CHAPTER 6

25 4 4
                                    

CHAPTER 6

NIKOLINE’S POV

Kauuwi lang namin sa bahay. Bumeso agad ako kay tita na mama ni Ria na minsan, tinatawag din naming
mama.

“Good evening po tita” magalang kong bati.

“Magandang gabi, iha. Oh nakabalik na pala kayo. Si Mae kararating lang din halos sabay lang kayo.” Sabi nito.

Mae is our friend from another group pero pag ganitong inuman, palagi syang sumasama samin. Maverick also belongs to the same group with Mae but at the same time kagrupo din namin sya. Close din naman yung barkada namin sa barkada nila pero iba parin talaga.

“Helloooooo!” hyper kong bati nang makapasok sa room.

“Naipasa mo ba yung project mo?” agad na tanong ni Elle na nagcecellphone sa gilid.

“Oo naman ako pa ba?” sagot ko na nag pa irap ng mata nya. Kinuha ko naman sa bag ang nabili kong pink gin at inilagay yung sa table na may mga alak at chips.

“Mae” tawag ko kaya napatingin naman sya sakin “paborito mo oh” tinuro ang pink gin na nagpatawa
naman sa mga kaibigan ko.

“Gaga hahahaha! Hindi ako malalasing mamaya no” natatawang sabi nya na ikinaangat naman ng mga kilay namin.

“Ah talaga?!” Ria said at nagkunwaring nagulat.

“Sus pupusta ako ng isang libo, bigla-bigla ka nalang iiyak mamaya” hamon naman ni Maverick sa kanya

“Grabe kayo sakin. Parang kayo di nalalasing ah?” Mae said

“Aba’t hindi naman talaga” Sabay naming sagot ni Lyka kaya pareho kaming natawa.

Palagi kasi pag inuman na, lahat sila nalalasing at kami palagi ni Lyka ang taga ligpit. Well, pwera nalang
kay Grace na hindi umiinom. Puro chuckie, softdrinks o gatorade lang ang tinitira dahil bawal uminom sa religion nila. Unang nalalasing palagi si Mae with matching drama drama pa. Natahimik naman ang tawanan namin nang may kumatok sa pintuan at bumukas ito.

“Ate, dinner na daw po sabi ni mama” it’s Ria’s younger brother, Leo. I think he’s maybe three years younger kesa saamin.

Napakagwapong bata. Naalala ko pa noong grade 10, nagrarant si Ria samin kesyo grade 7 palang daw
may ka iloveyou-han na sa video call, jusko buti pa yung bata.

“Sige sige lalabas na kami” sagot ni Ria sa kapatid at umalis naman si Leo

“Ano kayang ulam ngayon? Sana yung burger steak na palaging niluluto ni tita.” narinig kong bulong ni Grace.

Lumabas naman kaming lahat sa kwarto at pumunta na sa hapag kainan. Napatingin agad ako kay Grace na kumikinang na ang mata nang makita kong may burger steak sa table.

Naupo kaming lahat along with tita, ate Lia at Leo. We ate our dinner together habang nagkukwentuhan
at tawanan. Around 8:30 na nang matapos kaming kumain at bumalik kaming lahat sa kwarto.

“Maliligo na muna ako ha” tumango naman silang lahat sakin.

Grace, Lyka, Ria and Maverick are seated at nag-uusap habang nakahiga naman si Elle at Mae sa kama at  nagcecellphone. Kinuha ko ang towel at pampalit ko sa bag. Kinuha ko narin ang phone ko at dumiresto na sa banyo na katabi lang naman nitong kwarto. Nagreply muna ako sa text ni papa bago tuluyang pumasok sa banyo. I played some music while taking a cold bath. Ugali ko nang magpatugtog pag naliligo lalo na kung gabi. Medyo creepy kasi kung tahimik. After 5 songs, natapos din ako. Nagpatuyo ako at nagbihis bago bumalik sa kwarto.

Pagpasok ko palang ay sumalubong na agad sakin ang super tawanan nilang anim.

Tinupi ko agad ang
uniform na suot ko kanina at inilagay iyon sa bag ko.

Undestined FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon