Safe
Napabalikwas ako ng bangon ng matanto kung nasaan ako. Hindi panaginip ang lahat. Pero papaano nangyari ang lahat ng ito. Pati damit ko, Ang tigre na katabi ko, ang tunnel. Oo nga ang tunnel.
Nagpalinga linga ako sa paligid at hinanap ang tunnel pero wala na. Shet! Paano ako makakabalik sa mansyon? Baka nag aalala na sa akin sina Lola. Asan na ang tunnel? Di naman ako umalis dito kahapon ah.
Nakatingin lang sa akin ang tigre at siguro ay pinagiisipan kung kailan ako kakainin. Walang utang na loob. Siguro ay nakakita lamang sya ng isang mukang tangang di maka alala.
Nakakita ko ang isang lumang katsa. Style shoulder bag na ewan. Chineck ko ang loob at isang balisong lamang ang naroon. Isang malaking tulong na ito para makahanap ng makakain mamaya. Well, ways of survival thing.
Sa paglalakad ko ay di ko na namalayang nakasunod pa din ang tigre sa akin. Pa-ika-ika ito maglakad pero masasabi kong medyo bumuti na ang lagay nya ngayon. May nadaanan kaming ilog at magtatangka akong manghuli ng isda doon kaso ay hinihila ng tigre ang damit palayo doon.
"Hey! Saglit lang at manghuhuli ako ng isda para may makain naman tayo kahit papano." pero talagang hindi siya nagpatinag sa akin hanggang tuluyan nya na akong mahila.
Pasalamat sya at mas malaki sya saken. Dumiretso kami sa paglalakad. Hanggang sa bigla syang tumakbo at iniwan ako. Huh? What the fuck is that? Di lang ako ang may pagkaabno.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad baka may mahanap akong batis sa malapit para makainom ako saglit. Medyo nauuhaw na din kasi ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makakita ng isang puno. Wait Am I seeing an apple tree here? Where exactly I am? Nasa America na ba ako? Sa pagkaka alam ko walang apple sa Pilipinas ah?
"SHIT!" na malagkit.
Napamura na lang ako sa sobrang gulat ng may nalaglag na patay na usa sa harap ko. Kasabay non ay yung kasama kong tigre kanina. Kinagat nya itong muli para buhatin at ibinigay sa akin. Oh? Matalino kang pusa huh? I'll keep you then.
Naglakad kami upang maghanap ng mas malapit na ilog o batis para linisin ang usa at upang makain na din. Kinuha ko dalwang parte ng hita dahil kumbaga sa manok ay paborito ko ang parteng yon. Inihaw ko ito at ibinigay ang tira sa tigre.
"Hey!" tawag ko sa tigre na parang may sariling pagiisip at naiintindihan ang sinasabi
ko."This is for you. Thanks for bringing me food." sabi ko sa tigre na kala mo naman ay maiintindihan ako at inabot sa kanya ang bahaging nararapat sa kanya.
"Hmmmm. I'm thinking if I should give a name.!You like that?" tumingin ito sa akin at sumagot na akala mo ay parang tao na naiintindihan ako.
Siguro nga ay naiintindihan ako nito.
"Hmmm. I should start calling you Calcypher. You like that name?" The tiger just wag its tail like showing he's lovin' it.
Nang matapos ako sa pagiihaw ay kinain ko na ito agad. Busog na busog ako sa hita na iyon kaya may lakas na ako para maglakad.
Nang makainom ako ay nagsimula na kami maglakad ni Calcypher, medyo malayo layo na din ang aming narating.
Ngayon ay nagtatalo pa kaming dalwa kung saan dadaan dahil may dalawang daan ngayon. Ang isa ay malawak at maaliwalas ang isa ay makipot na medyo masukal.
Doon ako inaaya ni Calcypher dumaan sa makipot. Well gantong ganto mga napapanood at nababasa ko. Laging gusto sa makipot dumaan ng mga bida dahil andun daw ang tamang daan.
BINABASA MO ANG
At the end of summer: Ticket to another Dimension
FantasíaSebastian Miliano is an ordinary young football player. After graduating senior high school many big Universities are offering him big deals just to have him. Still confused in everything, his parents wanted him to study abroad. His mother eventual...