Chapter 1

315 20 27
                                    

Chapter 1

“Shit.”

Late nanaman sya.

Ang pangalan nya ay Darlene Anne Salvador. Isang senior high school student sa pribadong eskwelahan na nagngangalang Lacie Academy.

Dali-dali itong tumayo at nagtungo sa kanyang paliguan. Nag-toothbrush sya, naligo at nagbihis. Muli itong tumingin sa kanyang relo.

“Shit. Shit. Shit.” Pagmamadali nito habang sinusuklayan ang mahaba at diretso nyang itim na buhok.

Makalipas ang ilang minutong pag-aayos sa sarili ay tumakbo ito patungo sa baba ng kanilang bahay at nagpunta sa hapag kainan. Kumuha sya ng isang pirasong tinapay at dali-daling lumabas ng bahay. Walang nagawa ang magulang nito kundi umiling at magpatuloy sa pagkain. Tila napapadalas ang pagiging late ng kanyang panganay at alam nyang hindi ito makakabuti para sakanya. Kung tutuusin ay nauuna pang umalis ang nakababata nitong kapatid na ngayon ay nag-aaral bilang isang freshman sa kaparehang eskwelahan.

____________________

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at pumasok, nagdadaasal na sana ay magmistulang invisible muna sya hanggang sa makaupo sya sa kanyang pwesto.

“Ms. Salvador, you’re late. Again.”

Napahinto sa paglalakad ang nabanggit na estyudante at dahan-dahang lumingon sa guro nito. Namula ang muka nito ng marinig nya ang mahina at palihim na pagtawa ng kanyang mga kaklase. “S-sorry po ma’am.” Mahinang wika nito.

“Sige na umupo ka na.”

Mabilis na umupo si Darlene sa kanyang pwesto at nagbuntong hininga.

“Late ka nanaman.” Bulong ng katabi nito na nagngangalang Leila.

Muling nagbuntong hininga si Darlene. “Hays, oo nga.” Sagot nito sabay dukmo. “At inaantok pa ko.”

“Class, magkakaroon pala kayo ng bagong kaklase. Wala pa siya pero sa tingin ko pamayamaya ay parating narin iyon.” Sakto namang bumukas ang pinto katapos magsalita ng guro. “Oh, nandito na pala-“ Napatigil ang guro sa pagsasalita at tila namutla habang pinagmamasdan ang nasabing bagong estyudante na papasok sa loob ng silid-aralan.

Kaparehas ng guro ay lahat din ng kanyang mga estyudante ay natahimik at tila namutla sa takot nang makita ang lalaking pumasok sa loob ng silid-aralan.

Lahat ng estyudante pwera kay Darlene na nakadukmo parin.

Pamaya-maya ay tila naramdaman ni Darlene ang kakaibang tahimik na bumabalot sa silid-aralan kung kaya’t itinaas nito ang kanyang ulo at doon nakita nya ang isang lalakeng nakatayo sa harapan at tila nakatingin rin sa kanya. Lumingon si Darlene sa kanilang guro at napansing ito ay namumutla rin kagaya ng kanyang mga kaklase. Anong meron? Multo?

Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon