First Part

1 2 2
                                    

"Pagkukunwari"

~Johanna's POV~

"Ano? Ayos ba bestfriend? Nagustuhan mo ba?" Sarkastikong tanong ni Neil sa'kin para lang maasar ako lalo. Mas sinamaan ko naman ang tingin ko sa kanya saka akmang ihahampas ang binigay nyang regalo--isang box ng panty na bulaklakin ang design.
"Oh, oh! Masakit!" Pigil nya agad.

"Talagang masasaktan ka sa'kin! Buset ka!"

"Ganda kaya nyan. Ang galing kong pumili. Bestfriend mo ko eh!" Ayan, inulit pa yung pagka sarcastic nya sa salitang bestfriend.

*Click*

"Hahaha! Laughtrip talaga kayong dalawa! Haha!"
Habang wala namang humpay sa pagtawa ang pinsan ko habang kinukuhanan kami ng pictures. Si Steff na nasa wheelchair nya at nakaharap sa amin. Napapapunas na sya sa mga mata nya dahil sa sobrang saya.

Napangiti naman ako. Masaya ako pag masaya sya.. kaya pinatid ko si Neil nung akmang lalakad na sya palapit sa pinsan ko. Nadapa naman sya kaya mas lalong lumakas ang tawa ni Steff sabay picture ulit.

Pinigilan kong tumawa nung nilingon ako ni Neil na nanlilisik ang tingin sa'kin.

Nagkunwari akong concern.
"Ano nangyari sayo bestfriend? Wala namang isda dyan ah? Dun ka sa--AAHH!" Napasigaw na lang ako kasi hinila nya bigla ang paa ko kaya bumagsak din ako sa sahig. Sya naman ngayon ang nakangisi at tumayo. Hindi nya ko tinulungang makatayo kaya nag sariling sikap na lang ako at hinimas ang masakit kong pwet.

Lumapit sya kay Steff at hinalikan ito sa noo. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila.
"Bunny, sorry ah? Kung nanggugulo na naman kami dito." Paglalambing nya sa pinsan ko. Mag jowa sila.

"Okay lang, Chubs. Mas masaya nga kung nandito kayo eh. Napaka sweet nyong mag bestfriend. Solid hahaha!" Tawa na naman ni Steff. Ang babaw talaga ng kaligayahan nya, kaya nga halos lahat, sya ang gusto. Bukod sa masayahin, maganda at mabait din sya. Kaso nga lang, may malubha syang sakit. Batid ng lahat na may taning na ang buhay nya pero dahil na rin sa ayaw ni Steff na nakikita kaming malungkot, nagkukunwari kaming masaya at normal lang ang lahat.

Napatingin ako sa cp ko kung anong oras na.
"Uwi na pala ko, cous, best.. baka hinahanap na ko sa bahay." Paalam ko sa kanila at inayos na ang mga regalo nila sa akin. Birthday ko kasi ngayon, pinadaan ako ni Steff dito para daw maibigay ang regalo nila.

"Ah ganun ba,cous. Don't worry, ihahatid ka ng bestfriend mo."

Sabay kaming gulat na napatingin kay Steff. Seryoso? Nakangiti lang sya. Ang inosente talaga ng mukha nya pag ginagawa nya yan, kahit na ang putla na ng balat nya. Tumingala sya kay Neil.
"Ihatid mo sya, Chubs ha?"
Sasagot na sana si Neil kaya sumabat agad ako.

"Wag na!" Agad kong tutol. "Okay lang ako, cous. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero cous, birthday mo ngayon. You need to be extra careful. And hindi ako matatahimik kung pabayaan lang kitang maglakad dyan mag isa sa labas."

"Grabe naman. Mapamahiin talaga tong Bunny ko." Pabirong singit ni Neil kaya kinurot sya ni Steff.

"Hindi naman ako maglalakad eh, mag co-commute ako." Pagdadahilan ko pa.

"Johanna, ihahatid na kita. Para saan pa't naging bestfriends tayo diba?" Ugh! Binanggit na naman nya. Hindi ba talaga sya marunong makiramdam?

Sa huli, wala rin akong nagawa sa pangungulit nila.

Pero bago kami tuluyang nakalabas ng bahay nila Steff ay pinicture-an nya ulit kaming dalawa ni Neil. Minsan nagtataka na rin ako kung bakit kaming dalawa ang laging laman ng camera nya at hindi sya kasama.

Paghinto ng sasakyan ni Neil sa tapat ng bahay ay agad kong tinanggal ang seatbelt at bababa na sana ng pigilan ako ni Neil sa braso.

"Ano ba! Wag mo nga kong hawakan!" Singhal ko sa kanya at pinalis ang kamay nya.

Hindi talaga kami magkabati ni Neil. Matagal na. Nagkukunwari lang kaming mag bestfriend pa rin sa harap ni Steff kahit na ang totoo'y magkagalit na kami. Yung pisikalan namin kanina, yun ang totoo. Ganun namin ka-hate ang isa't isa.

"Johanna, mag usap muna tayo." Seryoso nyang sabi nang hindi ako tinitingnan.

"At ano namang pag uusapan natin? Yung paghusayan pa ang acting? Oo na. Ginagalingan ko naman ah! Ikaw lang tong masyadong halata." Nakairap kong reklamo sa kanya.

"Ako pa talaga? Ikaw nga halatang ayaw mong magpahatid sa'kin! Sya naman nag request diba at hindi ako?" Ganti naman nya.

"Hoy, pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo eh. Hindi ko kailangan magpahatid sayo. May pera ako. Hindi ako poorita."

"Sinabi ko bang hikahos ka? Wala naman akong--"

"Stop! Ano bang pag uusapan natin? Ano ba yung sasabihin mo?" Naiirita lang kasi ako.
"Nakaka suffocate na kasi ang atmosphere dito."

"Okay. Ang gusto ko sana.. umamin na tayo sa kanya. Aminin na natin kay Steff ang totoo. Kasi nahihirapan nako--"

"Ano!? No way! Alam mo naman kung bakit diba? Kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Kung bakit ko sinabing magkaibigan pa rin tayo.. ayoko lang syang masaktan. Neil, may sakit na nga yung tao tapos dadagdagan mo pa yung hirap nya? Nag iisip ka ba?"

Napayuko sya sa braso nyang nakapatong sa manibela.

"Alam ko, alam ko. Ayoko lang naman kasing ganito na lang lagi. Napapagod na kong umakting na okay sa harapan nya. Napapagod na kong magsinungaling sa kanya. Nahihirapan na ko dahil wala akong masabi sa kanyang totoo. Nasasaktan na rin ako, Johanna!" Mukhang paiyak na sya.

"Napapagod na rin ako, Neil!" Nagsimula na ring maglabasan ang mga luha ko.
"Na.. napapagod na rin ako sa tuwing nakikita kita. Nakikita ko kayong dalawa na magkasama. Alam mo kung bakit? Kasi nagseselos pa rin ako! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan sa tuwing nagsisinungaling tayo sa kanya? Ako din! Mas doble pa! Pero tinitiis ko. Kasi pinsan ko sya at mahal na mahal ko sya. Ayoko syang mawala at mas lalong ayoko syang masaktan pag nalaman nya na ang boyfriend nya at ang sarili nyang pinsan ay nagkaroon ng relasyon habang nagpapagamot sya sa ibang bansa!" Tuluyan na kong humagulhol at alam kong umiiyak na rin sya.

Ganito kami lagi pag nagkakausap kami ng masinsinan.

"Ayoko pa syang mawala.. mahal ko sya." Mahinang sambit nya.

Napapikit na lang ako sa sakit. Itong sakit na to ang dahilan kung bakit galit ako sa kanya. Kung sana hindi na lang ako nahulog sa kanya. Kung sana hindi na lang ako na-inlove sa bestfriend ko..

E di sana maayos pa rin kami ngayon..

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Be strong, Johanna. Gawin mo na lang ang dapat mong gawin.

"Mahal ko din ang pinsan ko. Sya na ang nagsilbing kapatid ko mula pagkabata. At gagawin ko ang lahat maging masaya lang sya habang nandito pa sya. Kahit pa ang magmukha akong tanga, gagawin ko. Kahit pa ang isantabi ang pansarili kong kaligayahan." Huling sabi ko sa kanya  bago bumaba ng sasakyan nya.

Mag bestfriend talaga kami ni Neil dati pero sa tagal na naming naging magkaibigan, na develop ako sa kanya. Pero umamin si Neil sa'kin na mahal nya ang pinsan ko at alam kong gusto din sya ni Steff kaya nagparaya na lang ako. Naging sila at bilang bestfriend sinuportahan ko sila. Hanggang sa magkasakit si Steff at ipinadala sya sa ibang bansa para ipagamot. Ipinagkatiwala nya sa'kin si Neil.. akala ko pwede na kong pumalit sa puso nya pero akala lang pala yun.. kasi ginawa nya lang akong panakip-butas. Kaya galit na galit ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang gagawin sa'kin yung ng boybestfriend ko. Hanggang sa makauwi si Steff dito.. akala nya ganun pa rin kami ni Neil.

Pero hindi na, pagkukunwari na lang ang lahat ng to. Kunwaring masaya, kunwaring maayos, kunwaring magkaibigan.

PagkukunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon