Chapter 5: His True Color

2.3K 62 21
                                    

Chapter 5

Naglalakad patungong supermarket si Eunice. Abala ito sa pagkalikot ng bag niya. Hinahanap nito ang listahan na ginawa niya kanina. Dahil busy at nakafocus ito sa bag, may nakabangga ito.

"Ay! Sorry! Sorry po kuya!" Natatarantang saad niya. May iniinom itong frappe nang mabangga niya. Tumapon ito sa damit nung lalaki.

"It's okay miss." Mahinahong sabi ng lalaki habang pinupunasan nito ang kamay na natapunan din. Sa itsura pa lang ng damit nito ay kitang mamahalin na.

"Nako kuya, nadumihan na 'yung damit mo! Sorry talaga, ano papalitan ko na lang." Nahihiyang saad niya sa lalaki, ngumiti naman ito sa kanya. Napatulala naman si Eunice dahil sa pagngiti nito, halos mawala na ang mata nito nung ngumiti, sobrang singkit! "Hindi na, meron naman akong t-shirt sa kotse ko. Kukunin ko na lang." Dahil guilty at nahihiya pa rin si Eunice ay nagpumilit pa rin siya.

"Ah kahit na kuya, ibibili na lang kita. Saan mo ba nabili 'tong T-shirt mo? Bibilhan na lang kita ng bago." Natawa ng bahagya ang lalaki, "Sa Paris ko pa binili 'to miss, walang ganito sa Pinas. H'wag ka na mag-alala, okay lang naman," Nahiya lalo si Eunice. 'Sa Paris pa nabibili. Bakit kasi hindi ka natingin sa dinadaanan mo Eunice? Ayan may nakabangga ka tuloy! Nadumihan mo pa ang damit! Mukhang mahal pa naman!' Sermon nito sa sarili.

"Eh kasi ano 'e, hindi ko maatim na hindi bayaran o palitan 'yan, lalo na at mukhang mahal pa dahil sa Paris mo binili tapos natapunan ko lang ng frappe?"

"Hahaha okay lang talaga miss, tsaka..." Pinagmasdan siya ng lalaking kaharap at tiningnan ang katapat nilang super market, "Mukhang may bibilhin ka pa. Sige na, okay lang 'yon, 'wag ka nang mag-alala." Nakangiting untag ng lalaki. Dahil ayaw niyang magpatalo, biglang may naisip si Eunice. Malawak itong ngumiti sa lalaking kaharap at nagsalita.

"Alam ko na! Sabi mo kanina may damit ka sa kotse mo 'di ba? Magpapalit ka na lang? Akin na yang nadumihan kong damit mo, lalabhan ko na lang sa bahay." Natawa ng mahina ang lalaki at nailing, "Hindi ka talaga nagpatalo miss, ibang klase ka rin. Oh siya, para matapos na 'to at makapamili ka na rin, tara sa parking lot. Do'n ko ibibigay ang damit ko." Ngiting tagumpay naman si Eunice. Nahihiya talaga siya sa ginawa niya sa lalaki, hindi kasi siya nakatingin kanina 'e, kasalanan talaga niya. Tsaka mukhang hindi naman masama ang lalaking 'to, ang gaan nga ng pakiramdam niya dito 'e.

Nang makarating sa parking lot, dumeretso sa loob ng kotse 'yung lalaki at nagpalit ng damit. Agad din 'tong lumabas ng kotse habang nakangiti.

"Here." Inabot nito ang damit sa dalaga. Nakangiting tinanggap naman ito ni Eunice at nilagay sa bag na dala, "Pag nalabhan ko na 'to kuya, ibabalik ko sa'yo. Nga pala pwede ko makuha ang number mo? Para pag okay na 'yung damit mo, itetext o tatawagan na lang kita."

"Alright, no problem." Inabot ni Eunice ang phone niya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi naman siya ganito. Pwede namang hindi niya bayaran o labhan ang damit ng estrangherong kaharap, kaso iba talaga 'e, ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa tao.

Matapos malagay ng lalaki ang number niya sa phone ni Eunice, binalik niya na ito sa dalaga.

"Thank you! Sorry talaga ha? Itetext na lang kita pag okay na 'tong damit mo." Tiningnan ni Eunice ang phone niya para i-save sana ang number ni kuya kaso napakakunot noo siya nang walang pangalan na nakalagay, number lang talaga. 'Ano ba 'yun? Hindi man lang nilagay ang name niya.' Anito sa isipan.

"Ah kuya? Anong name mo? Para ilagay ko dito?" Naiilang na saad niya, winagayway pa niya ang sariling telepono. 'Jeez Eunice, parang sa datingan mo gumagawa ka ng move kay kuya 'e! Aist! Baka anong isipin niya, huhuhu baka akalain niya trip ko siya, nakuuu kuya kasal na ako.'

His Secret ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon