Chapter 2

9 4 0
                                    

Ticket

Its been four days after that horrible dream. Di ko na kwinento pa kay Lola ang tungkol pa dun dahil ayoko na maalala pa.

Ang inaalala ko ngayon ay ang passport at ticket ko papuntang states. Kahapon ko pa hinahanap sa loob ng kwarto at halos magulo na lahat ng gamit dahil sa paghahalungkat. Lumabas ako ng kwarto at saktong nakita si Aleng Nelya na naglilinis sa Pasilyo.

"Aling Nelya nakita nyo po ba ang passport ko? Nakasingit po kasi dun ang ticket ko." sabi ko habang nagkakamot sa batok.

"Saglit lang iho tatawagin ko si Cecilia sya kasi ang nag ayos ng mga gamit mo noong isang araw eh. Maiwan muna kita saglit at tatawagin ko sya." sandali nyang iniwan ang kanyang nililinis at umalis.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap pati kasuluk-sulokan ng kwarto ay hinanap ko na. Isang katok ang napakinggan ko sa pintuan at pinapasok si Ate Cecilia upang hanapin ang passport.

"Sa pagkakaalala ko ay inilagay ko iyon sa bedside table mo natingnan mo na ba yun?" nilapitan nya ang bedside table ko. Nakailang tingin na ako dun kanina pero wala pa din akong makita na passport at ticket dun.

"Nakailang check na ako dyan ate Cess eh. Nilabas ko pa ang laman nyan kanina."

Binuksan ni ate Cecilia ang drawer ng bedside table ko at naghalungkat ng di nakikinig sa mga sinasabi ko. Tiningnan ko lamang sya sa kanyang ginagawa.

"Eh ano itong nakikita ko? Kala ko ba dinobol check mo na?" nagulat ako sa pinakita nya sa akin at nanlaki ang mata sa nakita.

"Salamat ate. Buti na lang, pero naka ilang check nako dyan kahapon eh di ko makita. Pasensya na sa abala, Salamat ulit ate." nahihiya kong sinabi saka kinuha ang passport sa kanya saka tinabi sa loob ng maleta.

"Oh sya, hayaan mo na. Pinapatawag ka na pala ni Senyora magtatanghalian na daw kayo. Ako na maglilinis ng kinalat mo dito at mukang di mo matatapos hanggang bukas." napakamot ako sa batok at nahihiya.

Sigurado talaga kasi ako sa sarili ko na wala yun dun kahapon halos ilabas ko na lahat ng laman. Papaanong nakita ni Ate Cess iyon?

"Sige ate ikaw na bahala dyan. Salamat talaga." hinayaan ko si Ate Cess na maglinis doon at nagtawag ng iilang mga kasambahay upang tulungan sya. Dahil kung ako man ang maglilinis noon ay talagang aabutin pa kinabukasan.

Naabutan ko si Lola sa hapag.
"Oh sya apo kumain na tayo." nagsenyas sya sa mga kasambahay at nilagyan ng pagkain ang kanyang pinggan dahil bahagya na sya makatayo.

"Nahanap na ba ang ticket mo?" tanong nya ng nakaupo na ako.

"Opo" pagkatapos ay naglagay na ako ng pagkain sa pinggan.

"Nakalagay po sa drawer ng bedside table ko. Kahapon ko pa yun tiningnan Lola di ko makita dun nilabas ko na nga lahat ng laman non kahapon wala pa din ako makita. Di ko alam papano nakita ni Ate Cecilia yun dun." pagpapaliwanag ko.

Humalakhak lang si Lola pagkatapos kong sabihin iyon. Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa paghuhugas ng mga pinggan. Hindi porke may pera kami ay hindi na ako tutulong sa mga gantong gawain.

Nang matapos maghugas ay naisipan kong maligo muna sa dagat. Payapa ang dagat ngayon, wala masyadong alon.

Uubusin ko na lang ang oras ko sa paliligo sa dagat at mamaya ay sasama ako kay Manong Kaloy at Nanay Diling sa pamimili mamaya sa bayan. Nang nagsawa na ay nagbanlaw ako ng katawan saka nagbihis ng ordinaryong damit.

At the end of summer: Ticket to another Dimension Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon