Third Part

1 2 0
                                    

"Pagkukunwari"

(Tapusin na nang matapos na😅)
Pasok naman tayo sa buhay ng Male Character ko. Go Neil!

~Neil's POV~

Bago pa man namin nalaman na naaksidente si Johanna ay nasa bahay pa ako nun nina Steff. Ang girl--ex girlfriend ko. Matagal na kaming hiwalay at kaming dalawa lang ang nakakaalam nun. Kung kami ni Johanna nagkukunwari pang mag bestfriend, kami ni Steff nagkukunwari pang magkasintahan. Parehas kasing kumplikado mga utak nila. Babae nga naman.

Pagkapasok ko sa kwarto nya, naabutan ko syang nasa wheelchair at may tinitignang parang libro. Sinara ko ang pinto para walang ibang makarinig sa magiging pag uusap namin.

"I guess, nakapag usap na kayo ng.. mabait kong pinsan. Anong sinabi nya sayo? Nagsumbong ba sya sa bestfriend nya at umiyak na parang kindergarten na first time maiwanan ng magulang?"
Hindi ako sumagot. Umupo lang ako sa gilid ng sofa kaharap nya.
"Can you tell me a lie, my dear loving boyfriend. Oops! Ex boyfriend na pala." Saka sya ngumiti sa akin.

Nairita ako sa tono nya.
"Can't you just say it directly? What do you want?"

Bigla nyang binagsak sa sahig ang hawak nyang..photo album. Hindi pala yun libro. Naluha na agad sya.
"I want us.. a comeback."
Napaiwas ako ng tingin. Ayan na naman sya. Tsk!
"Yun lang naman ang gusto ko! Mahirap ba yung hinihingi ko Neil? I just want my Chubs back.. kasi mahal pa rin kita, Neil. Can't you see? I'm still breathing because you said na lumaban ako, na kaya ko pa. I'm still here because you said so."

"Mali. Kaya ka pa nandito kasi gusto mo pang mabuhay. Sarili mo lang kasi ang iniintindi mo, noon pa man. At ako, isa lang akong tao-taohan sa buhay mo. Hindi mo naman talaga ko pinahalagahan eh. Kaya nga basta-basta mo na lang akong pinagpalit diba? Dun pa sa taong pinagseselosan ko. Kaya nga.. wala lang sayo nung nilaglag mo yung magiging anak sana natin! Diba? Wala kang pake dun, kasi puro ka image. Kesyo masisira ang image mo sa mga magulang mo, sa mga kaibigan mo, sa ibang tao. Lagi mo lang inuuna ang sarili mo."

"Shut up! Shut up!" Sigaw nya kaya tumahimik ako.
"I don't wanna hear it! Can't you move on, huh? Matagal na yun, Neil. Get over it, okay? Inamin ko nang mali ko yun. Pero diba nga ikaw, nangibang bansa lang ako pinatulan mo na agad yung pinsan ko. Ang kakapal pa ng mukha nyong magkunwaring magkaibigan sa harap ng iba yun pala palihim na kayong nag aahasan. You guys are hypocrite. Kunwari pa kayong galit sa isa't isa eh, pareho lang naman kayong traydor. Niloko nyo lang ako."

Napasabunot na ako sa buhok ko. Putangina. Alam na nga nya talaga. Sana hindi na lang pala ako nagpunta dito. Magsisisihan lang pala kami. Walang kwenta.

"Now, uulitin ko. Tell me a lie, Neil. Let's be ironic. Tutal naman puro kasinungalingan lang ang lahat ng to. Ano? May aaminin ka pa ba sakin?"

Napabuntong hininga ako. Napakuyom ang kamao. May isang kasinungalingan lang akong pinanghahawakan noon pa man. Tungkol kay Johanna.
"Ginawa ko lang syang panakip-butas dahil alam kong matagal nya na kong gusto.."
I looked straight into her eyes. Shocked visible in her beautiful face.. then, I finish my sentence.
"And that's the lie that I had kept for years, Steff. Because I love her.. I really do."

"Until now?"

"Yes.."

Mas lalo syang umiyak. Tinakpan nya ang mukha nya ng kamay at doon humagulhol. Tumayo ako palapit sa kanya. Kaso, hindi ko sya magawang hawakan, para syang babasaging gamit na nakakatakot hawakan.

"I'm sorry.. Steff.."

She looked at me furiously and point the door.
"Get out! Get OUT! I don't want to see you! I hate you!" Saka muling umiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagkukunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon