Kabanata 32
Desisyon
Sa takot ko ay mabilis akong tumalon sa tubig ng hindi hinuhubad ang suot ko. Useless lang din ang pagsisid ko dahil wala akong makita sa ilalim ng tubig.
Shit!
"Severino! Diyos ko po, Sev! Nasaan ka?" naiiyak kong tinawag siya habang nagpapaikot-ikot ako sa gitna ng ilog. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hush."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at napapikit nang maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Ipinatong pa nga niya ang baba niya sa balikat ko at saka banayad na hinalikan ako roon.
Tuluyang naglaho ang kaba sa dibdib ko, ngunit kasabay ng ginhawang naramdaman ko ay ang pagbagsak ng mga luha ko bunga ng kaligayahan at kapanatagan.
Takot na takot ako kanina. Para akong nawawalang batang hindi alam ang gagawin.
Dahan-dahan akong humarap kay Severino.
"Sorry." aniya habang namumungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka sinampal.
"Wala akong sakit sa puso pero feeling ko aatakihin ako sa sobrang takot kanina. Hindi magandang biro iyon, Severino!" bulyaw ko sa kanya.
Ikinulong naman ni Sev sa mga palad niya ang mukha ko. "Sorry na." malambing niyang sabi.
Nakakainis dahil gusto ko pa siyang sermunan, kaso sa pinapakita niyang pagsusumamo sa akin ay parang gusto ko na lang kalimutan iyon.
"Hindi ko naman ineexpect na iiyak ka." dagdag pa ni Sev.
"And what did you expect? Tatawa ako? Sev, kung alam mo lang...Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kapag nawala ka."
Hindi umimik si Sev. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito.
Umigting ang kanyang mga panga at kinagat niya ang ibaba niyang labi. Ang mga mata naman niya'y mariin na nakatutok sa mga labi ko. Para bang may pinaplano siyang kung ano rito.
At hindi nga ako nagkamali nang bigla ay siniil niya ako ng halik. It wasn't just an ordinary kiss. Mapusok ang halik na ito, malalim na parang hinihigop niya ang hininga ko at ang dila niya ay nasa loob ng bibig ko, itinutulak ang dila ko na para bang gustong makipaglaro. Naaamoy ko ang alak sa hininga ni Sev, but that doesn't stop me to kiss him back.
Isinampay ko sa batok niya ang mga kamay ko habang nararamdaman ko naman ang pagdiin niya ng katawan ko sa kanyang sarili. Sa puson ko ay nararamdaman ko ang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita. Tila tinutusok ako nito.
"Sev..." hinihingal na lumabas sa bibig ko ang pangalan niya habang pinapakatitigan ko siya.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang magkalas ang mga labi namin. Parang natuyo ang lalamunan ko sa paraan ng paghalik na iginawad niya sa akin at itinugon ko.
Napakabilis ng pintig ng puso ko at kahit nakababad kami sa malamig na tubig at umiihip ang malamig na hangin. Nangibabaw ang init sa buong sistema ko.
Init na nagmumula sa nag-aalab naming damdamin. At sa mga nagliliyab na mata ni Sev na nakatitig sa akin.
Muling umigting ang kanyang mga panga at kinagat niya ang ibaba niyang labi at saka niya ako binuhat.
Ipinulupot ko naman sa baywang ni Sev ang mga binti ko at saka niyakap ko siya.
Umahon kami ni Sev sa tubig ang buhat-buhat niya ako at sa isang malapad at malaking tipak ng bato ay dahan-dahan niya akong hiniga roon.
BINABASA MO ANG
Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)
General FictionKatakot takot na protesta ang ginawa ni Sybelle sa mga magulang niya para lang wag siyang ipadala sa probinsya ng mga ito. Pero ang ama niya ang batas and whether she like it or not, she will be staying with her lola. Pero magbabago ang tingin niya...