Kabanata 17

2.5K 110 54
                                    

Kabanata 17
Ulan

Kababagsak lang ng malakas na ulan ngayon habang patungo ako sa eskwelahan. Ngayon pa naman ang nakaplanong advance birthday celebration ni Redentor, kasama kami. Sana ay huminto na ito mamaya ng hindi mapurnada ang lahat. Ilang araw pa naman ang hinintay ko, dumating lang ang sandaling ito. Excited kasi ako na mas maraming malaman tungkol sa pamilya ni Redentor. Handa na nga ang mga tanong sa utak ko.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito ako ka-curious sa mga Escarcega at Urquidez. Para bang may kung anong nagtutulak sa akin na kilalanin sila. Hindi ako mapapanatag ang kuryosidad ko hanggat hindi nagiging malinaw sa isip ko ang mga nakatagong katanungan dito.

"Ilabas mo muna ang payong mo, Sybelle." ani mang Arman.

Kinuha ko naman ang pula kong payong sa backpack ko at saka lumabas sa tricycle niya.

"Salamat, mang Arman. Ingat po."

Habang papasok ako sa main gate papunta sa mahabang hallway na may bubungan at konektado sa main building. Nakita ko si Sev na nagmamadaling itinutulak ang motorbike niya papasok sa mas malaking gate na nakabukas, para sa mga papasok na sasakyan.

Nahabag ako sa kalagayan ni Severino. Nababasa na siya ng ulan. Sa pag-aasam na makatulong ay tumakbo ako para habulin siya.

Hinihingal ako nang maabutan ko si Sev at isukob siya sa payong ko.

Kunot naman ang noo niya nang lingunin ako, pero dahan-dahang napalitan ng gulat ang expression sa mukha niya nang makita niya ako. Huminto si Sev sa pagtutulak ng motorbike niya at gulat na tinitigan niya ako habang nakaawang ang kanyang bibig.

Nginitian ko naman siya.

"S-Salamat." aniya habang tinitignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

"Lumalakas na ang ulan, Sev. Itulak mo na iyan." natatawang sabi ko sa kanya.

Tila wala sa sariling ipinagpatuloy naman ni Sev ang pagtulak sa motorbike niya.

"Ano ba ang nangyari dyan?" tanong ko.

"Tumirik nang papasok na ako ng gate. Badtrip nga di pa ako pinasilong. Bulok na kasi to, eh."

Ngumiti ako at tinignan ang motor niyang marami ng gasgas.

"Obvious nga."

Sinamahan ko si Sev hanggang sa maiparada niya ang motorbike niya at sabay na rin kaming naglakad sa hallway. Pansin ko pa nga ang ilang nakatambay roon na napapatingin sa amin.

"Sana huminto na'to mamaya, no? Diba, ngayon pa naman ang advance birthday celebration ni Redentor."

"Kaya nga, eh. Pero umulan o umaraw man, tuloy iyon."

"Paano? Mababasa tayo." nababahalang tanong ko.

Umangat ang isang sulok ng labi ninSev. "Hindi ka ba handang mabasa? Maliligo rin naman tayo sa ilog mamaya." aniya.

Saglit akong napatitig sa mukha niya nang muling magpakita ang biloy niya sa kaliwang pisngi. Kinagat niya pa nga ang ibaba at mamulamula niyang labi. Sinuklay niya rin ang kanyang mga daliri sa medyo basa niyang buhok, bago siya namulsa. He looks more attractive in his slightly wet hair, na naka slicked back ng bahagya dahil sa pagsuklay niya roon kanina.

"Handa ka na bang mag over the bakod?" tanong niya sa akin. Dala pa rin ang maganda niyang ngiti.

Nahihiyang nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Kung hindi ko iiwas ay baka matulala na lang ako sa gandang lalaki nitong si Severino Roa.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon