Chapter 25.2

696 9 3
                                    

Chapter 25.2

Hindi ako nag aksaya nang oras… tumakbo na ako sa bike ko. May convenient store sa labas nang subdivision nila rainne… madali lang akong makakarating dahil may bike naman ako.

Chocolate yung pinili kong flavor since sabi nya nung nag date kame ay favorite nya ang chocolate. Tatlo yung binili ko… it symbolizes… ehem… alams na! I LOVE YOU…

Pagdating ko na nasa sala na sya at nanunuod nang tv.

Dale:”Happy monthsary bhebs” I kissed her on the cheek ang then I gave my peace offering.

Bhebs?!      

Why Bhebs??      

Wala yun yung nasabi ko eh. Bhebs ko na sya from now on! ^_____________^

Rainne:”Akina!” medyo nag curve yung lips nya nung makita yung binilii ko. Favorite nya siguro talaga yung chocolate... 

Naalala kong hindi pa sya kumakain… so hinablot ko uli yung plastic nang ice cream.

She glared at me.

Dale”Kain ka muna bhebs… subuan kita ah!” hinawakan ko yung kamay nya and then pumunta kame sa kusina.

Pinaupo ko sya sa upuan and then nag sandok ako nang makakain nya.

Dale”Ahhhhhhhhh…! Open your mouth bhebs…” susubuan ko talaga sya. I really mean it…    

Kumunot yung noo nya…

Rainne:”kaya kong kumain mag isa… tigilan mo ako sa kaka-bhebs mo ah!!Umuwi kana at baka hahanapin ka pa sa inyo?”

Ang sungit pa din… pero mas ok na ang ganito kesa wala talaga…

Dale:”Hahanapin talaga ako… pero nagpaalam naman ako kay mom eh… tsaka uuwi lang ako pag tapos ka nang kumain… Sige na bhebs, subuan na kita! Namissed kita eh…” nag pout ako… medyo exagg nga lang…   

Natawa sya… 

~Syyeeettt! Ito ba yung napipilitan Rainne??? Mangitian mo lang… eh kilig na kilig na ako eh! ~

Rainne:”Oo na… tumigil ka lang…ang pangit mo eh…”

Dale:”Mas gusto mo ba yung babe kesa sa bhebs?” I just wanted to know her opinion… tutal endearment ko naman sa kanya yun… why not ask her ‘di ba?  

Rainne:”Bhebs is cute and unique”then sumubo na sya.

May blessings na yung endearment ko sa kanya.        

Ang sarap nyang panuorin habang kumakain. Yung smile ko abot bunbunan eh! Tipong lagpas pa sa tenga…  ^________________^

That night… I could say na nagkabati na kame…!

Mga 9pm na ako nakauwi… ang saya saya ko lang… sigaw ako nang sigaw habang nagbabike kanina… 

Hanggang sa panaginip ko dala ko yung kasiyahan ko…

Si Rainne mainitin ang ulo… 

cold... 

pero the best thing about her… 

madali syang magpatawad!

~Sila Mads at ang tropa nalang ang problema ko… galit pa din sila sakin eh…~

RainnePOV

Nakaupo ako sa kama habang nag iisip…

Kakagaling lang dito ni dale… 

Ba’t ganon?! Ang bilis ko syang napatawad?? Ganito pala nag feeling nang nagmamahal…

May times na gustong gusto ko syang saktan… Like for example nung date namin… pero hindi ko naman magawa. Kaya kong saktan ang kahit sino maliban lang sa kanya.

At dahil mahal ko na nga sya… at humingi na sya nang sorry… hindi ko kayang hindi sya patawarin. HINDI LANG KASI SYA BASTA NAG SORRY EH… sincere talaga sya… and umiyak pa! Yung laking tao nyang iyon… UMIYAK?! sagwa kaya!!   

Sobrang na-touched ako sa Bhebs ko… I smile all of a sudden when I remember that ‘bhebs’ whatsoever thing of him… hindi naman importante ang endearment for me, but since… galing kay dale yun… and talagang pinakaisipan nya pa yun. May magagawa pa ba ako?! Eh di Bhebs na kung bhebs! 

The best thing na sinabi nya was… 

"Totoo lahat nang pinapakita ko sayo rainne… sinusunod kita dahil gusto kong sundin ka… nasa tabi mo ako dahil gusto kong nasa tabi kita… kasama mo ako dahil gusto kong kasama ka… HINDI AKO NAPIPILITAN! At hind kita kinakahiya… nagustuhan na kita na ganyan ka! Kaya hindi ko alam kung bakit nasabi mo yun!” 

~ GUSTO NYA DIN AKO!! Nakakakilig naman!! ^__^~

My Wicked GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon