Third Person's POV
Kinabukasan, natanggap na ni Angel ang balita. Wala na si Andrei. Umalis na siya. Pero kahit na hindi siya nakapag-paalam kay Angel. Masaya pa rin siya para sa boyfriend. Masaya siya dahil kahit magkakalayo man sila. Alam niyang may patutunguhan ang pagtitiis nilang dalawa. Pero sa isip isip ni Angel.
"Bumalik ka sana mahal ko."-nasabi na lang niya at hindi na napigilan pang mapaluha.
Nalaman din niyang inalisan ng connections si Andrei mula sa kaniya.
"Kaya pala hindi na siya nagre-reply sa mga emails, and chats ko. Blocked na pala lahat ng account na meron siya. Salamat sa pagbibigay ng info, kuya ah."-sabi ni Angel sa kuya ni Andrei.
"Sorry Angel ah. Sige una na ko."-sabi nito at umalis na.
Araw araw, gabi gabi. Umiiyak si Angel. Minsan nga ay hindi na siya kumaikain. Pero isang beses, kinausap siya ng mommy niya.
"Anak, alam mong hindi magugustuhan ni Andrei kung magiging ganiyan ka. Nangangayayat ka na oh. Hindi mo ba naisip na baka maturnoff siya sa'yo kung makita ka niyang ganiyan?"-tanong ng mommy niya sa kaniya.
Simula noon, kumain siya ng kumain. Mas gumanda siya dahil nagkaroon na siya ng laman. Mas naging mukha siyang anghel dahilan para ligawan siya ng nakararaming kalalakihan. Mayaman man ang mga ito. O sadyang gwapo man ay tinanggihan niya.
Dahil para sa kaniya. Iisa lang ang kaniyang mamahalin. At si Andrei lang iyon.
Lumipas ang mga taon. Wala pa din silang koneksiyon ni Andrei. Gayunpaman, hindi pa rin tumigil ng pagmamahal si Angel kay Andrei. Pilit niyang inaalala ang pinangako niya kay Andrei na hihintayin niya ito at iintindihin. Marami mang lumapit sa kaniya at mag-alok ng isang relasyon. Tanggi pa rin ng tanggi si Angel. Dahil nga mahal niya si Andrei. Hindi pa rin siya tumatanggap ng ligaw kahit na may trabaho na siya.
At isang gabi, pinuntahan siya ng isa niyang katrabaho na patay na patay sa kaniya doon sa kaniyang tinutuluyang apartment. Ngunit hindi niya ito nilalabas kahit na magwala man ito doon.
"Angel, please. Tanggapin mo na ang pagmamahal ko para sa'yo."-sigaw nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na may boyfriend na ko!''-sagot naman niya dito.
"Boyfriend? Pano mo masasabing boyfriend mo yun kung ilang lumipas ng taon wala siya sa tabi mo? Hindi mo ba naisip na baka nakalimutan ka na non!? Wala nga kayong komunikasyon diba?"-sabi naman nito.
Nasaktan si Angel sa narinig. Gayunpaman, nanatili ang pagmamahal niya para kay Andrei.
"Kahit malayo siya sakin. Alam kong ako pa rin ang mahal at mamahalin niya. Nangako kami sa isa't isa."-sagot niya pa pero may halo nang luha iyon.
"Sorry."-sabi ng lalaki at tuluyan nang umalis.
Napahagulgol naman ng iyak si Angel at napaupo nalang habang nakasandal sa may pinto.
Nagpatuloy ang buhay ni Angel. Kinakalimutan ang mga nakakalungkot na pangyayari. Ngunit di kinakalimutan si Andrei. Dahil para sa kaniya. Si Andrei ang pinakamgandang nangyari sa buhay niya.
Pilit niyang pinasasaya ang buhay niya.Sumasama siya sa mga kaibigan niya sa mga gimik. Sa tingin niya makatutulong ito upang guminhawa naman kahit papano ang dibdib niya.
Pero nitong isang beses... hindi naging maganda ang naging sitwasyon.
______________________________________________________________________________
*PRESENT TIME
(Andrei's POV)
Kay tagal nang panahon ang nagdaan. At handa na akong harapin siya ulit. Tama. Uuwi na ko sa Pilipinas. Nagaral ako ng mabuti para makuha ko ang gusto kong trabaho. Nagtrabaho din ako nang mabuti para maging maayos naman ang buhay namin ni Angel. Oo, plano ko na talaga siyang pakasalan sa paguwi ko. Excited na nga ako at miss na miss ko na talaga siya.
Namiss ko ang lahat lahat sa kaniya. Namiss ko yung ngiti niya. Namiss ko yung tawa niya. Namiss ko yung mga banat lines niya. Namiss ko yung mga surprises niya. Namiss ko yung mabango niyang buhok. Namiss ko yung mala-anghel niyang mukha. Kamusta na kaya sya?
"Huwag kang mag-alala Angel. Babalik na ko sa'yo."-nasabi ko nalang habang nakangiti sa litrato namin nung highschool pa kami.
Nakuha ko 'to dun sa box na binigay niya sakin noon. Oo. Dito ko nalang nabuksan ang box na iyon. Ang box na iyon pala ay naglalaman ng mga regalo, digicam, pabango niya, isa niyang damit at photo albums.
Oo. Kaya pala mabigat yun. Punong puno kase eh.
Nakasulat sa letter dun sa bawat gifts niya ay ang taong dapat ko yun buksan. Ang sweet talaga niya. Noon palang naisip na niya ang mga bagay na 'to. Naisip niyang pakiligin ako hanggang sa panahong 'to. :)
At sa digicam naman, yun yung nagtago ng mga memories namin bilang magboyfriend-girlfriend. Nandun din yung video nung Good Bye gift niya nung highschool kami. Yung surprise party. Natawa nga ako nung mapanood kong naghuhubad ako sa gate. Hay. Para talaga sa kaniya gagawin ko ang lahat kahit mapahiya man ako sa harap ng iba. :3
Nakasulat sa letter na nakadikit sa pabango niya.
"Amuy-amuyin mo lang 'to. Hindi mo ko makakalimuatn :) Love You! Mwaah! :*"-Angel.
Yung sa damit naman ganito.
"Isabit mo lang 'to sa cabinet mo. Para kunwari diyan din ako nakatira sa bahay mo. :)"-Angel.
At sa photo album naman. Puro pictures niya. Mula bata hanggang nung highschool kami. Natawa nga ako dun sa isa niyang picture. Dahil yun yung picture na nahulog siya sa kanal kaya puno siya ng itim na bagay sa katawan niya.
Miss na kita. My Angel. :)
BINABASA MO ANG
I Love You, Good Bye (One Shot)
Novela JuvenilBakit ganun? Bakit ang gara ng pagibig? Bakit masyado itong malupit? Isama mo pa yang tadhana, bakit din siya sakim? Bakit napakalupit ng mundong ito? At... At... At bakit napaka-bitter ko? -_- Yan siguro pumapasok sa isip niyo no? o,O" Well, hindi...