CHAPTER ONE
[BELL RINGS]
"Okay class, pass your papers to your Secretary" sabi ng English Teacher namin "Miss Custodio please bring them to the faculty office" utos sa akin ni Mrs. Pachecco
"Okay Ma'am." tipid na sagot ko. Last subject nanamin ngayon at uwian na pero may gagawin pa ako.
Hays another duty lol
"Okay good bye and see you next week!" paalam nya sabay lakad palabas ng classroom di na nya inintay yung sagot namin kasi abala yung mga classmates ko nag pass ng papel sa akin.
Nang na collect ko na lahat ay agad akong lumabas para pumunta nang faculty office
"Cyrelle!" tawag sa akin ni Desiree nang makalabas ako ng classroom
"Oh" sagot ko at hinarap sya
"Saan ka pupunta?" tanong nya at lumapit sa akin
"Sa faculty lang, sama ka?" sabi ko
"Tara!" masayang sagot nya tsaka kinalabit yung kamay nya sa braso ko
Habang naglalakad kami pababa ay nagkwekwentohan kaming dalawa, nang makarating kami sa Faculty Office ay pumasok ako at hinanap si Ma'am Pachecco.
Lumapit ako sa kanya at sabay lapag sa table nya "Ma'am ito na po" sabi ko
"Okay, thank you Cyrelle" aniya, ngumiti lang ako at lumabas ng office
"Cyrelle.." tawag sa akin ni Miss Sheree, nakita ko si Miss na kausap ang co-teacher nya
"Yes Miss?" sabi ko, lumapit din si Desiree sa akin at hinarap namin si Miss
"Hello Desiree" tawag nya kay Desiree, ngiti lang ang sagot ni Desiree tsaka hinarap ako ni Miss
"I just want to tell you that after nang class nyo please clean the classroom before you leave, since wala pa kayong groups sa cleaners I will assign you temporary with the Officers to clean the room, Is that okay?" sabi ni Miss
"Yes Miss, its also our responsible though haha" sabi ko. Ngumiti si Miss at nag paalam
Umalis din kami ni Desiree at bumalik sa classroom.
"Cyrelle punta kami bukas sa inyo" sabi ni Desiree habang paakyat kami patungong 3rd floor
"Sure! Since wala sila Mommy at Daddy bukas, well their always not at home, si Ate at Kuya naman baka uuwi na yun mamaya o this sunday" sagot ko
"Okay that would be nice haha walang istorbo HAHA" sabi nya habang tumatawa, ako naman napailing nalang
"Baliw! busy lang talaga sila Mommy sa business ni Lola si Daddy naman next month pa uuwi" sabi ko
"San nga pala sya?" tanong nya, malapit na kami sa classroom
"Europe, kasama si Lola" sabi ko sa kanya, pumasok kami sa classroom nakita ko si Liam abala sa cellphone nya
"Wow! Pasalubong ah" sabi nya tsaka tumawa ulit di ko nalang sya pinansin. Pumasok kami sa classroom, medyo konti nalang ang tao, linapitan ko si Liam
"Hey Liam!" tawag ko
"Yeah?" sabi nya pero nasa cellphone lang sya nakatingin.
"Sabi ni Miss mag linis daw tayong mga officer, since wala pang group sa cleaners" sabi ko. Liam is our Class Mayor and he's also my best friend only boy best friend.
"Yeah I know, mamaya nalang tayong mag linis Cyrelle hehe" sabi nya
"Okay!" tipid na sagot ko
Umalis ako sa harap nya at lumapit kina Desiree at Norrain na busy nag chichikahan
YOU ARE READING
The 17th Day
Teen FictionCyrelle Elizabeth Custodio is a kind of person who is desperate for love. Well, she's being desprate because she's jealous when her friends are having a relationship. After what happen on her first love - - - - - A classmate of her had a crush on h...