Kabanata 9
I managed to talk to Chanel. Hindi ko naman kaya na magkatampuhan kami ng matagal. Siguro nga hindi lang kaya ng pride ko na tumanggap ng tulong mula sa mga mayayaman. Pakiramdam ko kasi ang dukha namin. Pinayagan ko na siya na magbigay ng kahit 500thousand. Pero she insisted na 1million nalang raw.
"Per--"
"No buts, Charlotte! Gusto rin nila mom na makatulong kaya hinayaan niya lang ako. Gusto niya din sana mag ambag kaso sabi ko wag na dahil hindi mo naman tatanggapin." she patted my shoulder. "Buti naman at pumayag kana!"
I sighed. "Sinabihan ako ni Azure.."
Napa-O ang bibig niya. "Sabi ko na! Bet na bet ko talaga 'yang si Azure for you! Guwapings na, good influence pa! Hayy. Sana mayroon din ako."
"Kung alam mo lang.." I whispered.
"Ha?"
"Wala. Andiyan na si sir oh." nginuso ko si sir na kakapasok pa lang.
Puro recit kami ngayon as usual. Bibihira lang magkaroon ng discussion. Recit muna bago discussion tapos kapag walang nasagot, zero. Pinapasulat ng mga nonfictions, politics o governance ng dalawang oras lang. Take note, 500 words ang kailangan.
Napalabi ako ng pumasok sila mama at papa sa utak ko. Nakalimutan ko pala sila tawagan at kamustahin kahapon. Pagkarating kasi namin ng condo, nag advance reading agad ako at nakatulog. Mamaya nalang ako dadalaw, friday naman ngayon.
"Ms. Samiego." banggit ni Sir Estrada sa apelyido ko.
Napatayo ako ng wala sa sarili at nag ayos ng palda. "Yes, sir?"
Matanda na si sir, bibihira ngumiti at masungit. Isa siya sa mga kinatatakutan ng mga estudyante, kasama na ako doon. Kapag hindi niya nagustuhan ang sagot mo sa quiz ay pupunitin niya sa harap mo mismo ang papel mo.
Tumikhim ito at matamang tumingin sa akin. "Are we losing our humanity? State your opinion."
Humugot ako ng malalim na hininga at nanahimik ng ilang segundo. "Yes. Some says, we humans, get or act stupid, irresponsible, neglectful and such but unfortunately that's part of being a human. But I don't agree with it. We are losing our humanity. Lunod sa pera. They care nothing unless its money. And that's when selfishness starts. Can you bring all your luxuries to death? Madadala mo ba sa kamatayan lahat ng pera mo? It's alright to have money but don't be too drown it. They should be collecting memories and happiness more kasi habang buhay pwedeng madala 'yan."
Tumigil ako ng ilang segundo at nagpatuloy. "Kids nowadays are also drown in the internet and technologies. They rarely spend their time with their family. They lose communication with each other. Yung iba naman, kukuhanan nila ng mga litrato ang mga sarili nila na tumutulong sa mahihirap para i-post sa social media to gain likes. Mga nagpapakitang tao lang naman." I clicked my tongue. "Love and compassion are necessities, not luxuries. Without them, humanity cannot survive. And humanity must need to continue because humanity is about humans and humans are nothing without humanity."
Ngumiti ako at umupo.
"I'm really impressed by you, Ms. Samiego. Thank you for sharing us your wonderful opinion. Sana lahat ng estudyante rito, ganoon sumagot." bumaling sa akin si sir. "You may now take your seat." nginitian niya ako. Tumango ako at umupo sa upuan ko.
"Grabe, girl. Akin nalang utak mo please?" bulong ni Chanel habang nakahawak sa noo niya.
I love everything about humanities, at gusto kong mas matuto pa. Yup, i'm going to be a psychologist soon. Nung una, gusto kong maging engineer nalang kahit mahilig ako mag study about human mind and behaviors kasi malaki ang sahod, mas matutulungan ko sila mama kapag naka graduate na ako. Pero sabi ni mama na 'wag ko raw silang alalahanin. She told me to do what my heart really wants.
I grabbed the Memories by Lang Leav in my bag. Nakita ko ito sa library kanina kagaya ng lagi kong ginagawa bago ako umakyat papunta sa klase ko. Buti at pumayag ang librarian na hiramin ko muna ito.
Sinimulan ko ang pagbabasa. Sigurado naman na akong hindi na ako tatawagin ni sir kasi natawag niya na ako kanina. Mauubos lang ang oras niya kung paulit ulit niyang tatawagin yung mga natawag na.
Naubos ang oras kakasermon ni Sir Estrada sa isa kong kaklaseng hindi nakasagot sakaniya. Tuwang tuwa yung iba kong kaklase na hindi natawag dahil time na.
"Thank God hindi ako natawag!" masayang sambit ni Chanel.
"Wala ka ring grade ngayong araw.." tumayo ako at nag ayos ng gamit. Natapos ko na din yung Memories ni Lang Leav.
"It's okay. Babawi nalang ako sa mga essay hehe." sumabay si Chanel sa akin sa paglalakad.
"Gusto mo sumama sa akin mamaya? Dadalaw ako kila papa, friday naman ngayon." humarap ako sakanya habang naglalakad. Mabilis siyang tumango at pumalakpak.
"Yes of course! Medyo nakaka miss rin si tito 'no. He kept on giving me advice kaya every time pumupunta ako sainyo. Life quote ko 'yun." she smiled. Papa is a really great person. I miss having deep conversations with him, pati si mama.
"Osig--"
Nagulat ako nang may humablot sa bag ko. Nilingon ko siya. Punyeta akala ko magnanakaw, si Azure lang pala. Bakit kasi nanghahablot ng backpack to?
"Boyfriends should be carrying their girlfriends bag." he winked.
Inismiran ko siya, hindi pa din siya tapos sa boyfriend and girlfriend thingy blabla niya. "Fine, boyfriend."
Napansin ko si Chanel sa gilid ng mata ko na bumubulong. "Edi sanaol."
"Girl, una na ako sa library. I'm not hungry naman." nagtaas baba ng kilay si Chanel. "And I don't want to look like a third wheel 'no."
Maiiwan nanaman ako kasama tong ulupong na 'to. Lagi nalang kaming PDA sa daan. Hiyang hiya na ako.
"Hoy okay lang. Sama kana samin--"
"Alright, lovers. Maiwan ko na kayo!" she cut me off. Sinimangutan ko siya pero kinindatan niya lang ako.
Nang makalayo si Chanel sa amin, nilagay ni Azure ang braso niya sa mga balikat ko. I can smell his manly scent. Ang bango bango na parang bagong ligo lagi.
Eto si Azure, nandito lagi sa building namin kung pwede namang doon nalang siya sa building nila. Hello? Aware ako na stairs lang ang meron pati sa building nila. Pagbaba pa nga lang ng hagdan nakakapagod na, pano pa kung humakbang ng kuwarenta papunta sa kabilang building?
"Hindi ka ba napapagod sa pagdayo dito sa building namin araw araw? Ang layo kaya ng building niyo tapos wala din kayong elevator." I raised my head to look at him.
He wrinkled his nose. "Nope. As long as i'm seeing you after that long walk."
Sus. Wala si Yvonne dito ser kaya wala ding saysay banat mo. Napailing ako at hindi nalang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa Cafeteria.
As usual, pinipilit ako ni Azure na siya nalang daw ang magsubo sa akin.
"Ayoko!"
Hindi naman ako baby para subuan. Bakit pa ako binigyan ng kamay at paa kung hindi ko naman gagamitin? Also, even if we're on a fake relationship, ayokong maging pabebe.
"Isusubo mo 'tong kanin at ulam o iba ang ipapasubo ko sayo?" seryosong aniya. Hayop. Halos mahulog ako sa upuan kahit nakaupo naman ako. Ano ba tong lumalabas sa bibig ni Azure?!
"H-hoy!" I stuttered. "A-anong isusubo ka diyan, akin na nga!"
Triny ko hablutin yung kutsara sa kanya. Punyeta pati ba naman kutsara pinag aawayan namin! Hindi niya binigay ang kutsara sakin kaya mas lalo akong sumimangot.
"Eat this or you'll eat my--"
Mabilis kong sinubo ang kanin sa kutsarang hawak niya. Hinablot ko na rin ang kutsara at nagsimulang kumain.
--
"Love and compassion are necessities, not luxuries. Without them, humanity cannot survive." - Dalai Lama
"Humanity must need to continue because humanity is about humans and humans are nothing without humanity." - Zaman Ali
YOU ARE READING
(Alonte Series #1) Dying Embers
Fiction générale(Alonte Series #1) "War is the child of pride, and pride is the daugther of riches" - Jonathan Swift (1667-1745). A cold-hearted and ruthless person couldn't be reformed easily. It takes time, it can be caused by several issues. But, Charlotte Ivory...