"Basta guys, wear any plain shirt para maganda ang kalalabasan bukas," sabi ni James na class president namin. Nagpaplano kasi silang mag paint war bilang farewell party. I know, first years palang kami pero kung makafarewell kala mo naman di na magkikita ulit.
"Ako nang bahala sa paint!" excited na saad ng kaklase naming si Shena. Sumang-ayon naman ang iba. Abala ang lahat sa pakikinig ng mga plano at heto naman ako sa gilid tahimik na pinagmamasdan lang sila.
Paint war? Hindi ko pa na-experience ang ganon pero hindi naman ako na-excite sa pinaplano nila. I'd rather stay at home to read a book or something.
"'Wag kang male-late bukas ah," paalala nila Kizi sa'kin.
Once in a blue moon lang talaga ako early kaya nasanay na sila. Ayoko rin namang maging kill joy kaya tinanguan ko nalang siya.
Kinabukasan medyo late ako nagising kaya expected na na mag-aalburoto na ang bibig ng mga kaibigan ko. Alas otso kasi ang napag-usapan at kakagising ko lang. Mabilis akong naghanda at nagpasyang hindi nalang muna susuotin ang plain shirt at baka hindi ko na sila maabutan.
Tama nga ako dahil pagdating ko sa classroom ay nililigpit na nila ang ibang gamit at ang iba naman ay para namang nagpaparty sa lobby. Napadaan ako sa grupo nina Shena at napasinghap nang mapagtantong lasing sila dahil amoy alak. Seriously?
Nakita kong naglakad papalapit sa'kin si Kizi at binatukan ako dahil nalate na naman ako. Napakamot nalang ako. Hinila niya ako sa isang sulok kung saan nakatambak ang mga natitirang paint nagtataka kung aanhin ko 'yun.
"Magpalit ka gaga," sabi niya bigla.
I gave her a confused look and she rolled her eyes saka niya kinuha ang dalawang paint at winagayway ito sa harapan ko na parang ang obvious na ng gusto niyang mangyari.
What? She gotta be kidding me.
"Hoy tigilan mo ako Kizi ah, parang tanga," sagot ko at umakmang umalis na dun nang harangan niya ang daanan ko.
I sighed as a sign of defeat.
So ayun nag paint war ako mag-isa at hindi siya fun takte.
Mas sctripted parin tignan ang bakas ng paint sa damit ko compared sa kanila but well, atleast hindi na ako mukhang out of place.
Kizi told me to have fun so that's what I did exactly. Except napadpad ako sa grupo nina Shena kaya inabutan nila ako ng baso. I knew it was alcohol, amoy na amoy ko 'yun so I shoved a hand bilang pagtanggi.
"Aidee naman, sige na isa lang," Maxene attempted for the second time at muling inabot sa'kin ang baso. Nagdalawang-isip pa ako dahil hindi shot glass ang gamit nila kung hindi plastic cups. Shiz. Pakiramdam ko isang baso lang malalasing na'ko.
Ayoko rin naman maging KJ and she said isa lang so tinanggap ko at inamoy muna bago ko inumin 'yun.
Muntik na akong mabulunan nang malasahan ang pait ng alak. Shit. Ang init ng lalamunan ko.
Natawa naman sila sa reaksyon ko na parang expected na 'yun kaya inabutan na nila ako ngayon ng juice. I muttered thanks tapos umalis na at baka madagdagan pa ang maiinom ko.
I drank the juice from the cup I'm holding when I heard someone from behind. "I didn't know you drink,"
BINABASA MO ANG
Escaping Nemesis
RomanceJust how can you escape from someone you always find yourself drawn into? Indulge in a twisted yet beautiful mess with the one she considered her greatest strength turned into her sweetest downfall. And watch them fall in love. Over and over again.