TWO

21 2 0
                                    

CHAPTER TWO

"Cyrelle!" tawag sa akin ni Nanay, nasa kwarto ako nag aayos dahil dadating sila Desiree at Norrain ngayon

"Po?" sagot ko kay Nanay

"Andito na sa baba ang mga kaibigan mo" sabi ni Nanay

"Okay po, aayosin ko lang to sandali Nay" sabi ko, umalis din agad si Nanay. Habang abala ako sa pag aayos biglang pumasok sila Desiree at Norrain.

"HOY!" sigaw ko tsaka tumayo para takpan ang katawan ko, hindi pa kasi ako naliligo tsaka wala akong bra.

"Bat ganyan ang posisyon mo?" tanong ni Norrain habang naka nguso ang bibig nya sa katawan ko.

"Sa baba muna kayo hindi pa ako naliligo!" pagtataboy ko sa kanila

"Edi maligo kana, dito lang kami" sabi ni Desiree tsaka umupo sa kama

"WAW! JUST WAW!" sarkastikong sambit ko "SA BABA NALANG KASI MUNA KAYO!" pagtataboy ko ulit.

"Maligo kana kasi para matapos na." aniya

"Ewan ko sa inyo, nag aayos pa ako dito oh!" sabay turo ko sa cabinet na inarrange ko

"Woah! Is that the official Lightstick of BTS!?" manghang sabi ni Desiree

Tumango ako "Bigay sakin ni Ate" sabi ko

"SANA ALL CYRELLE!" sigaw nilang dalawa

"Anong 'SANA ALL'?" takang tanong ko

"Wala!" asik ni Desiree, tumaas lang ang kilay ko ang weird kasi, saan naman kaya nila nakuha yung salita nayun?

Hinawakan nila ang lightstick ko at tri-nay nilang pailawin kaso di umilaw.

"Sira ba 'to?" tanong ni Desiree habang paulig-ulit na pinipindot.

"Woy!" sigaw ko sabay kuha sa kanila ang lighstick "Hindi ito sira noh! Bago pa lang to, tsaka di ko nilagay yung battery baka di na gumana" sabi ko tsaka binalik sa cabinet ang Lightstick

"Cyrelle hindi ba uso sayo ang mag suot ng bra?" tanong ni Norrain, tinakpan ko agad ang dibdib ko

"Hindi bakit naman? Ang sakit kasi pag palaging naka bra" sabi ko, kinuha ko ang tuwalya para takpan ang katawan ko

"Weh, kahit nasa harapan ka ng pamilya mo?" tanong ni Desiree

"Eh ano naman? Pamilya ko sila, at isa pa si Mommy ang nag suggest sa akin na di mag bra kapag nasa bahay lang especially matulog baka raw mamanhid."

"Kahit may bisita kayo?" tanong naman ni Norrain

"Well except for that, I always wear bra pag lalabas ako ng bahay gagala sa village. At napaka-komportable kaya pag hindi ka nag bra haha" sabi ko "At kayong dalawa umalis muna kayo sa kwarto at sa baba na kayo mag antay, maliligo lang ako" sabi ko sabay tulak sa kanila palabas ng kwarto

"Dalian mo, mamili pa tayo!" aniya ni Norrain

"Oyes!" sagot ko at sinara agad ang pinto

The 17th DayWhere stories live. Discover now