Chapter 1: Shocking Revelation

3.1K 63 1
                                    

Eunice's pov

"Ah! Ang sarap talaga ng pineapple juice na gawa ni manang!" natutuwa kong saad habang binababa ang baso na ininuman ko, sana dinamihan ni manang 'to para ma-iakyat ko sa taas mamaya para may naiinom ako habang nag iisip ng mga design ko. Kinuha ko ang basong pinag-inuman ko at nilagay sa lababo para hugasan, Nakasanayan kona kase ang ganitong gawain, Hindi kona inaasa sa mga katulong namin ang kokonting hugasan, bait ko no? Wala e' si manang kase pinalaki akong marunong sa lahat ng bagay, Dapat daw kahit mayaman kami, may alam pa rin ako sa mga gawaing bahay, kase babae daw ako, Maganda daw kase sa isang babae ang may alam sa mga ganitong klaseng bagay, lalo na kapag nag-asawa para maasikaso ko daw ang magiging asawa ko.

So balang araw ang mahal kong si travis pag-lulutuan ko ng mga paborito niyang pag-kain! Dahil siya ang magiging asawa ko! Tapos ako ang maghuhugas ng mga pinag-kainan namin habang siya tinutulungan ako, magiging mabuting may bahay ako pag naging asawa ko talaga si travis.

"My god eunice ayan kana naman sa imahinasyon mong imposibleng mangyare! Kahit mahal mo yung lalaking 'yun walang pakealam sa mundong ibabaw yun, dahil mahalaga don ang kompanya nila! Hanggang pangarap kana lang. Ays! Nabubuang na naman ako kinakausap kona naman ang sarili ko! tsk!" Matapos kong mahugasan ang ginamit kong baso at iba pa nagpunas na ako ng kamay. Aakyat na ako sa taas at itutuloy ang ginagawa ko.

Nakalabas na ako ng kusina ng makarinig ako ng sigaw, nang gagaling 'yon sa labas.

"KUYA! Ano ba! Wala siyang alam dito ok? Hwag mong- kuya!!! "

"Kuyaaaaaaa!"

Hala! Boses ba 'yun ni trish? Nagmadali akong dumeretso sa pinto para tignan kung ano ang nang-yayare sa labas,
Pag bukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan ang bubungad sakin, Isang hingal na hingal na Si kaden Travis Dela Cerna lang naman.

"oh god! Kuya! Let's go home! H'wag mong galitin lalo sila daddy!!" Nabaling ang tingin ko sa bestfriend kong ngayon ay nasa likod ng kuya niya, hingal na hingal din ito.

"Shut up trisha." Para naman akong natulos na kandila sa kinakatayuan ko dahil nakakatakot ang boses niya sabayan pa ng titig na ginagawad nito sakin ngayon, gosh, ano bang nang-yayare? Bakit sila nandito sa harap ng bahay namin? Kahit kinakabahan naglakas ako ng loob para mag-tanong.

"A-ah, ano bang meron? Bakit nag-sisigawan kayo? At bakit nandito kayo sa harap ng bahay namin bes?"

"A-ah k-kase ano bes, kas---" Hindi natapos ni trish ang sinasabi dahil nagsalita ang kuya niya.

"Come with me Aaliyah." Ha? Ano daw?

"Ha? Saan tayo pupunta t--" Napamaang ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila palabas, sh*t ano ba talagang nang-yayare? Lumingon ako sa likod kung saan nakatayo ang bestfriend ko, kitang kita ko ang pangamba sa mga mata niya at takot. Umiling iling pa ito, bago sumunod samin. Anong ibig sabihin non? Aah! Ano ba talagang meron?!

Mabilis naglalakad si travis habang hila hila ako, sh*t naman para na akong tumatakbo sa ginagawa niya. Ang hahaba ng biyas niya at ako maliit lang, kamusta naman?

Nang makapasok kami sa bakuran nila, naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Anong gagawin ko dito sa bahay nila? Bakit niya ako dinala dito? Sumulyap ako sa likuran namin nakasunod na si trish pero napansin kong parang naiiyak na ito.

Mag kapitbahay lang kami ng bestfriend ko, at hindi ko alam kung bakit hinila ako ng kuya niya dito, Mukhang hindi maganda ang mang-yayare.

His Secret ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon