Kabanata 7

2.8K 94 7
                                    

Kabanata 7
Hatid

"Talaga bang hanggang dito lang tayo?" ngumuso ako at ipinungay ang mga mata ko kay Sev. Nagbabakasakaling mahikayat ko siyang pasukin namin ang daan patungong Villa Escarcega.

Narito kami ngayon sa dulo ng rancho. Sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Nakaupo kaming pareho sa damuhan, si Sev na nakasandal sa puno at ang dalawang kamay ay nakaunan sa kanyang ulo, ako naman na karga si Purita at pinaiinom ito ng gatas. Ang mga tupang ipinapastol naman ni Sev ay nagkalat sa mapayapa, luntian at malawak na lupain ng mga Escarcega.

Mula rito sa kinaroroonan namin ay tanaw ko ang itim at malaking bakal na gate, patungo sa Villa Escarcega. Wala namang nagbabantay doon at hindi rin naka lock iyon kaya palagay ko ay pwede naman kaming pumasok ni Sev.

"Pumasok na tayo roon," inginuso ko sa kanya ang gate. "Wala namang nagbabantay." sabi ko pa.

"Hindi nga pwede. Piling bisita lang ng pamilya ang pwedeng makapasok diyan. Kung wala kang imbitasyon, wala kang karapatang pumasok. Kahit nga ang ilang tagasilbi nila sa Casa ay hindi pa nakapasok d'yan."

"Hindi naman tayo, papasok mismo sa Villa. Sa labas lang tayo. Gusto ko lang naman iyon makita."

"Kahit na. Hindi pa rin pwede. Mahigpit na ipinagbabawal sa sino man, na pumasok sa gate na iyan ng walang pahintulot."

"Classmate naman ako ni Vincent!"

Tumaas ang isang kilay ni Sev. "And so? May imbitasyon ka ba na magpapatunay na pwede kang pumasok sa Villa nila?"

Inirapan ko siya. "Bakit ikaw? Paano ka nakapasok sa Villa?"

"Alam mo, Sybelle. Ang---"

"Teka!" pinutol ko ang sasabihin niya at nagtatakang tinignan ko siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi pa naman tayo pormal na nagkakakilala."

"Narinig ko lang na iyon ang itinawag sa iyo ni Nathalia, kaya ko nalaman." paliwanag niya. "Ikaw din naman, kilala mo na ako kahit hindi pa naman tayo pormal na nagkakakilala."

"Parati rin kasing binabanggit ni Nathalia."

Gusto ko sanang sabihin kay Sev na gusto siya ni Nathalia pero baka hindi magustuhan ni Nathalia iyon, kaya nanahimik na lang ako.

"Ipinatawag noon ni Don Octavio ang nanay at tatay ko kaya ako nakapasok sa Villa." si Sev na nakatingala sa kulay kahel na kalangitan.

"Itinuturing na matapat na tauhan ng don ang nanay at tatay ko. Inatake sa puso 'non si Don Octavio at kasalukuyan siyang nagpapagaling. Mahina ito ng mga panahon na iyon at dahil mukhang napakaimportante ng iuutos nito sa mga magulang ko, pinapunta niya ang mga ito sa Villa at isinama naman nila ako."

"Ilang taon ka 'non?"

"Sa pagkakatanda ko ay nasa siyam na taon pa lang ako."

"Kamusta na si Don Octavio ngayon?"

"Matanda na pero kapag nakikita ko siya ay para bang ang lakas niya pa rin. Wala rin akong nababalitaan na inatake siya ulit."

Tumingin ako sa malayo. "Gusto ko makita ang Villa Escarcega."

"Bakit ba gustong-gusto mo makita iyon?"

"Kinuwento mo kasi sa akin, kaya nacurious ako."

"Sa totoo lang, kahit ako ay gusto rin makabalik ulit sa Villa Escarcega. Maghihintay na lang ako ulit ng pagkakataon."

Tumingin sa malayo si Sev. Ako naman ay napatitig ako sa kanya.

Bahagyang nakabuka ang bibig niya at ang kanyang panga ay mas lalong nadepina nang umigting iyon. Ang tangos din ng kanyang ilong at ang mga pilik mata niya ay makakapal na mahaba. Ruggedly handsome as hell.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon