Magkabilang Mundo

6 1 0
                                    

By: Quincy Mary

        Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa katalinuhan, kagandahan, kayamanan, kagisigan, at kapangyarihan ng isang nilalang. Ang importante ay ang tamang nararamdaman na pagmamahal at kasiyahan na walang katapusan.

         Sa lugar ng Prometheus, may isang dukhang dalaga na ang pangalan ay Crüsa. Si Crüsa ay umiibig sa isang hari na nangangalang Xuth. Si Xuth ay ang hari ng Peloponnesus. Habang nagmamasid si Crüsa sa labas ng palasyo ni Xuth, hindi niya mapigilan ang sarili na mapamangha sa rebulto ng kanyang minamahal. "Langit ka, lupa ako. Sa isang salita, hindi tayo magkatugma. Mapapansin mo kaya ako? Hindi ko man maibigay sa iyo ang buong mundo, pero kaya ko namang ibigay ang buong pagmamahal ko.", ang malungkot na sabi ni Crüsa.

         Isang araw, habang pauwi na siya mula sa paglalaro sa bangin ng isang kuweba, may biglang humatak sa kanya at niyakap siya mula sa kawalan. Makikisig na mga bisig ang nakapalibot kay Crüsa at hindi maipaliwanag ng dalaga ang magulong nararamdaman niya. Nang lumuwag ang pagkayakap sa kanya, hinarap niya kung sino ang misteryosong nilalang na iyon at siya'y nagulat.

         Hindi inaasahan ni Crüsa na si haring Xuth pala iyon, ang dugong bughaw na minamahal niya. "Sa wakas at nakita rin kita sa malapitan mahal na binibini." Sabin ni Xuth at hinalikan ang kamay ng dalaga. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ni Crüsa, hindi siya makapagsalita at nakatitig lang sa mga bughaw na mga mata ng binata.

         Naglakbay silang dalawa sa buong kaharian ng Prometheus. Napagluho ni Crüsa na napakalawak ng mundo, bilyong-bilyong tao sa daigdig upang mahanap ang totoong pag-ibig pero siya ay nahuhulog at nahuhulog parin kay haring Xuth.

        Ilang buwan ang nakalipas, sila ay nagsumpaan ng kanilang nararamdaman. 'O kay bilis naman maglaganap ng sitsit, kaya'y ang mga tao ay nagtutol sa kanilang pag-ibig. Crüsa at Xuth, laban sa mapait na mundong ginagalawan nila. Malalagpasan kaya nila ang nais nilang inaasahan?

       Sabi nila, hindi pwede ang isang dukha sa isang maharlika. Ang dugong bughaw ay para sa dugong bughaw, at ang alipin ay para sa alipin lamang. Dumating ang gabi ng kasakiman. Sinugod si Crüsa sa kanilang tahanan ng mga taong galit nag galit sa pagkakaroon ng kaugnayan kay haring Xuth.

      Muntikan na si Crüsa matamaan ng palaso, pero biglang dumating ang kanyang iniirog at hinarang siya upang siya ay mailigtas.

       Naglaho ang mundo ni Crüsa sa nangyari. Araw-araw siya ay gulong-gulo. "Bakit? Bakit nagkakaganito pa? Ano ang masama sa pagmamahal? Bakit ganito ang tadhana? Parang binagsakan ako ng langit at lupa at nililibing ng buhay. Punong-puno ng tinik ang aking puro na nagpakabigo sa pag-ibig na walang patungo.", gugol na iyak ni Crüsa.

      Isang taon ang nakalipas, natanggap narin ni Crüsa na ganyan talaga ang buhay. May mga bagay na kailangan nating tanggapin kahit ayaw natin.

       "Eto ako ngayon sa iyong puntod mahal ko, kasama ko ang ating nag-iisang anak na si Zon. Kumukhang-kamukha ka niya talaga. Alam mo kinikuwento kita sa kanya gabi-gabi. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa iyo. Mahal na mahal kita, alam mo iyon. Lagi kang nandito sa aking puso at isipan. Hinding-hindi ko kakalimutan ang ating masasayang alaala. Kahit magkabilang mundo man tayong dalawa, ang ating pagmamahalan ay hindi maglalaho sa isa't-isa." – Crüsa. 

Stepping StonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon