Chapter 2: Decision

2.4K 64 10
                                    

Travis's pov

Kuyom ang mga kamao ko habang tinatahak ang daan papunta sa unit ni mayell. Hindi maalis sa isip ko ang mga litrato na pinakita ni dad' lalo na ang video.

damn it mayell! you need to explain everything!

Nang makarating sa harap ng unit niya nanginginig kong pinindot ang doorbell.

Bumukas ang pinto, tumambad sakin ang babaeng mahal ko, Gulat na gulat ang reaksyon nito ng makita ako.

"H-hon! w-what are you doing here?" nauutal na tanong niya halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon dito.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya mukhang may lakad siya dahil ayos na ayos siya. pwes kung saan ka man pupunta, hindi na matutuloy mikaeala mayell.

"We need to talk mayell." Seryosong
saad ko' Kitang kita ko ang pag-iiba niya ng reaskyon, kinakabahan. mukhang may tinatago ka nga talaga sakin.

"Ha? about what hon." hindi na ako sumagot' Basta nalang ako pumasok sa loob at na-upo sa single sofa, sinenyasan ko siyang ma-upo din. naupo naman siya sa kabilang sofa.

"What are we going to talk about hon?"

Huminga ako ng malalim,kinalma ko ang sarili ko bago tumingin ng seryoso sa kanya.

"Do you love me mikaela mayell?" nagulat siya sa tanong ko,pero bigla din natawa ng mahina bago sinagot ang tanong ko.

"What kind of question is that hon? Of course I love you." Damn mayell! hanggang kailan mo ako lolokohin? hanggang kailan ka mag-papanggap?

Akma akong magsasalita ng sabay kaming napatingin sa cellphone niya na nasa center table' may tumatawag. Ang lalaki ba niya ang tumatawag? huh! that asshole.

Nagmamadali niyang kinuha ang phone niya at pinatay ang tawag. kitang kita ko ang pag-kabalisa nito.

"Sino ang tumawag? bakit hindi mo sinagot? baka importante."

"H-ha ano si manager' mamaya nalang tatawagan ko siya, Nag-uusap pa tayo e." Napangisi na lamang ako at nailing. Dati kahit nag-uusap tayo' kahit magkasama tayo sasagutin mo agad ang tawag kapag manager mo. Pero ngayon? halatang may tinatago ka nga, At isa pa kitang kita ko ang pilit mong ngiti, kabisado ko kung peke ang ngiti mo o totoo.

Muli na namang tumunog ang cellphone niya' natataranta niyang pinatay ito muli. Dahil naiinis na ako nilahad ko ang kamay ko.

"Give me your phone. ako ang kakausap sa manager mo." Hindi ko alam kung anong irereact ko ng makita kong simple niyang inoff ang phone niya at nilagay sa likod niya, D*mn' You really make me look stupid mayell..

"H-hon ok lang ako ng ba--"

"I said Give me your godd*mn phone! bakit ayaw mo ibigay!? may tinatago kaba sakin!?" Hindi kona napigilang sumigaw punong puno na ako! Takot ang naging reaction niya ng sumigaw ako, Simula ng naging kami ngayon kolang siya napag-taasan ng boses. Maingat ako pag dating sa kanya.

"W-what's wrong with you hon? bakit nag-kaka ganyan ka? ano ba ang nang-yayare sa'yo?" Umiwas ako ng tingin ng makita kong tumulo ang luha niya.

itatanong kona ang kanina kopa gusto itanong sa kanya.

"Do you have another man?" Sa pag kakataong ito tumingin na ako sa kanya, lahat ng pagtitimpi ko kumawala na.

Napamaang siya dahil sa tanong ko kitang kita ko ang pagbabago ng kulay ng mukha niya.

"W-what are you t--"

"Tinatanong kita Mikaela mayell sagutin mo ang tanong ko! do you have another man!??!"

His Secret ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon