CHAPTER FOUR
KINABUKASAN, natapos ko na rin ang pinapagawa ni Liam, its already 1 in the afternoon at medyo makulimlim ang panahon sa labas. Gusto ko sanang lumabas at gumala pero dahil masama ang panahon ay naisipan ko nalang na matulog ngayon.Hihiga na sana ako pero may kumatok, lumapit ako at binuksan ang pinto at nakita ko si Mommy
"Yes Mom?"
"I thought your ready?" konot-noong sabi ni Mommy
"Ready for what?" takang tanong ko
"I asked your Ate to inform you to get dressed, sinabihan kaba ng Ate mo?" tanong ni Mommy sa akin
Umiling ako "Go get dress up, we are going to the airport" sabi ni Mommy at umalis
Nagtataka ako kung bakit pupunta kami ng airport, pero bago ako mag bihis ay pinuntahan ko muna si Ate sa kwarto nya.
Kumatok ako pero walang sumasagot, binuksan ko ang pinto at walang tao. "Ate?" tawag ko
Walang sumagot kaya naman lumapit ako sa bathroom nya at kumatok pero wala paring sumasagot, akmang bubuksan ko na ang pinto ng may pumasok sa kwarto ni Ate at nakita ko si Mommy
"Saan Ate mo?" tanong ni Mommy
"Dunno Mom" sabi ko at binuksan ang pinto ng bathroom, pero pag pasok ko walang tao "Mommy wala rin si ate dito" sabi ko sa kanya
"Tatawagan ko nalang Ate mo, mag bihis ka na" sabi ni Mommy at lumabas ako ng kwarto ni Ate.
EXCITED ako habang papunta kami sa airport kasi dadating si Daddy at Lola galing Europe, ang sabi kasi ni Mommy next week daw pero mas pinaaga nila Daddy dahil birthday ko next month. Next month pa birthday ko pero parang next week ang birthday ko, bakit ang aga nilang umuwi? Well I'm just glad na mas pina aga nila para makasa ko si Lola.
I really miss hanging out with Lola
Pag dating namin sa airport ay nag hintay muna kami ng ilang minuto sa labas ng airport para doon sasalubongin sila Daddy.
Nakita ko sa malayo ang mukha ni Lola, tatakbo sana ako para malapitan sya pero madaming tao ang nasa harapan namin kaya doon nalang ako sa tinatayoan ko nag hintay.
"Hello Hija! How are you?" salubong ni Lola at yumakap ako sa kanya
"Lola I miss you" sabi ko habang yakap sya
"Ahh I miss you too baby" sabi nya
Lumapit ako kay Daddy at yumakap din "Hey Daddy I miss you" malambing na ani ko
"I miss you too anak, how are you?" tanong ni Dad
"I'm very much okay po HAHA" sabi ko "Since andito kana Dad, may mag susundo at maghahatid sa akin araw-araw HAHAHA" biro ko
Tumawa naman sila sa sinabi ko "Sess sabihin mo nalang Cyrelle na may mag lilibre sa'yo palagi" sabi ni Kuya, benelatan ko lang sya.
"So, let's go sa bahay nalang tayo" sabi ni Daddy
Pumasok ako katabi ko si Lola at Mommy sa backseat, si Kuya naman ang nag drive at si Daddy ang nasa passenger seat.
"Asan nga pala si Verethy?" tanong ni Lola
"Busy daw ma, may meeting sya with Clark" sabi ni Mommy, nagulat ako sa sinabi ni Mommy, tiningnan ko naman si Kuya pero parang wala syang narinig
"You mean Clark Chivaz?" tanong ni Lola
"Clark Chivaz?" gulat pero konot-noong sani ni Kuya
"Yes, diba Ma sya yung pinakabatang investors natin sa Europe?" sabi ni Mommy
YOU ARE READING
The 17th Day
Teen FictionCyrelle Elizabeth Custodio is a kind of person who is desperate for love. Well, she's being desprate because she's jealous when her friends are having a relationship. After what happen on her first love - - - - - A classmate of her had a crush on h...