Kabanata 6
Kagaya ng inaasahan ko, buong klase akong inasar ni Chanel dahil nakita niya raw kaming dalawa ni Azure kanina. Namula ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan. Bwiset na mokong napaka landi. Buong klase rin akong binabagabag ng halik ni Azure. Paulit ulit nagre replay! Stop please?!
"Sinasabi ko na nga ba! In denial ka lang talaga suuuussss!" paulit ulit niya akong tinusok sa tagiliran. Sobrang nakaka cringe pero hayaan na. Kailangan ko talaga ng pera para kay papa.
"Medyo nakakatampo kasi bakit hindi mo sinabi sakin? Wala man lang akong ka clue clue na may boyfriend ka na pala. But in fairness, Charlotte ang galing mo magtago ha?" sunod sunod na dagdag niya at nagtaas baba ng kilay. Hayy, Chanel. Kung alam mo lang.
Hilaw akong ngumiti. "Tara na. Nagugutom na 'ko."
Sumunod siya sa akin pababa. Nakakabadtrip talaga tong University namin! Imbis na i save mo yung energy mo para sa susunod na class, nagamit mo na kakaakyat baba sa hagdanan na pagkahaba haba.
"Kwentuhan mo naman ako about Azure! Like, his favorite color? Middle initial niya? Favorite food?"
Nagpanggap ako ng walang naririnig at mas mabilis na bumaba. Wala naman akong alam sa mga favorites niya.
"Nakapunta ka na sa bahay nila? Have you met his family? Alam mo ba, Charlotte! Pogi rin yung kapatid ni Azure like omg fafa! Kaso mas bata siya sa atin ng isang taon huhu bla bla bla bla.."
Patuloy sa pagdaldal si Chanel hanggang makaabot kami ni Cafeteria. Kailan ba 'to titigil kakadaldal? Hindi siya nauubusan ng sasabihin.
"Hala omg is that Azu--"
"Alam mo Chanel, masarap yung mga pagkain sa store na 'yon. Tara bili tayo.." mabilis ko siyang hinila palayo. Ngayon nalang ulit pala kami nakapag lunch ng sabay ni Chanel ah? Lagi akong sina snatch ni Azure.
Bumili ako ng turks lang at ng tubig. Kailangan kong tipirin ang pera ko para kahit papaano may maiipon ako mula sa binabaon ko.
"Diet ka?" taas kilay na tanong ni Chanel habang nginunguso ang hawak ko. Tiningnan ko ito at nagkibit balikat. Busog na ko dito.
"Hindi. Pero busog na 'ko dito." tipid na sagot ko sakaniya. Medyo malaki naman ang turks nila kaya okay na 'to.
"Never ka pang hindi kumain ng kanin tuwing lunch. Motto mo sa buhay health is wealth. Tell me, may problema ka ba? Nagpapa sexy ka ba kay Azure?" nakataas pa din ang kilay ni Chanel at umiling iling.
I sighed. "I'll tell you later."
"What? Now na. My curiosity will kill me." she replied.
"Maghanap muna tayo ng table, Chanel. Mahaba haba ang sasabihin ko." I rolled my eyes. "Gusto mo, nakatayo lang tayo buong lunch time?"
"Alright, fine! Make sure na sasabihin mo ha! If not, i'll kill you talaga." nilakihan niya ang mata niya na animo'y nananakot. Umiling nalang ako at naghanap ng table. Nang may mahanap na kami, umupo na kaming dalawa. Magsisimula na sana ako kumain nang marinig kong may magsalita sa likod ko.
"Hey, my tiny woman." he sat beside me. I stopped myself from rolling my eyes.
"Hey.. Nag lunch kana?" I smiled at him. Nakita ko si Yvonne sa di kalayuan. Magsasalita na sana siya pero lumipat ang mata niya sa pagkain ko na nasa table.
"Is that your lunch?" kunot noong tanong niya. Ano bang meron at parang big deal na big deal kung turks lang ang kainin ko? Tumango ako at kumagat. Ang sarap kaya ng turks.
"You should eat lots of foods. Paano ka lalaki?" inabot niya sa akin ang tray niya na may lamang rice, noodles, kimchi at chicken barbeque. Nanlaki ang mata ko at tiningnan lang ang tray. "It's alright. Kumain ako ng marami kaninang umaga. I'm full."
Lagi nalang niya ako nililibre. Nakakahiya din naman no. Humugot ako ng malalim na hininga at humarap sakaniya. "I'm fine with this--"
"Eat." he cut me off and pointed at the tray infront of me. Medyo nakakatakot ang boses niya pero nahihiya na talaga ako! Everytime nagkikita kami, nililibre niya ako. Alam ko wala lang sakaniya kasi sobrang dami naman nilang pera pero nakakahiya pa din.
"Do you want me to spoon feed you?" he asked, smirking. Kinuha niya ang kutsara't tinidor at naglagay ng kanin. "Say aaah"
Namula ako sa sobrang kahihiyan. Kinuha ko ang kutsara sakaniya at sinubo iyon. He chuckled and pinched my nose. ANO BA! ANG HAROT NAMAN NITO! GANITO BA TALAGA PAG NASA RELASYON?!
"Ehem.." tikhim ni Chanel sa harapan namin. Humarap ako sakaniya. Hala! Nakalimutan kong kasama pala namin siya.
"Oh, sorry. Hi." tipid na sambit ni Azure.
Chanel smiled. Tumingin siya sa akin ng mapang asar. Ugh! "It's fine. By the way, i'm Chanel."
Tinanguan lang siya ni Azure. Napailing ako. Ang bastos talaga nito minsan. Tumawa tuloy si Chanel at tumayo.
"Hey lovers, sige na. Iwan ko muna kayo at baka kailangan niyo ng alone time." nginisian ako ni Chanel.
"Thank you." replied Azure. Napasinghap ako at hinarap siya.
"Ang landi mo." bulong ko.
"What? I'm just being a sweet boyfriend." he defensively said.
I was about to say a word when a girl sat infront of us. Nilapag niya ang tray sa table at tumingin sa amin. It was Yvonne. Sobrang mukha siyang mataray kahit na ngumiti siya.
"Can I sit here?" she asked.
"You're already sitting." kalmadong sabi ni Azure pero napapansin ko na medyo badtrip agad siya. Araw araw ka ba namang guluhin ng ex mo. What's done is done. Bakit pa ba nila sinusubukang balikan e tapos na nga?
Ngumiti sakanya si Yvonne. Actually, kay Azure lang siya nakatingin simula ng lumapit siya dito. It was like i'm invisible here.
"Ang pilosopo mo pa rin talaga. Just like when we're together." aniya na parang pinaparinggan ako. Wala naman akong pakialam.
"Why are you here? Can't you see that i'm with my girlfriend?" binalot ng braso niya ang beywang ko. I can feel my heart beating so fast but I pretended that i'm used to it.
"You're with your girlfriend--you mean me?" nakangising saad nito habang nakatingin pa rin ng diretso kay Azure. I salute your confidence, Yvonne.
"Yvonne, how many times do I have to fucking tell you that we're already done?" humigpit ang hawak ni Azure sa beywang ko.
Hindi nawala ang ngisi sa labi ni Yvonne. Yvonne's beautiful and almost perfect. Mukha siyang barbie doll sa kutis niya at tangkad. Pwede siyang model, actually. Ang daming lalaki sa mundo. Bakit niya pinagsisiksikan ang sarili niya kay Azure? She can do better than this.
"I know you still love me." she bit her lower lip.
"I didn't love you, Yvonne. I just liked you." seryosong saad ni Azure kay Yvonne. Kung hindi ko lang kailangan ang dobleng sahod, hindi sana ako naiipit sa dalawang 'to at nagrereview nalang sa library. Hayy!
"Then, I know you still like me--"
"Stop being pathetic, Yvonne." I cut her off. I want to speak up. "I may not know what you two have been through but it's done. You have to accept and move on kasi hanggang doon nalang. Memories stay but people don't. Huwag mo na ipagsiksikan ang sarili mo kay Azure kasi I know you can do better than that. And please stop bugging me and my boyfriend."
I stood up and grabbed my bag. Mabilis kong nilisan ang cafeteria. I can feel Azure following me. He pulled me into a hug kaya nauntog ako sa matigas na dibdib niya. Punyeta, ang sakit!
"Thank you for speaking up. Kanina ko pa hinihintay na magsalita ka." he whispered
Nanahimik ako. I just let him hugged me. For a moment, I felt comfortable in his arms. It's like a safe place i'd always wanted to go to. Well, siguro na attach na rin ako sakaniya.
YOU ARE READING
(Alonte Series #1) Dying Embers
General Fiction(Alonte Series #1) "War is the child of pride, and pride is the daugther of riches" - Jonathan Swift (1667-1745). A cold-hearted and ruthless person couldn't be reformed easily. It takes time, it can be caused by several issues. But, Charlotte Ivory...