I Love You, Good Bye

34 2 0
                                    

To: My Angel

 

Gel, pwede ko na bang buksan 'to?

______________________________________

Hindi ko na siya nahatid pauwi dahil nag-insist sya na huwag na daw tska matatagalan daw sila. May kasabay naman din daw sya sa paglalakad. Actually, kanina pa ko nakauwi eh. Nagaalala tuloy ako sa kaniya. Hay. :(

______________________________________

2 Message Received

 

From: My Angel

 

Sige.

------------------------------------------------------------------

From: My Angel

 

AY! Bahala ka na po. Ge, tulog na ako ah. Lalabsyu! :*

 

________________________________________

To: My Angel

 

Okay. Lalabsyutu! <3

________________________________________

At doon na natapos ang usapan namin nang araw na iyon. Hinawakan ko yung box na nasa harap ko. 

"Hoho! Pwede na kitang buksan."-sabi ko at akmang bubuksan na sana ang takip pero something hit me. May pumigil sakin na kung anoman na huwag buksan iyon. Ano na naman bang kaartehan nasa isip ko? -_-

"Sabi naman niya bahala na ako eh."-sabi ko nalang at tsaka natulog. In short, di ko binuksan. Tinabi ko nalang siya sa cabinet ko.

*Kinabukasan*

"Goodmorning po Tita. :)"-bati ko sa Mommy ni Angel na future Mommy ko na din :D

"Goodmorning din. Oh umupo ka muna diyan at maghahain ako."-aya ni Tita.

"Hindi na po Tita. Tapos na po ako. Si Angel po?"-tanong ko.

"Huh? Eh diba sabay kayo laging pumasok non?"-tanong niya.

"Opo. Bakit po?"-tanong ko pabalik.

"Eh Kanina pang umaga umalis eh."-sabi pa niya.

"Po? Eh 5:30 palang po ah. Aga naman nun. Tsaka wala po kaming usapan na maaga papasok eh."-sabi ko at napakamot sa batok ko.

Biglang tumunog yung cellphone ko.

"Sagutin mo na yan. Baka si Gel na yan."-sabi niya at tinap niya ang balikat ko. Agad ko namang sinunod si Mommy e-este Tita. Sinagot ko ang tawag.

"Andrei! Angel mo!"-sabi sa kabilang linya kaya agad akong nagatubiling tumakbo papuntang school.

Takte! Anong nangyare sa Angel ko?

</3

 

Hintayin mo lang ako Angel.

Hintayin mo lang ako.

I Love You, Good Bye (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon