Chapter 2

305 22 24
                                    

I dedicate this to her because she's the first one who commented on the first chapter.

Thank you very much. :)

Read her stories too, they’re good I swear.

____________________

Chapter 2

Muling sinilip ni Darlene ang lalaking nakahiga sa damuhan habang sya ay nagtatago sa likod ng puno.

Papano?

Papano sya magpapasalamat?

Ano ba ang dapat nyang sabihin?

She knows she’s a very awkward person. Hindi sya talkative nor she’s even friendly. She just wanted to thank him.

Would a simple thank you be enough?

Maybe.

Muli nanaman itong tumingin sa bago nyang kaklase.

‘Eh? Ang daming pusa.’

Bukod sa limang pusa na nakapalagid sa lalake ay may mga lumalapit pang iba at tila gustong-gusto ito ng mga nasabing hayop.  It was the first time she’d seen a man playing with so many cats. Hindi niya makita ang expression ng muka ng lalake ngunit sa tingin naman niya ay mas kalmado ito ngayon kumpara sa una at pangalawang beses nyang kita dito.

Siguro nga ito na talaga ang tamang panahon upang makapagpasalamat siya.

Then, slowly, while holding two cans of coke, she walked towards the guy who seemed to scare everyone except those cats.

Kaya lang habang siya ay naglalakad, nadapa siya.

Nadapa siya.

 

Nadapa siya.

 

Nadapa siya.

Ang lampa niya shet. >.<

At kahit gusto man nyang makipaglaro sa mga pusa ay nagsi-alisan ang mga ito dahil sakanya.

Lingid sa kanyang kaalaman ay nakatingin na sakanya ang lalaking kulay itim ang buhok.

Mabilis syang umupo at kinuha ang mga nalaglag na coke. “Aray.” Bulong nya habang papaupo.

Tumingin siya sa lalaking gusto nyang makausap at doon nakita nyang ito ay nakatingin rin sakanya. Tila nagulat ang lalake na makita ito, nanlalakihan ang mga matutulis na mata at tanging nakatingin lamang sakanya.

Bahagyang ngumiti si Darlene sa lalake at tumayo. Nang makatayo ay nag-bow ito. “H-hi.” Mahinang wika nito.

Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon