Kung Pwede Lang Sana

8 1 0
                                    

Isinulat ni: Quincy Mary 

"Sa buhay, may mga bagay rin na ginawa natin na ikasisisi natin sa huli. Kung ganyan ang nangyari, tanggapin nalang natin iyon at ang ating pagkakamali."

Nakagising ako sa sikat ng araw na pumasok sa bintana ko. Napakahimbing pa naman ng aking pagtulog. Napaginipan ko na naman ang mga araw kung kalian masaya ang pamilya namin, buo, at puno ng pagmamahalan.

Ako nga pala si Merinda Santos, labing-dalawang taong gulang na. Nag-aaral ako sa isang private school dito sa Cebu. Anak ako ng isang sikat at mayaman na businessman na nangangalang Hernado Santos at ang aking ina naman ay si Elinor Santos.

Sabi nga iba perpekto ako at nasa akin na raw ang lahat, pero hindi nila alam na may kulang pa.

Ito ay ang pagmamahal mula sa magulang. Hindi ko naman kailangan ng pera, laruan, magagarang damit at sapatos upang maging masaya. Kailangan ko lang ang pagmamahal nina mama at papa.

*Tok Tok Tok*

Biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Dali-dali ko naman itong binuksan upang malaman kung sino 'yung kumakatok.

"Miss Merinda, alas syete na po ng umaga. Oras na po para magreview kana ng mga asignatura mo at pati narin ang tungkol sa business.", sabi ni Manang Fe.

Siya ay ang personal maid ko simula nung sanggol pa lamang ako.

"Sige po manang, maliligo at magbibihis muna ako, tapos bababa na ako.", sagot ko.

"Paki bilisan nalang po Miss Merinda, ayaw ng ama niyo po na mahuhuli ka sa pag-review, at si Mrs. Raco ay nandoon na sa library niyo.", sabi ni manang Fe

"Sige po, salamat.", 'yun nalang ang nasagot ko.

Nagligpit na ako at ginawa ang mga bagay na dapat kong gawin. Kumuha ako ng suklay sa drawer ko at may napansin ako na litratro sa loob ng drawer ko. Kinuha ko ang litrato at tinignan iyon. Gulat at lungkot ang naramdaman ko nung nakita ko ang litrato.

Ang meron sa litrato ay ako kasama ang aking mama, papa at ang ate ko na si Dine. Ang saya-saya pa naming dito, damang-dama ko pa ang pagmamahal ng mga magulang namin sa amin. Sa litrato na ito, kitang-kita ko sa mga mata ng bawat isa kung gaano kami kasaya dati. Kung pwede lang sana maibalik 'yung dati.

Pumasok na ako sa library at nakita ko si Mrs. Raco na nagbabasa ng libro habang nakatayo.

Si Mrs. Raco ay tutor ko simula nung 5 years old palang ako. Siya ang nagtuturo sakin sa lahat ng asignatura ko sa paaralan at pati na rin tungkol sa business na gusting-gusto ng mga magulang ko na dapat kong pag-aralan.

Kailan kaya ako makararanas ng buhay bata? 'Yung gumigising ng maaga para makapaglaro sa ibang bata, gaya ng paghahabulan buong magdamag, paglalaro ng patintero, mag tago-taguan sa ilalim ng maliwanag na buwas at iba pa. Ang saya siguro kapag ganun 'no? Ako kasi nasa loob ng bahay lang, nagbabasa ng libro at kinakausap ang sarili ko na parang tanga.

"Magandang umaga Miss Merinda", ani ni Mrs. Raco

"Magandang umaga rin po.", sagot ko naman

"Umupo kana at maguumpisa na tayo sa pagreview.", sabi ni Mrs. Raco

Marami akong natutunan sa kanya, hindi lang tungkol sa mga asignatura na tinuturo niya, pati narin ang tungkol sa buhay.

Nang matapos na ang review namin, agad na umalis na si Mrs. Raco. Ako naman ay pumunta sa hapag-kainan naming upang kumain ng almusal.

Wow! Ang sarap naman ng ulam namin! Sunny side up na itlog at bacon! May hot chocolate milk pa ako! Siguradong busog na busog ako dito!

Stepping StonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon