CHAPTER 3

41 4 21
                                    

NIKOLINE'S POV
“Nik, magbihis ka na magwawarm-up na tayo dali!” My bestfriend Elle told me at hinagis nya sakin ang bag ko.

“Thank youuu” I thanked her and immediately went to the comfort room to change my clothes.

Intramurals namin ngayon at part ako ng volleyball team ng batch namin. Lahat samin ay part ng vball team ng school years ago back when we were still in elementary but shits happened. Isa-isang nawalan ng gana at nagsi-alisan ang mga kasamahan namin hanggang sa pati ako, umalis narin. Things have changed. Hindi na kami varsity katulad noon but I know one thing is for sure, all of us still have this special place in our hearts. Only for this sport, volleyball.

Pagkatapos kong magbihis, I applied some tint on my lips and tied my hair into a ponytail. As if naman hindi to mawawala mamaya pag naglaro na ko. Wala lang, I just wanna look good pag umapak na ko sa court dahil nga maarte ako.

Nilapag ko sa sahig ng covered court ang bag ko. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko sa isang banda ang team naming nagsisimula na sa warm up kaya agad naman akong tumakbo papunta roon.

“Grabe ka naman Nikoline. Patapos na kami rito tapos kararating mo palang” Napailing ang team captain naming si Shana. Tinawanan ko naman sya at dali daling nagstretching para makahabol ako sa kanilang nakailang rounds nan ng jogging sa buong court.

After some warm ups, pumito na ang coach na syang magiging referee for this game kaya tumakbo naman kaming lahat papunta sa court at naghanda na. Ang iba ay uminom ng tubig habang ang iba ay nagtali ng buhok nila samantalang nasa referee ang captail ball para sa tossing ng coin.

“Guys first service atin” Sabi ni Shana saming lahat kaya napatango naman kami.

“Still the old placement ha” paalala nya at naglakad naman kami papunta sa pwesto namin.

Hinila ko pababa ang lastikong nakatali sa buhok ko. I let my long curly hair down and walked to my place as my hair swayed with me.

It’s my 6th year in high school at sanay na ang mga taong nakikita ang mahaba kong buhok. I’m known to be the only abnormal player na nakalugay ang buhok habang naglalaro making me weird in the people’s eyes but for me, this hair is my freaking lucky charm.

PRRRRTTTT!” We all heard the referee’s whistle and got into our game face

Game on” I whispered
-----------

“Congraaatsss!” sabay sabay kami na niyakap ng barkada namin ni Elle

“Wala parin talagang kupas ang team nyo” sabi ni Ria samin

“Lungkot nga eh, last na laro na naming to” napatingin naman ako kay Elle. Hindi lang pala ako ang nakaisip non

“Hep, hep bawal ang bad vibes guys. Tuloy ba tayo mamaya?” Napangiti naman ako sa tanong ni Maverick

“Oo naman sa bahay ni Ria tayo mamaya diba?” Tanong ni Lyka.

“Malamang eh sa bahay lang naman ni Ria pinapayagan ang lahat magsleep over” singin ni Grace kaya napatango naman kaming lahat.

Oo nga naman, saamin kasi, may tatlong strict ang parents and that’s Elle, Grace and Ria. Unti-unti napayagang naman nang magsleepover si Elle at Grace pero si Ria hindi parin kaya palaging sa bahay nya yung sleepover at mga kung ano ano pa.

Habang naglalakad kaming lahat papuntang canteen for lunch, naalala kong may ipapasa pa pala ako mamayang hapon.

“Guys, di pala ako makakasabay sainyo mamaya pauwi” I used the word pauwi because all of us refers to it as our second home.

Undestined FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon