Chapter 1

14 3 0
                                    

Necklace

After graduation sinama ako ni Lola sa probinsya namin. Para daw mapag-isipan ko pang mabuti kung saan ako magaaral. Gusto ko din dito mag-aral kaso malayo daw kina Mama. Mas maganda daw dun kasi di na nila kelangan magtravel back and forth sa Pilipinas para lang mapuntahan yung mga important milestones sa buhay ko.

Marami na din nag-ooffer saken na malalaking Universities. Well, FYI kahit sumasali ako sa mga tournament ng mga palaro, I also participated in different academic competition.

Naglalakad ako sa baybayin ng El Dionicio kasama ang pinakamamahal kong Lola. We just walk and walk until we reached our old mansion near the beach of El Dionicio. I'm staying here for vacation. Pinagiisipan ko pa din kung susunod ako kina Mommy sa states or pipili na lang ako sa mga nanliligaw saken na malalaking school sa Maynila. Pinadalhan nako ni Mommy ng ticket at hanggang ngayon di ko pa rin alam, mahaba pa naman ang panahon ko para don eh.

"Halika Seb. Maupo muna tayo sa upuan sa banda roon napagod ako bigla kahit ganun lang nilakad ko. Hayyyy nakuuu sign of aging na ba ito?" sabay kaming natawa ni Lola sa sinabi nya. Maganda si Lola kaya di naman nahahalata ang edad. Madalas nyang nakakahalubilo ang mga mas bata sa kanya.

Iginiya ko si Lola sa isang bench na nakasandal sa gilid, malapit sa gate ng mansyon na nakaharap sa dagat. Tanaw namin mula rito ang mga nangingisda at mga namamana. Madalas ko silang makita sa tapat kapag papalubog na ang araw. Sobrang nakakabighani ang ganda ng dagat ngayon lalo na't papalubog na ang araw.

"Alam mo ba lagi kami dito ng Lolo mo noong buhay pa siya. Lagi naming pinapanood ang pag lubog ng araw at sabay kaming uuwi para maghanda ng hapunan." sabay kaming napabuntong hininga ni Lola habang nakatingin sa dagat at sa papalubog na araw.

"Kung nabubuhay lamang si Arturo ngayon ay magiging proud na proud sayo iyon. Biruin mo nga naman, sa kabila ng pagiisa mo sa Manila at miminsang makasama mo lamang iyong mga magulang eh nagawa mo pang manguna sa klase. Pinag-aagawan ka na rin ng maraming paaralan." muli syang nagbuntong hininga

"Sa susunod na buwan eh aalis ka na ulit dito" malungkot nyang sinabi.

"Lola matagal pa naman yon. Mahaba pa ang panahon ng pagtitigil ko dito may isang buwan pa oh." sabay baling ko ulit sa dagat.

Kanina pa sya nagbubuntong hininga. Napasulyap ako sa kanya ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"May problema ba Lola? Kanina ka pa po nagbubuntong hininga." pag aalala ko sa kanya.

"Wala naman apo...  Naisip ko lang ang Lolo mo." nakangiti syang bumaling sa akin "Naalala mo pa ba ang mga kinukwento nya sayo sa tuwing umuuwi ka dito noong bata ka pa?" sandaling kuminang ang kanyang mata ng tinanong nya ako.

"Ah those silly stories." napasinghap si Lola ng binigkas ko ang mga salitang yun. I chuckled a bit. "When I was young I always thought that those fisherman.." Sabay turo ko sa dagat na may mga mangingisda at namamana "Were Mermaids" humalakhak ako ng malakas na syang gumambala sa katahimikan ng paligid. Lalong nangasim ang itsura ni Lola na di nagugustuhan lahat ng sinasabi ko.
"You see Lola it's just an old stories." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"And you think it's just a fairytale?" tumango ako sa kanyang sinabi

"Uh-huh." ngumiti lamang siya sa akin at saka binalik ang tingin sa payapang dagat.

"Talaga ngang tumatanda na ako." tumayo sya mula sa pagkakaupo
"Halika apo may ibibigay ako sayo."
Si Lola talaga gagawin ang lahat para maniwala sa kanya.

At the end of summer: Ticket to another Dimension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon