Kabanata 9

2.5K 99 17
                                    

Kabanata 9
Kasalanan

"What was that?"

Pinanlakihan ako ni Nathalia ng mga mata niya at nasa mukha niya pa ang pagkalito. Matapos ang ginawa ni Sev.

Nagkibit balikat naman ako.

Mukha namang nantitrip lang si Sev at ang mga kaibigan niya. Nagkataon namang ako ang napagtripan nila. Kaya lang, hindi nila natuloy ang pantitrip nila dahil siguro ay narealised nila na boring pala akong pagtripan.

"Tara na. Akyat na tayo."

Mukhang wala sa sarili si Nathalia at malalim ang iniisip nang hawakan ko siya sa pulsuan niya at hinila. Walang imik naman siyang nagpatianod sa panghihila ko.

"Nathalia!"

Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Sabay din kaming napalingon dito ni Nathalia.

Paglingon ko ay nakita ko si Vincent. Ang prince charming ng buhay ko. Hindi ko naitago ang ngiti ko nang masilayan siya, pero nang makita ko na may kasama siyang babae ay napawi agad iyon.

Itatanong ko na sana kay Nathalia kung sino ang kasama ni Vincent pero habang papalapit sila ng papalapit ay unti-unti rin lumilinaw sa akin ang itsura ng babaeng kasama niya at nang ilang hakbang na lang sila sa amin ay napabuntong hininga ako at muling napangiti.

No need to worry, Sybelle. Hipag mo 'yan.

But why is Vietta Escarcega here and she's wearing our uniform?

"Ipapasabay ko lang sana sa inyo ang kapatid ko. Kaklase rin kasi natin siya. May saglit na meeting pa kasi ako sa glee club, mauna na kayo." Nagmamadaling tumakbo si Vincent palayo sa amin at iniwan ang kapatid niyang tinitignan kami mula ulo hanggang paa.

"H-Hi!" bati ko kay Vietta.

She smiles at me. "Hello. Ako nga pala si Vietta Escarcega." nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Sybelle Menorca." nahihiyang pakilala ko naman sa kanya nang makipag kamay ako.

"Nice to meet you, Vietta. Ako naman si---"

"Kilala na kita." nakangiting putol ni Vietta kay Nathalia. Napakahinhin at kalmado ng boses ni Vietta. Para siyang isang totoong prinsesa.

"Ikaw si Nathalia." anito. "Tama ba ako?"

"A-Ako nga."

"Maganda ka nga." sabi pa nito. "Let's go. Baka nasa classroom na ang teacher natin." yaya niya pa sa amin.

Nauna pa nga itong maglakad dahil nagkatinginan pa kami ni Nathalia. Nagtatanong ang mga tingin namin sa isat-isa.

"Sa pagkakaalam ko ay sa maynila ka nag-aaral, Vietta. Bakit mo naisipang lumipat dito?" tanong ni Nathalia sa kapatid ni Vincent habang umaakyat kami sa hagdan.

"Narealised ko kasi na mas masaya rito sa Pan De Azucar." tipid na sagot nito.

Gusto ko rin sanang magtanong kay Vietta pero sa nakikita ko ay mukhang mas palagay ang loob niya na makipag-usap kay Nathalia, kaya hindi na lang ako umiimik at nakikinig na lang ako sa kanila.

Pagdating namin sa classroom ay napatingin kay Vietta ang lahat. Namamangha at nagtatanong ang mga tingin ng mga classmates namin sa kanya.

"Saan ang upuan ni kuya rito?" tanong ni Vietta sa amin.

"Doon." turo ni Nathalia sa upuang nasa tabi ng bintana sa kanan.

Mahinhing naglakad si Vietta patungo sa upuan ni Vincent.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon