I Love You, Good Bye

29 2 0
                                    

Third Person's POV

Hindi alam ni Andrei na ang lahat ay planado. Hindi niya alam na simula pa kanina, nakavideo na siya. Hindi niya kase alam na naghahanda ng isang party ang kaniyang girlfriend na si Angel. Wala na naman siyang kamalay malay na ginagawan na naman siya ng isang nakakakilig na bagay ng girlfriend.

"Ano Bess? Okay na ba lahat?"-tanong ni Angel kay Tracy. Bff niya. Siya at ang mga kaklase niya ang tumulong sa kaniya sa pag-organize at pagpe-prepare ng lahat.

"Oo, Gel. Sakto na pati yung foods."-sabi naman ni Tracy.

"Ah. Buti naman!"-sagot niya.

"Pahinga ka na. Bess. Kaya na namin 'to."-aya ni Tracy kay Angel.

"Hindi. Ayos lang ako. Salamat :)"-sabi niya at nagpatuloy na sila sa paggawa.

Pagkatapos ayusin ang lahat. Ipwesto ang mga kagamitan sa lugar kung saan dapat ito naroon. At ihanda ang dapat na ihanda. Nagpahinga sila nang konti at tsaka nagayos naman ng kani-kanilang sarili. Ang mga lalaki ay nakacoat, ang mga babae naman ang naka-cocktail dress.

Si Angel? Inaayusan na ng mga babae niyang kaklase. Siya'y nakagown. Napakaganda niya. Mas lalong lumabas ang pagiging mala-anghel niyang mukha dahil dito.

 

“Kung tapos na ang lahat. Tawagan na natin siya.”-sabi ng isa sa kanila.

 

“Kinakabahan ako, Bess.”-sabi ni Angel sa kaibigan.

 

“Kaya mo yan Angel. Hindi ikaw yan kung hindi mo makakaya.”-sabi naman nito.

 

“Sige! Tawagan niyo na.”-sabi naman ni Tracy.

 

Napahinga ng malalim si Angel at mariin na pumikit.

 

“Kaya ko ‘to!”-sabi nalang niya.

 

Ilang sandal lang, nagpanic na ang mga kaklase niya.

 

“Andiyan na siya! Nakita ko na siya sa may kanto!”-sigaw ni Kyle.

“Ihanda niyo na yung tuxedo niya.”-sabi naman ng girlfriend nito.

 

Pumwesto na ang lahat. Si Angel ay nasa stage na.

 

At about dun sa tuxedo. Nagtataka siguro kayo kung pano masusuot ni Andrei yun kung nagmamadali siyang makita si Angel knowing na kailangang kailangan siya ne’to. Well, tignan niyo nalang. :D

 

 "Teka lang Boy, bawal pumasok. Pfft."-sabi ng guard kay Andrei at di mapigilang bahagyang mapatawa dahil sa frustrated look ni Andrei sa kaniya.

"Po? Estudyante po ako dito. Ito po ID ko."-paliwanag niya.

"Kailangan ko na po talagang puntahan yung girlfriend ko."-sabi pa nito na halos maluha na. Lahat ay napangiti sa video na kanilang napapanood sa projector sa loob. Mula sa bahay nila Angel. Nakavideo na si Andrei. And yup, kasabwat si Mommy niya. :)

"Kailang mo munang maisuot 'to at magpaayos sa kaniya."-sabi ng guard kay Drei.

"Sige po. Basta mabilis lang."-wala sa sariling sagot naman ni Andrei at inayusan na siya. Nawala sa katinuan si Andrei. Lahat sinusunod na niya basta lang makapasok at makita si Angel. Mahal nga niya talaga ito.

Ipinapatay saglit ang projector dahil sa pagmamadali ni Andrei na makapasok sa loob ay sa gate na siya nakapagbihis. Napatawa ang buong campus sa pinagagagawa ni Andrei. Buti ay nakaboxer shorts ito. Pero happy happy pa din ang baklang nagaayos sa kaniya. -_- At si Angel naman ay bahagyang napapaluha na dahil alam niyang totoong mahal siya ni Drei. Gagawin ang lahat para lang sa kaniya.

I Love You, Good Bye (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon