Medyo madilim na at kabababa ko lang sa jeep and I decided to walk nalang since hindi naman sobrang layo ang lalakarin ko pauwi. I wonder if sya nga ba yung nakita ko sa school ni ate nakaraan. He looked and sounded so familiar tho.
While walking, I felt the cold wind blow my long hair away as I walk. Bahagya akong nairita nang maramdaman ko ang hangin sa noo ko. Ang hirap pa namang ayusin ng abnormal kong bangs. Huminto muna ako saglit at nagsalamin sa phone ko. Inayos ko ang bangs ko kahit alam ko namang liliparin parin to ulit ng hangin mamaya sa paglalakad ko. After fixing my bangs, nagsimula na ulit akong maglakad at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at nang tiningnan ko, may tumatawag kaya agad ko naman itong sinagot.
"Hello sino---"
"Si Lyka to tangina mo talaga Nik hahahaha. Sabi nang isave mo kasi. Asan ka na ba?"
"Malapit na ko kalma. Medyo traffic kasi kanina kaya natagalan" paliwanag ko
"Pwede ka bang dumaan muna ng grocery please? Mga abnormal kasi nakalimutan daw nila bumili ng pink gin kanina" naiiritang pakiusap ni Lyka kaya natawa naman ako ng bahagya. Hindi kasi talaga kumpleto ang inuman naming magkakaibigan pag walang pink gin.
"Sige sige. Ano pang kulang?" tanong ko pa
"Wala na ata Nik"
"Okayyy"
"Sige thank you. Ingat ka ha? Magtricycle ka nalang kaya. Madilim na Niks delikado nang maglakad" napangiti ako sa sabi nya. This girl is really sweet and caring.
"Hahaha! Okay ma'am noted po" I jokingly said and ended the call.
Agad naman akong naglakad palabas na naman ng subdivision. Malapit lang naman ang grocery store so it's fine with me. Habang tumatagal, mas dumidilim at mas lumalamig yata ang simoy ng hangin. I saw some leaves falling habang ang ibang tuyot na dahon naman ay nililipad palayo.
Matapos ang ilang minuto ng paglalakad, nakarating narin ako sa grocery store. Kinuha ko muna ang sweater ko at sinuot ito para maitago ang uniform ko at hindi masyadong mapaghalataang senior high pa lamang ako. Mahirap na, baka hindi ako makabili.Nag ikot ikot muna ako ng konti sa store at kumuha ng iilang chichirya para dagdag pulutan mamaya. Kinuha ko narin ang alak na dapat kong bilhin at dumiretso na sa counter para magbayad.
Habang nasa pila, itinali ko muna ang buhok ko para magmukha akong mas matanda ng konti at hindi ako paghinalaan ng babae sa cashier. I'm seventeen and some people would sometimes say I look older lalo na kapag nakamakeup but still, mas mabuti nang ganito.
Nang ako na ang susunod sa pila, agad ko namang nilapag sa counter ang mga bibilhin ko. I mentally smirked nang i-punch ng cashier girl ang alak. Agad naman akong nagbayad at napamura ng mahina nang makita kong umuulan pala. Wala akong payong dito tangina at hindi ako pwedeng magpa-ulan dahil kagagaling ko lang sa lagnat nakaraan. Lumabas ako ng grocery store at tumabi muna sa may silong dahil mukhang matatagalan pa yata bago tumila. Medyo malakas ang ulan at hindi naman ako pwedeng magtagal pa sa loob ng grocery store. Baka mamaya mapagkamalan pa kong kawatan o snatcher mahirap na.
Maya-maya, nagring ang phone ko dahil tumawag si Lyka na nagtanong kung nasaan na raw ba ako dahil umuulan at madilim na. I told them na inaantay ko pang tumila ang ulan at halos lahat ng tricycle na dumaraan ay may pasahero.
"Ria!" dinig kong sigaw ni Lyka sa kabilang linya
"Bakit?!" sagot naman nya
"Andyan na yata si ate oh. Dala nya yung sasakyan. Hiramin na muna natin para sunduin si Nik." Sabi nya
"Tanga alam mo namang wala sakin yung lisensya ko. Yung sayo ba?"
"Bobo syempre wala rin. Sabay kaya tayong nahuli ng pulis last week"
Natawa ako saglit sa usapan nila. 18 na sila kaya may lisensya silang dalawa para magdrive pero may katarantaduhan yata silang ginawa sa kalsada nakaraang linggo kaya ayun, Goodbye, license!
"Atee! Andun sa grocery store si Nikoline. Naabutan ng ulan eh. Sunduin natin sya, ikaw magdrive hehe" pina cute pa yata ni Ria ang boses nya para pagbigyan sya ng ate nya
"Kaya naman pala parang may kulang sainyo. Sige sige sunod nalang kayo mauna na ko sa kotse" narinig kong sabi ni ate
"Thaanksss" sabi ni Ria sa kabilang linya
"Nikoline" tawag ni Lyka "Girl, buhay ka pa dyan? Susunduin ka namin ha? Wait kalang dyan hahaha" napangiti naman ako sa sabi nya
"Sige sige. Thank youu. Ingat kayo" sagot ko
"Ingat ka rin. See yahh" she said and ended the call
Habang nag aantay sa kanila, I decided to take my earphones from my pocket dahil gusto kong making sa music. Napatingin ako saglit sa kalsada. The rain is pouring stronger than it is kanina. I scrolled through my playlist and clicked the song "Rain" by The Script. I scrolled through my facebook for a while at nang mamalayan kong malapit na ang chorus, I looked at the wet streets getting wetter because of the rain. Patuloy kong pinanonood ang bawat bagsak ng ulan habang medyo sumasabay sa pagkanta.
Cause baby, when you're gone all it does is rain, rain, rain down on me~
I lightly hugged myself. It's cold and the sweater I'm wearing isn't even helping me sweat my gosh. I felt some light spritz of rain on my face. It's a bit windy making me feel colder.
Each drop is pain, pain, pain when you leave~
Inalis ko ang tali ng buhok ko making my long curly hair flow down, This would help a bit in making me warm. Yah, a bit. Marahan kong nilibot ang tingin ko sa paligid baka mamaya masama na pala yung tingin sakin ng mga tao dahil umuulan na nga, kumakanta pa ko.
It's such a shame we fucked it up, you and me~
My eyes stopped when I saw familiar figure. Lumabas sya ng grocery store na nakasukbit sa balikat nya ang bag nya habang may dalang syang malaking plastic bag sa isang kamay na hatalang may lamang illustration board, cartolina at kung ano ano pang school supplies. Unlucky him, umuulan pa naman tapos puro kapapelan yata lahat ang pinamili nya. Nilibot nya ang tingin sa paligid at bahagya akong nataranta nang napadako ang tingin nya sakin.
What's happening to me? I don't even know him. Maybe I do but I'm not even sure about it.'Cause baby, when you're gone all it does is rain~
His eyes met mine and were glued to me. I feel like his stare is getting deeper into me sending shivers down to my spine. I feel like his eyes are pulling me closer to him. Fuck, this feels weird.
And it feels like Oh-oh-oh-oh-oh-oh Oh-oh-oh-oh-oh-oh~
I felt the cold wind blow which made my hair sway a bit. He was still looking at me intently like he has something to say. Kumurap ako ng ilang beses at yumuko na lamang. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.
And it feels like Oh-oh-oh-oh-oh-oh ~
"Hoyy, Nik!" Bahagya akong napatalon sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sigaw ni Ria at Lyka.
Sandali naman akong nataranta at agad kong kinuha ang plastic ng pinamili ko na nilapag ko sa bandang paanan ko kanina. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse dahil nga umuulan. Ria opened the car's door for me para mas madali.
Before going inside the car, I looked back hoping to see him again.
Cause baby, when you're gone, all it does is rain~
But he was no longer there
BINABASA MO ANG
Undestined Fate
Teen FictionNikoline Vegas fell for a stranger from another school whom she met online. After being in touch with this stranger for more than a year, it came out that still, Mr. Stranger wasn't ready to take things to the next level with her yet. The fact that...