Prolouge

455 29 16
                                    

Masaya siyang naglalaro sa damuhan kasama ang kanyang kaibigan na limang taon ang tanda sakanya. Abot tenga ang kaniyang ngiti habang pinaglalaruan ang mga bulaklak na pinitas nila.

Napakaganda ng panahon. Asul ang langit at malamig ang simoy ng hangin.

“Akin na.” Wika ng nakatatandang lalake.

Iniabot nya sa kanyang kasama ang bulaklak na pinagdugtong-dugtong nya.

Ngumiti ang batang lalake habang hawak-hawak nito ang bilog na pinagsama-samang bulaklak na galing sa kaniyang kasama. Inilagay nya ito sa ulo ng nakababatang babae. Lumaki ang ngiti nito at sinabing, “Ang ganda.”

“Talaga?” Tanong ng limang taong gulang na batang babae habang nakahawak ito sa bulaklak na nasa ulo nya.

Tumango ang lalake. “Muka kang prinsesa.”

Ngumiti ang batang babae at kinuha ang isa pang nakabilog na bulaklak at inilagay sa ulo ng nakatatandang lalake. Bahagya muna itong tumawa bago sinabing, “Muka ka ng prinsipe.”

Nagtawanan ang dalawa at tumayo ang batang lalake. Nag-bow ito. “Kung ganon, maari bang makasayaw ng prinsipe ang prinsesa?”

Muling tumawa ang batang babae at hinawakan ang kamay ng kalaro. Tumayo ito at ngumiti ng abot tenga. “Masaya ang prinsesa na makasayaw ang kanyang prinsipe.” Wika nito na parang tumutula.

At muli, nagtawanan ang dalawa bago sumayaw sa isang tugtog na tanging silang dalawa lamang ang nakakarinig.

“Kuya Jake,”

“Hm? Bakit?”

“Promise mo di mo ko iiwan.”

Ngumiti ang batang lalake at hinalikan ang noo ng kasayaw na babae. “Promise ko, hindi kita iiwan kahit tumanda tayo.”

Isang napaka-init na ngiti ang gumuhit sa maamong muka ng batang babae.

Subalit makalipas ang limang taon,

“Ayokong umalis!” Sigaw ng batang babae bago ito lumabas ng kanilang bahay at tumakbo patungo sa isang pampublikong hardin. Ngunit bago pa man ito makarating sa nasabing lugar ay bumanga ito sa isang lalaki na tila kagagaling lamang sa eskwelahan.

“Oh, bakit ka umiiyak?” Tanong ng lalaki.

“Kuya Jake,” Iyak nito habang niyakap ng mahigpit ang nakatatandang lalake. “Ayokong umalis.”

Hinawakan ng nasabing lalake ang ulo ng babaeng nakayakap sakanya at ngumiti. “Pero kailangan nyong umalis.” Wika nito. “Wag kang mag-alala, balang araw bibisitahin ko kayo sa bago nyong lilipatan. It’s not like you’re going out of country. Pag-graduate ko ng highschool, promise pupuntahan kita.” Tumingin ang nakababatang babae sa yakap nitong lalake. “Oh, wag ka ng umiyak.” Pinunasan nito ang basang pisngi ng babae gamit ang kamay nya.

“Promise pupunta ka samin?” Tanong ng babae habang bahagyang suminok dahil sa pag-iyak.

“Oo naman, ikaw pa. Ikaw kaya ang the best younger sister princess. Hindi ko kakayaning mawala ka ng matagal sa tabi ko.” Sagot nito bago halikan ang noo ng nakababatang babae.

Bahagyang ngumiti ang babae. “Hihintayin kita.” Mahinang wika nito.

Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon