EVIL RHEA

229 12 1
                                    

WEDNESDAY 7:00 AM

Pagkatapos ng trabaho ni Sandro ay agad naman din syang dumidiretso umuwi para maka-kain at makatulog din agad. Pagbaba sa sakayan ng jeep ay naglalakad sya ng mga ilang minuto din bago nya marating ang inuupahang boarding house. May pinapasukan sya na isang maliit na eskinita na madaming tao kahit na anong oras. May mga nagtitinda ng ihaw-ihaw sa gabi at sa umaga naman ay may mga nagtitinda ng mga pang-almusal katulad ng lugaw, champorado, sopas. Madaming sari-sari store at mga nagdadaanang mga tricycle.

Kahit ganun kagulong tingnan ang kanilang lugar ay wala naman mga gulo o krimen na nangyayari dito. Pangkaraniwan ng mga tao dito ay mga nangungupahan lang din.

"Excuse me, kuya." Isang mahinang tinig mula sa kanyang likuran. Nang kanyang lingunin, ito ay galing sa isang babae. Babae na para sa kanya ay pamilyar.

Sandro: Yes?

Rhea: Kuya, alam mo ba kung may nagtitinda ng pandesal dito? Bago lang kasi ako.

Sandro: Ah, oo. Dun sa kabilang kanto. Tara samahan kita, bibili din ako eh.

Rhea: Ay sige. Salamat.

Habang sila ay naglalakad, di mapigil ni Sandro na tumingin sa kanyang katabi. Isang babae na maputi, di katangkaran, mapayat ang pangangatawan, makinis, straight na itim na itim ang buhok, isang magandang babae.

Sandro: Ako pala si Sandro. Umuupa ako sa boarding house sa gawi dun.

Rhea: Hello po, I am Rhea. Dun din ako malapit umuupa. Nagwowork ako sa mall dyan sa tapat.

Sandro: Ah, malapit lang pala.

Pagkabili ay agad din sila dumiretso umuwi.

Rhea: Sandro, pwede makuha number mo? Wala pa kasi ako kilala dito.

Sandro: Ah, oo. Sige.

Matapos magpalitan ng number ay nahalata ni Sandro na may something sa ngiti ng babae. Alam na nya ang susunod dito.

Pagkatapos nyang kumain ng pandesal ay agad na din syang nagsipilyo at naghillamos ng mukha para mahiga at magbrowse sa cellphone bago matulog.

Maya-maya pa ay nagtext na si Geneva sa kanya.

Geneva: Hello, babe. Nakauwi ka na?

Sandro: Oo, nakahiga na din.

Geneva: Ano kinain mo?

Sandro: Pandesal.

Geneva: Pagkain ba yan? Pang-bata lang yan. Dapat kasi dito ka na umuwi.

Sandro: Ano ka ba, okay to. Gusto ko din talaga umuwi dito.

Geneva: Bakit? Siguro may magandang babae dyan?

Nanlaki ang mata ni Sandro. "May CCTV ba dito? Ang tindi neto ah." Bulong nya sa sarili.

Sandro: Madami. Hahaha!

Geneva: Pero mas maganda ako.

Sandro: Sabi mo eh. Hahaha!

Geneva: Nakaka-insulto yung "haha" ah!

Sandro: Sorry. Natawa lang. Sleep na ako. Good night.

Geneva: Good night lang?

Sandro: Super good night!

TRANSGINGER (The Transgender Mistress) [Completed]Where stories live. Discover now