Chapter 3: Wedding Day

1.7K 49 0
                                    

Chapter 3

Eunice's pov.

"Bes sigurado ka na ba talaga? Pwede ka pa umatras," Nilingon ko ang kaibigan ko na kanina pa kabado.

"Trish, pwede ba? Kumalma ka nga."

"Paano ako kakalma? Naiinis ako sa nangyayari sa'yo! Naiipit ka sa problema ng pamilya namin. Yes, masaya ako dahil magiging sister in law kita at alam kong mahal mo si Kuya Travis kaso sa mga sinabi mo sakin, pakiramdam ko mahihirapan ka pag pumasok ka sa kasalan na 'to."

Bumuntong hininga ako, mukhang nagkamali akong sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Travis nung nakaraan. Ilang araw na rin niya akong kinukulit. Siya ang nangangamba para sa'kin. Hindi ko kasi kayang magtago sa kaniya ng sikreto. Siya lang kasi ang nakakaintindi sakin, siya lang ang napagkakatiwalaan ko. Hindi lang bestfriend ang turing ko kay Trish, para ko na rin siyang kapatid. Kaya kahit na sinabi ni Travis na sikreto lang ang mga pinag-usapan namin, hindi ako sumunod. Gusto kong alam din ni Trish 'yon, walang lihiman sa'ming dalawa, open kami sa isa't-isa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito. Kanina pa siya balisa, nangangamba para sa'kin.

Ngumiti ako ng tipid.

"Sino ba sating dalawa ang ikakasal bes? Ikaw ang mas kabado sating dalawa 'e." natatawa kong sabi, "Don't worry about me okay? Ilang araw ko na rin pinag-isipan 'to. Handa na ako sa kalalabasan ng naging desisyon ko. Tsaka isang taon lang naman 'to then babalik na ulit sa dati." Bumuntong hininga siya at tipid na rin na ngumiti.

"Hay, mukhang wala na akong magagawa. Nakapagdesisyon ka na talaga 'e. Basta nandito lang ako, babantayan kita dyan sa magaling kong kuya."

Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Niluwa si Tita Kim na nakangiti.

"Ready na kayo girls? Aalis na tayo."

"Yes tita, tapos na po." Nakangiti kong saad, Lumapit naman samin si tita.

"Napakaganda mo hija, bagay na bagay sayo ang simpleng white dress na suot mo. Napakaswerte ng anak ko sa'yo." Bigla namang uminit ang pisnge ko dahil sa papuri ni tita.

"Thank you tita," Hinawakan ni tita ang kamay ko at tipid na ngumiti.

"From now on, call me mommy alright? Ikakasal na kayo ngayon ni Travis, magiging isang pamilya na tayo." Napangiti ako. Ang sarap pakinggan, nakakagaan ng kalooban. Magiging isang pamilya na kami.

Pero hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Kung alam lang nila ang pinag-usapan namin ni Travis, hayyy. Ang saya saya pa naman ng mga magulang namin kaso isang taon lang ang bisa ng kasal. Isang taon lang akong magiging parte ng pamilya nila. Isang taon ko lang madadala ang apelyido ng anak nila.

"Okay po mommy."

"Much better! Let's go girls!"

Parehas kaming hinawakan ni Mommy Kim sa kamay at naglakad kami palabas ng kwarto ni Trish.

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Travis, sa isang judge na kilala nila Tito Troy. Nandoon na sila mommy at daddy pati sila Travis at Tito Troy. Kami na lang ang kulang.

Eto na Eunice, ikakasal ka na sa taong mahal mo, pero hindi ka naman mahal. Hayyyyy.

******

"Do you Travis, take Eunice to be yours? And do you Eunice, take Travis to be yours? Do you both promise your hearts to be with each other? Will you walk hand and hand wherever life's journey takes you? Will you keep living, learning, loving, and growing together for the rest of your lives?"

"I do/ I do." Parehas naming sagot ni Travis. Nakatitig kami sa isa't-isa pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya, parang wala lang talaga sa kaniya ang nangyayari.

His Secret ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon