Second Part

0 2 0
                                    

"Pagkukunwari"

~Johanna's POV~

"Steff, pinatawag mo daw ako?" Tanong ko pagkapasok sa kwarto nya saka umupo sa gilid ng kama nya.

As usual, naka wheel chair na naman sya, nakatalikod sa direksyon ko at mukhang tinatanaw ang view sa labas sa pamamagitan ng malaking glass window. Himalang hindi nya hawak ang paborito nyang camera. Nakapatong lang yun sa isang photo album na nasa side table ng kama nya. Ngayon ko lang nakita ang album na yun. Mukhang bago pa.

"Johanna.. tell me a lie."

Napabalik ang atensyon ko sa kanya.
"H-huh? Ano yun, cous?"
Hindi na sya sumagot kaya napatayo ako't nilapitan sya. Nagulat akong makitang umiiyak pala sya.
"Steff? A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Patuloy lang sa paglandas ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Mukhang kanina pa sya umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya hinimas-himas ko na lang sya sa ulo at braso.
"Steff.. sabihin mo sakin. Anong problema? May nangyari ba? May masakit ba sayo?"

"Just.. tell me a lie, Johanna. Just tell me, please." Ulit na naman nya sa kabila ng paghikbi. Kumunot na ang noo ko sa sinasabi nya.

Matapos kong umalis dun ay dumiretso ako patungo kina Neil. Agad ko syang nakitang papalabas ng gate nila. Tinakbo ko na ang pagitan namin at walang sali-salitang sinampal sya. Nagulat at natigilan naman sya nang makita nyang ako ang gumawa nun sa kanya. Napahawak sya sa pisngi nya.
"Para saan yun?"

Agad ko syang kinuwelyuhan at tinulak sa nakasaradong gate.

"Aray! Anong problema mo?"

"Ikaw! Anong problema mo!? May usapan tayo diba? Bakit mo sinaktan ang pinsan ko? Bakit, Neil!? Gusto mo na ba syang mamatay? Ha!?"

"Anong sinasabi mo?" Nagtataka pa rin nyang tanong.

"Wag kang umakting ngayon tangina! Bakit mo sinabi sa kanya ang totoo!?"

Nanlaki ang mga mata nya na parang gulat na gulat.
"Ano!?"

"Anong ano!? Gago ka ba? Alam na nya ang totoo! Ang lahat-lahat, Neil! Puta naman! Ano? Malinaw na?"

"Wala akong sinabi sa kanya!"

"Neil? Sinong kaaway mo dyan? Ba't ka sumisigaw?" Biglang labas ni tita mula sa bahay nila kaya agad akong bumitaw sa anak nya at inayos ko ang sarili ko. Lumapit ito sa amin at sinilip ako.
"Oh, Johanna, ikaw pala. Kamusta ka na?" Ngumiti ako sa kanya. Binuksan nya ang gate habang sinasabing,
"Ba't dito kayo sa labas nag uusap? Pumasok muna kayo--"

"Wag na, Ma! / Wag na po!" Nagkasabay naming sambit ni Neil kaya natulala ang Mama nya samin. Sabay din kaming ngumiti sa kanya.
"Aalis na din po ako tita. Sumaglit lang po ako dito para makausap tong gorilya nyo-este si bestfriend." Sabay tingin ng masama kay Neil na ganun din ang ginawa sa akin.

"Ah ganun ba. Alam nyo, ang cute-cute nyo talaga na magkaibigan. Laging nag aaway. Minsan gusto ko na kayong pag untugin eh." Natawa na lang kami kay tita.
"Ang tagal mo nang hindi nadalaw dito sa amin iha. Nami-miss na kita. Nami-miss ko na yung bidyu-bidyu natin."

"Na-miss ko din po kayo tita. Next time po bonding tayo ulit."

"Ay sige! Gusto ko yan!" Tuwang-tuwa naman nitong sabi at niyakap pa ko kaya parang nilamukos ang puso ko. Wala kasi silang alam lahat sa nangyayari sa amin ni Neil kahit na close ako sa pamilya nila.

We're indeed, great actor & actress.

"S-sige po tita ha? Aalis na po ko. Nagmamadali ako eh. Bye po." Mabilis kong paalam saka tumalikod na at naglakad palayo bago pa nila makitang lumuluha nako.

PagkukunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon