"Seb ano na pre? Malapit na magsimula ang game. San ka na ba?" takang tanong ni Franco habang tumatawag."Pasensya na pre, medyo malapit na 'ko. Pero kung magsimula agad ang game na wala ako edi ikaw na bahala maghanap ng kapalit ko muna." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Gano katagal yang medyo mo na yan? Tsaka bat ba nalate ka?" tanong ulit nya.
"Basta malapit nako dude, para ka namang jowa eh. Nakalimutan kong coding pala yung sasakyan ko, tanga lang." sabay halakhak ko sa katangahan kong nagawa.
"Aba ay bilisan mo na, mahirap mahanap ng pamalit sayo dito bro. Ako pa tuloy pinag iinitan nung pugitang yun. " halatang naiinis na sabi nya.
I chuckled before answering.
"Chill bro, training lang naman yan tsaka malapit na talaga.""Kahit na training lang to dapat maaga ka pa din, gago ikaw ang captain. At hoy tanga! Nandito nanaman yung jowa mo." sabay tawa nya na kinainisan ko naman.
Lagi na lang akong inulit sa weird na babae na yun kaya pinatayan ko ng tawag. Haha gago!
Pagdating ko sa field ay hindi na ko nagtaka na nagsimula na agad yung game. Pupunta na sana ako sa bleachers nang makasalubong ko yung babaeng patay na patay sa akin. Buti na lang may malaking puno dito kaya nagtago ako kaagad habang nakatungo pa sya and dismay is written all over her face. Bumubulong bulong pa sya na parang naiinis.
"Nasaan na kaya ang Baby Eros ko? Kala ko ba pupunta yun? Nagsayang lang tuloy ako ng pamasahe. Tsk!" pakinig kong sabi nya.
WTF! BABY EROS amp! Gusto kong matawa sana kaso pinigilan ko baka makita ako nung babaeng yun. Teka bat naman ako matatawa? Tsk! Hinayaan ko na lang na makalagpas sya bago ako tumungo sa bleachers.
"Hayyy, naaamoy ko nanaman yung mamahalin nyang pabango." tinalikuran ko na sya saka binilisan ng lakad. Napakinggan ko pa syang nagsinghot-singhot.
Tanga talaga ng babaeng yun. Pati ba naman pabango ko? Iba talaga, Tsk!
Nang makalapit nako nagsitilian nanaman yung mga babae sa kabilang bleacher. Shit na malagkit. Useless ang pagtatago sa puno.
Buti hinayaan ni kuya Guard slash Principal yang mga yan. May pumunta pa talagang ibang school para manood ng game.
Saktong paglapag ko ng duffle bag ko eh syang paglapit ni pugita este coach. Yun kasi tawag namin sa kanya pag naiinis kami kasi magkadikit yung mga daliri nya sa kamay na parang pinagdikit ng pugita basta. Sorry naman sa ugali ganon talaga.
Pabida kasi yan. Lakas ng loob kami pagbungangaan minsan lang naman umattend ng practice namin. Buti nakakasama namin maglaro yung kapatid ni Von. Yun kasi nagte-Training samen pag di busy sa mga school work nya. Walang bisa yung coach namin.
Well di ko naman sya masisisi kasi teacher sya P.E. , pero sana naman eh kung gusto nya kaming icoach maglaan sya ng oras samen. Okay tunog demanding pero totoo naman. Halatang yung sahod nya lang hinihintay nya, pasarap sya puta.
"Oh! Miliano bat ngayon ka lang? Di porke ikaw ang captain eh magpapahuli ka na?" nagngitngit agad ako. Napatiim bagang na lang ako. Bago lumingon at...
ngumiti syempre. Puta! Gusto kong suntukin. Lakas ng loob magpakita kung kailan malapit na ang laro namin. Easy Seb, Easy.
"Eh coach nakalimutan kong coding sasakyan ko. Tas pina car wash pa nung driver ni dad yung isang sasakyan. Kaya nag commute ako." sabay kamot sa batok kahit walang makati.
"Oh sya! Buti na lang paborito kita. Sanchez!" sabay tawag nya sa isa kong team mate na halatang pagod na. Lumingon naman si Drew.
"Bakit coach?" takang tanong nya.
BINABASA MO ANG
At the end of summer: Ticket to another Dimension
FantasíaSebastian Miliano is an ordinary young football player. After graduating senior high school many big Universities are offering him big deals just to have him. Still confused in everything, his parents wanted him to study abroad. His mother eventual...