paligid. Jeez. Makakahalata si Ma'am 'pag nagtagal pa kami dito.
"I've been waiting to get you alone, kanina pa. Bear with me love." sabay ngiti at hila sa'kin papalapit sa kanya. Inirapan ko lang siya pero ang totoo niyan, kinakaban na talaga ako.
"We can talk outside, you know. Dami mong alam." sinubukan kong kumalas sa hawak niya. Medyo nalakasan ko ata kaya nawalan ako ng balanse pero agad naman niyang nasalo ang likod ko para hindi ako tuluyang matumba.
Ang lapit ng mukha niya.
Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Palagi kong in-imagine ang eksenang 'to sa isip ko pero iba parin pag totohanan na eh. Nabibingi na ako sa katahimikan at akmang aalis na bago pa kami mahuli nang biglang hinalikan niya ako.
1
2
3
4
No, 5 seconds. Limang segundong nagkadampi ang aming mga labi bago siya lumayo saglit at hinila na naman ako para halikan muli.
This time longer.
Deeper
and more passionate.
Ramdam ko ang mga kamay niyang mahinang hinahaplos ang likod ko bago ito gumapang pataas patungo sa leeg ko para idiin pa ang mukha ko sa kanya.
I can taste the sweetness of the candy in his mouth. The one I gave him earlier today. Cherry.
then we pulled away.
"You go first, I'll be right behind 'ya" tugon niya nang hindi parin inaalis ang pilyong ngiti sa kanyang labi.
Mabilis naman akong nagtungo sa main room at nagpanggap na parang may hinahanap kung sakaling tanungin man ako kung bakit ako natagalan.
"Aidee jusko andyan kalang pala!" rinig kong sambit ng kaklase ko.
"Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am, halika na" tinanguan ko lang siya at pasimpleng sumulyap sa likod.
Gago. Napailing ako at bahagyang napangiti sa nangyari.
First kiss pa naman namin yun. Amp.
I shook my head to erase that thought but I just can't seem to do the same with my smile. Kinikilig ako taena.
Aidee Morales.
You are sooo in trouble.

BINABASA MO ANG
Escaping Nemesis
RomanceJust how can you escape from someone you always find yourself drawn into? Indulge in a twisted yet beautiful mess with the one she considered her greatest strength turned into her sweetest downfall. And watch them fall in love. Over and over again.